CHAPTER 31: Prophecy Keeper

6.5K 247 2
                                    

Pronounciation;

Lelantos La Vienth = Lelantos La Viyent
Quiyne Er Moonré = Kweyn Er Munrey
Loir Er Moonré = Loyr Er Munrey
Lijarrah Moonré = Lihara Munrey
Thiadduen Moonré = Chadwen Munrey
Hyuven Monroe = Hayuben Monrow

~~~~~~

ANDREIGHUS' POV

Kaya pala siya ang nadatnan namin dahil wala na ang nanay niya. At hindi ko alam kung bakit biglang may namuong galit sa puso ko ng malaman kong si Bertram ang may pakana ng lahat.


Tinignan ko si Herisha at napatigil nanaman ako ng makitang nakatitig pala siya sa akin, totoo ba ang nakita ko? Parang ang yelo ay natunaw. Hindi na ganoon kalamig ang mga titig niya.



Mate.


Shit! Ngayon ko lang narealize ang naramdaman kong kakaiba kanina. Kaya pala tinapik lang ako ni alpha Tyler. Ang lalaking iyon! Tsk.



"Mate." Bulong ni Herisha pero dinig na dinig ko kahit may distansya kami.




Nanlalaki ang mga matang tinitigan ko siya, hindi na ako naiilang sa ngayon. I finally found my mate! Fuck. Iyon lang ang nais pumasok sa isipan ko.



"Maiba tayo, Herisha. About the prophecy."

Napakurap ako ng ilang beses dahil sa pagdedaydream nanaman. Narinig kong nagsalita si alpha Tyler kaya napatango-tango naman ako at bumaling muli kay Herisha na kay alpha Tyler na nakatingin ngayon dahil kinausap siya nito.


"Alam ko." Simpleng sagot ni Herisha.


"The Primordial Twin Werewolves are coming." Bulong muli ni Herisha at napataas ang gilid ng labi.


Kinabahan naman kami bigla ni Alpha Tyler dahil sa inasta ni Herisha. Parang nagbago siya bigla, parang iyong mukhang patay na Herisha kanina ay nagkaroon ng buhay ngayon.

"What are you saying?" Nagtatakang tanong ni alpha Tyler.


Yeah. Primordial Twin Werewolves? Who? Kilala ang Primordials bilang pinakamalakas na werewolves. At libong taon na ang lumipas nang mabuhay ang isang primodial, pero nang mawala ito ay hindi na nagkaroon ng primordial hanggang ngayon.



Maski ako ay hindi ko pa alam ang itsura ng mga primordials, kahit litrato ay walang mahanap. Basta ang sinasabi ng lahat ay kulay puti sila na may halong silver sa kalahati ng mukha hanggang tenga, may pinakamahabang balahibo sa likuran na siyang lubos na pinagkaiba sa lahat ng klase ng werewolves, nagmukha itong mahabang buhok.



"Pagsapit ng unang kabilugan ng buwan, magaganap ang nakatakda sa propesiya. Hanggat hindi dumarating ang oras na iyon ay ingatan niyo ang kambal, hindi pwedeng masira ang propesiya dahil malaking gulo ang mangyayari kapag nagkataon." Paliwanag ni Herisha.


"Ha?" Tanong ko bigla dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya.


"Nakikita ko lahat ng nangyayari sa kanila, ang pagsakit ng ulo nila ay isa sa mga sintomas na nalalapit na nga ang pagbabago." Sagot ni Herisha.




"Nakasaad sa propesiya na kailangan nilang lumayo bago ang kabilugan ng buwan, dahil ang unang gabi nila bilang isang ganap na lobo ay hindi maganda. Maaari silang pumatay ng kahit na sinong makita, dahil walang sapat na kontrol ang primordials lalo na kung simula pa lang ng transformation nila. Bilang mga nasa prophecy, mahihirapan sila pero wala tayong magagawa kundi ang maghintay sa pagbabalik nila." Paliwanag muli ni Herisha.




THE SIGHTLESS LUNAWhere stories live. Discover now