CHAPTER 26: Gamma's Daughter

7.2K 271 6
                                    

LEXA's POV

Mabilis lumipas ang mga araw, maayos na kami ni Yxan at inabot din ako ng isang linggong depressed dahil sa pagkamatay ni lola Olivia. Kahit ngayon ay nalulungkot pa rin ako sa pagkawala niya pero dapat ko nang tanggapin dahil kahit anong gawin ko ay hindi na siya babalik pa sa amin.



Nandito na kami ngayon sa Sheridan Village, ang tirahan ko.



Nagpeprepara para sa isang malaking pagtitipon na gaganapin bukas. Sabi ni tito Andreighus ay ngayong araw ay ipapakilala na niya kami ni Yxan sa lahat, bilang mga pamangkin niya, bilang isang Sheridan.




Medyo kinakabahan ako sa magiging reaksyon ng lahat. Lalo na sa pagkakaroon namin ni Yxan ng asul na mga mata, isang low-grade werewolf ang blue eyes kaya baka i-judge nila kami. Blue eyes si papa at sa kaniya namin nakuha ang kulay ng nga mata namin, isa kasing amerikano si papa kaya ganun.



Hays. Napaisip din ako, kailan ba ako makakakita? Or the proper term is makakakita pa ba ako? Hindi ko alam.




"Let's go outside Francia." Aya ko kay Francia. Nabobored na kasi ako sa kwarto ko.



"Saan naman tayo pupunta Miss Lexa?" Magalang na tanong naman niya.


"Kahit saan, ang boring kasi. Mas lalo ko namimiss si lola kapag nandito ako." Sagot ko at napabuntong-hininga.



"Sige po, pero kailangan natin magpaalam kay Alpha Andreighus. Ayoko pong mapagalitan ulit Miss Lexa." Malumanay na sabi niya na tinanguan ko naman.



Ilang beses na kasi siya napagalitan ni tito Andreighus dahil sa akin, masyado kasi akong makulit kaya hindi na kami nagpapasabi kay tito kapag lalabas kami ng mansion. Praning ata si tito kasi feeling niya e mapapahamak ako kapag umalis ako ng mansion like before. Pero wala naman nangyayaring masama sa akin e mula noon.




"Alpha Andreighus." Tawag pansin ni Francia.


Nasa sala kami ngayon at nagpapaalam kay tito Andreighus. Sana pumayag siya, nabobored na ako dito sa mansion e. Gusto ko mamasyal.



"What?" Seryosong tanong ni tito Andreighus.


"Gusto raw pong mamasyal ni Miss Lexa." Sabi ni Francia.



Ilang minuto muna ang lumipas bago namin narinig ang sagot ni tito Andreighus.


"Okay. But bring Yxan with you." Sagot niya.




Isasama namin si Yxan? Not bad. Gusto ko rin makabonding si Yxan, palagi nalang si Francia ang kasama ko e.



"Sige po, thank you tito Andreighus." Nakangiting sabi ko.



Hindi ko alam kung anong reaction niya sa sinabi ko, hindi na rin kasi siya sumagot pa. Tanging 'hmm' lang narinig ko mula sakaniya.




"Call him. Bilis!" Utos ko kay Francia at tinapik-tapik ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.


"Sige po Miss Lexa, sandali lamang ho." Paalam niya at iniwan na ako sa sala.



Hindi naman matanggal sa mga labi ko ang ngiti. Ewan, masaya lang ako.



"Tara na." Rinig kong sabi ni Yxan at hinawakan na niya ako sa kamay ko.


"Okay." Masayang sabi ko at ako na unang humila kay Yxan upang umalis.



"Ops!" Sabi ni Yxan at pinatigil ako.



THE SIGHTLESS LUNAWhere stories live. Discover now