CHAPTER 55: Aconitum Napellus

4.5K 145 10
                                    

THIRD PERSON

"Sawakas hawak kana namin ngayon Alexandrite Monroe."

Sabi ni Alpha Gordon at sinundan ito ng isang malademonyong pagtawa.

Nasa lungga na sila na malayo sa mga packs, iniba nila ang direction upang malito sina Alpha Tyler na sumusunod sa kanila.


Isang bundok ang pinuntahan nila, may bangin sa gilid ng patag na lupa at isang maliit na kubo. Ginawa ito ng mga taga Wilbur Village dahil na rin sa utos ni Alpha Gordon kay Alpha Emory.

Pinahiga nila si Lexa sa mahabang lamesa na gawa sa kawayan habang ang sanggol naman ay inilapag lamang sa upuang gawa sa kawayan din na naroon.




Itinali nila ng mahigpit si Lexa, sa mga kamay, paa at pati na rin sa balakang paikot sa lamesa. Hinigpitan nila ang tali upang hindi makawala si Lexa dahil alam nilang isa itong primordial na may pambihirang lakas.


Nakapag shift na rin sina Alpha Marion at Emory bilang tao. Nagdala rin sila ng sampung lobo upang magbantay sa labas ng kubo.



Kinuha ni Alpha Gordon ang dalawang itim at makapal na gloves.


"Ang kahon." Utos nito.


Agad naman iniabot ni Alpha Marion sa kaniya ang box na nasa ilalim ng lamesa.


Abot tenga ang ngiti ni Alpha Gordon nang mapahawak siya sa kahon.



"Ito na ang pinakahihintay nating maganap. Ang matagal na nating pangarap abot kamay na natin." Masayang sabi nito.



"Tama. Konting oras nalang at makakalaya na tayo." Sagot naman ni Alpha Emory.


"Tayo ang magwawagi sa labanang ito." Sabi naman ni Alpha Marion.


Sabay-sabay silang nagsitawanan, at inilabas na ni Alpha Gordon ang laman ng kahon. Todo ingat sila rito dahil baka pati sila ay masaktan at ikamatay nila.



Isa itong Aconitum Napellus o mas kilala sa tawag na wolfsbane. Isang uri ng halaman na siyang kayang kumitil ng buhay ng isang taong lobo, ang kanilang pangunahing kahinaan.


"Kailangan magsaya muna tayo, ayokong mamatay siya kaagad. Dapat maranasan muna niya ang hirap na dinanas ng aking asawa sa kamay ng kaniyang asawa." May bahid ng galit sa boses na saad ni Alpha Gordon.



Si Luna Ingrid Mallory Bertram ang asawa ni Alpha Gordon na pinahirapan at pinaslang nila Alpha Tyler, isa iyon sa dahilan kung bakit sobra ang galit ni Alpha Gordon sa dalawang pack na kalaban nila.





YXAN's POV

Nagshift kami upang mas mapabilis ang pakikipag komunikasyon sa isa't isa.


"Nasaan na sila???!!!" Sigaw na tanong ko.


Narito kami sa Bertram Village at napakatahimik dito. Parang walang nakatira sa sobrang katahimikan.


Dinaanan namin ang Seymour at Wilbur Village ngunit gaya sa Bertram ay parang naabandonang village ang nadatnan namin. Nakakainis!!!!


"Baka kung ano na ang ginagawa nila sa kapatid ko." Galit at inis na sabi ko at napasabunot sa aking buhok.


Ilang sandali pa ay napaluhod si Alpha Tyler kaya nilapitan namin siya at inalalayang makatayo.

"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko.


THE SIGHTLESS LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon