CHAPTER 13: Lexa's Disappearance

8K 248 1
                                    

SHERIDAN MANSION

"Ahh! Tulong! Tulong!" Nagpapanik na sigaw ni Francia sa loob ng mansion.


Nagkakagulo sa sala at labas ng mansion dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Naiiyak si Francia habang humihingi ng tulong sa mga nasa loob ng mansion.




Si Yxan na natutulog ay nagising sa ingay at si Loisa na abala sa paghahanda ng mga herbal medicines ay mga napatakbo sa pinanggalingan ng sigaw.


Wala ang mag-ina sa mansion dahil may meeting ang mga ito sa mga oras na iyon, abala ang mga officials sa pagpupulong at pagpaplano dahil sa naganap na pag-atake muli galing sa Black Shadow Pack.



"Anong nangyari Francia?" Nag-aalalang tanong ni Loisa kay Francia na balisa.




"P-p-patawad p-po G-ginang Loisa." Kandautal-utal na sabi ni Francia.


Nagkatinginan sina Yxan at Loisa na parehas may pagtataka sa mga mukha dahil sa paghingi ng tawad ni Francia sa kanila.


"Bakit ka humihingi ng patawad?" Nagtatakang tanong ni Loisa.



"Walang bakas ng mga paa na umalis siya sa hardin." Biglang pasok sa sala ng isang lalaki.




Napalingon ang lahat sa pintuan kung nasaan ang lalaking hinihingal.



"Anong nangyayari?" Seryosong tanong ni Yxan sa mga naroon.




"N-nawawala po si M-miss L-l-lexa." Tuluyan ng naiyak si Francia sa takot.


"Anong ibig mong sabihin Francia?" Gulat na tanong ni Loisa at hinawakan sa kanang balikat si Francia.



"Ka-kasi po........." Pagtigil na saad ni Francia at napakagat ng labi dahil sa takot na nararamdaman sa mga oras na iyon.


"ANO?!" Naiinis na sigaw ni Yxan dahil hindi magawang magsalita ni Francia sa kaba.



"P-pasensya na p-po. I-inutusan po kasi ako ni Miss Lexa na i-igawa siya ng l-lemon juice. P-pagbalik ko w-wala na s-siya sa h-hardin." Utal-utal na paliwanag ni Francia.





"WHAT?!" Hindi makapaniwalang sambit ni Yxan at patakbong tinungo ang garden ng mansion.



Sumunod sa kaniya si Loisa at ibang tagapagsilbi. Nadatnan nila doon ang natumbang upuan, at naiwang isang sapin sa paa na pag-aari ni Lexa. Nagtatakang pinalibot ni Yxan ang paningin sa buong paligid pero napadako siya sa ilalim ng mesa malapit sa isang puno, nagsisiksikan doon ang apat na alaga ni Lexa na mga takot na takot sa kung anuman.




Napuno ng kaba at takot ang dibdib ni Yxan dahil sa nakikita sa harapan. Galit na galit na bumaling siya kay Francia na nanginginig sa takot. Nilapitan niya ito at mahigpit na hinawakan sa magkabilang balikat, napadaing si Francia pero walang pakialam si Yxan. Mas importante sa kaniya ang pagkawala ng kakambal niya.




"THIS IS ALL YOUR FAULT! HINDI MO BINABANTAYAN NG MAAYOS SI LEXA!! DAPAT HINDI MO SIYA INIIWANG MAG-ISA! SHIT." Galit na sigaw ni Yxan at tinulak si Francia na nasalo naman ni Loisa na nasa likuran nito.




THE SIGHTLESS LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon