CHAPTER 42: Danger and Poison

5.9K 186 2
                                    

LEXA's POV

It's been a week! Pero hindi pa rin ako maka-move on. Hays.


(Author: Sorry nag-jump na ako to another topic. Pasensya na po, hindi ko po kasi alam gumawa ng bed scenes. Feel free to imagine nalang po sa nangyari between Lexa and Tyler that night 😅✌)



Nakaharap ako sa salamin habang hawak ang leeg. Maliligo na sana ako pero napatigil ako dahil sa markang nasa leeg ko na gawa ni Klaude.




Isang linggo na ang lumipas, isang linggo na rin akong inaaway ni Denise dahil crush daw niya ang asawa ko. Asawa..



Napangiti ako bigla sa naisip ko. Asawa ko na ang alpha ng pinakamalakas na pack. Mas tumibay ang Moonlight Pack mula nang ikasal kami ni Klaude. Kaunti nga lang ang dumalo pero mukha itong virus na kay bilis kumalat sa werewolf world.



Hindi rin pala ako kinikibo nila Sammy, para silang ilag sa akin na tipong kapag nasa paligid nila ako ay naiilang sila. Hindi ko alam kung bakit.


Napapansin ko rin Beta Thaddeus kapag kasama ko siya, masaya naman pero kapag nakikita niya si Denise ay magiging seryoso na ang mukha at parang malalim ang iniisip. Kapag tatanungin ko naman siya e ngingitian lang ako ng pilit pa.




Bumuntong-hininga ako at ginawa nalang ang dapat gawin sa loob ng banyo.




After ko maligo ay nagbihis lang ako ng as usual dress ulit na lagpas tuhod. Nagsuklay ako bago lumabas ng kwarto, nandito ako sa Vaughn Village. Mula ng maikasal ako ay dito na ako tumira kaya tahimik buhay ko dahil si Klaude lang nakakausap ko, parang ang seryoso kasi ng mga tao dito kaya palagi ako tumatambay sa Sheridan kahit ilang oras ang byahe.


Wala si Klaude, may inaasikaso. Paglabas ko ng kwarto ay napakatahimik, parang abandonado ang mansion. Haaay.




"Kailan kaya iingay ang mansyon na ito." Bulong ko sa sarili ko.



"Sa tingin ko kapag may bata na dito, Luna."




Napatalon ako sa gulat sa nagsalita na nasa likuran ko pala. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba. Si Gamma Vernon na napakamot sa ulo dahil sa reaction ko.



"Ginulat mo naman ako Gamma." Mahinang sabi ko.



"Pasensya na po kayo Luna." Nahihiyang sabi naman niya.



Well, aside from Klaude. Beta Horace and Gamma Vernon is here to accompany me while Klaude is not around.



"Okay lang. Ano pala ginagawa mo rito?" Tanong ko nalang.



Naglakad na ako pababa ng hagdan para pumunta sa sala. Naramdaman ko naman na sumusunod siya sa akin sa likuran ko.




"Inutusan po ako ni Alpha Tyler na samahan kayo ngayong araw." Magalang na sagot naman niya.




"Ganoon ba." Tanging nasabi ko.




Klaude is always like that, kapag wala siya e ipinapadala niya si Beta Horace or Gamma Vernon para may makasama ako at hindi raw ma-bored. Para na rin daw may makausap ako.



"Samahan mo ako kung ganoon." Sabi ko ng makaupo sa sofa.



Umupo naman siya sa single sofa at nakatingin sa akin.


"Sa Sheridan Village po ba?" Tanong niya.




Hahaha. Alam na alam nila kung saan ako pumupunta. Well, sa Sheridan lang naman talaga ang alam kong puntahan e. 3 days na rin nung huling dalaw ko doon, nakakatampo lang sina Yxan dahil hindi man lang ako tawagan.





THE SIGHTLESS LUNAWhere stories live. Discover now