CHAPTER 41: Alexandrite Monroe-Vaughn

6.2K 214 4
                                    

YXAN's POV


"Wala pa rin ba?"

Ilang beses na itinanong ni Denise sa akin iyan. Wala pa rin sinasabi si tito Andreighus. Ayoko man makasama ang babaeng ito ay wala akong magawa dahil ako lang ang kilala nila at si Lexa.



Isang araw pa lang nila sa pack pero atat siya makakuha na sagot. Sabagay kapatid niya pinag-uusapan.


Nasa garden kaming lima nakatambay, tahimik lang sina Drey, Sammy at Luke na parang mga naiilang o hindi komportable sa presensya ko.



"Denise ano ba?! Kapag may desisyon na siya ay sasabihin ko." Naiiritang sagot ko.


Lumungkot ang mukha niya at bumitaw sa pagkakahawak sa akin na kanina pa din niya niyuyugyog.


Napaayos na lang kami ng upo ng makakita ng sasakyan na huminto sa harap ng gate ng mansion. Kotse ni Alpha Tyler, dadalawin niya siguro si Lexa.

Hindi ko na sana siya papansinin pero nagulat ako sa inakto ni Denise. Napakunot ang noo ko sa reaksyon niya, na love at first sight ata ang isang to.



Mangha rin na nakatingin ang tatlo sa kaniya. Ano to? Artista lang ganun? Tsk.

Pero si Alpha Tyler? Dire-diretso lang sa paglalakad ni hindi niya kami tinapunan ng tingin kahit isang segundo lang. Hindi niya ata kami nakita? Ang seryoso ng mukha niya parang may kakaiba.



"Sino siya?" Tanong ni Denise.


"Si Alpha Tyler." Simpleng sagot ko.

"Alpha?" Tanong ni Sammy.

"Yes. Isang pinuno." Sagot ko.


"Wow. Ang hot niya." Amazed na komento ni Denise.



Tinaasan ko ng kilay si Denise dahil sa sinabi niya. Pag-aari ni Lexa ang ginugusto niya kaya hindi pwede.


"May girlfriend ba siya?" Tanong ni Denise.



Hello? Ex niya ako at naghahabol siya tapos ganiyan itatanong niya sakin ngayon? Tsk. Denise will always be Denise, basta gwapo lalandiin niya. Bakit kasi late ko na nalaman ugali niya? Sana naniwala ako kay Lexa noon edi sana hindi kami umabot ng halos taon. Ang tanga ko that time, realtalk.

"Wala." Sagot ko. Wala naman kasi talaga.

Hindi ata uso ang salitang girlfriend sa mga lobo. Mas prefer nila ang salitang MATE o mas kikilalanin sa mga tao na Fiance/Fiancee. Kasi kasal agad ang pupuntahan.



"Ahem. Don't tell us Denise trip mo siya?" Hindi makapaniwalang tanong ni Drey.


"Medyo." Sagot naman ng malanding katabi ko.


Nakakawalang gana tulungan siya kapag ganito asal niya, hindi niya alam ilugar ang kalandian niya. As if may mapapala siya kay Alpha Tyler e tamado yun sa kambal ko, kahit siguro maghubad si Denise sa harapan niya ay mas pipiliin niya ang desente at simpleng Alexandrite.


"Nandito si Yxan tapos ganiyan ka magsalita?" Parang nainis na sabi ni Sammy.



Hindi naman nakaimik si Denise at nahihiyang tumingin sa akin.


"Pakialam ko? Matagal na kaming wala, at matagal na rin nawala pagmamahal ko sa kaniya na isang pagkakamali." Seryosong sagot ko.


Napayuko naman si Denise sa sinabi ko. Tumayo na ako at aalis na sana ng lingunin ko sila.

THE SIGHTLESS LUNAWhere stories live. Discover now