CHAPTER 35: Black Shadow, Silverstone and Sunray Pack

6.2K 202 0
                                    

TYLER's POV

"Let's go." Saad ko at inakay na ang nanghihinang Lexa.



Pero hindi pa kami nakakatagal sa paglalakad ay natumba siya, mabuti nalang at hawak ko siya kundi ay lupa ang babagsakan niya.



Sinilip ko ang maamo niyang mukha at nakapikit siya, nahimatay ata siya. Inayos ko ang telang nakabalot sa kaniya upang hindi siya masilipan bago ko siya binuhat ng pangkasal.



Habang naglalakad pabalik sa mansion ay hindi ko parin mapigilang isipin kung bakit biglaang nawala si Yxan sa kinahihigaan nitong damuhan kanina bago ko puntahan si Lexa. Hindi ko man lang siya naramdamang umalis o kung may ibang pumulot sa kaniya.



Nangangawit na ang kanang braso ko, hindi sa mabigat si Lexa pero sugatan nga pala ako. Haaay. Sana huwag lang akong mawalan ng balanse dahil sa paika-ikang paglakad.



Dumating ako sa bayan at wala na rin si alpha Andreighus sa pwesto nito bago ko sundan ang kambal sa kagubatan.




Sa mansion ay sinalubong kami ng mga pack members na may pag-aalala sa mga mukha, tinignan nila ako mula ulo hanggang paa dahil sa mga sugat ko at napahinto sila sa buhat buhat kong Lexa na tulog pa rin.



Nanlalaki ang mga mata nila at napaatras sa takot ng makita si Lexa. Napakunot tuloy ang noo ko sa reaksyon nila. Bakit sila lumalayo? Hindi ba dapat tulungan nila ako. Tsk.




"Kung wala kayong balak tulungan ako ay umalis kayong lahat sa harapan ko." Seryosong saad ko.




Natauhan naman sila at nagsilapitan kahit nag-aalangan. Akmang kukunin nila si Lexa sa akin ay ako naman ang umatras kaya natigilan sila.



"Hindi ko kailangan ng tulong niyo." Seryosong sabi ko at pumasok na ng tuluyan sa loob.



Hindi dapat sila umasta ng ganoon sa harapan ko, hindi isang halimaw si Lexa para layuan nila. Nasaktan ako sa ginawa nila pero wala akong balak ipakita iyon sa kahit na sino.




Dumiretso ako sa kwarto ko at dahan-dahang inilapag si Lexa sa kama. Inayos ko ang buhok nito na nakatakip sa mukha niya at pinagmasdan siya ng matagal. Napakaamo ng mukha niya, kahit madungis ay maganda pa rin siya.





Nakarinig ako ng mahihinang katok at paglingon ko sa pintuan na hindi ko pala naisara ay nakita ko roon si Beta Horace na halatang walang tulog at pagod din.




"Come in." Sabi ko.



Pumasok naman siya at lumapit sa akin na nakaupo sa gilid ng kama.



"I saw everything, alpha Tyler." Sabi agad ni beta Horace.



Hindi ako sumagot, pinagmasdan ko lang ang natutulog kong mate sa aking kama.





"Where is alpha Andreighus?" Tanong ko at hindi na sinagot ang sinabi ni beta Horace.




"Guest room, kung nasaan si Sir Yxan na mahimbing ding natutulog." Sagot niya.



Napalingon ako sa sinabi niya. Nandito si Yxan? At natutulog siya? So si alpha Andreighus ang kumuha sa kaniya kanina sa kagubatan. Napatango naman ako.




"Okay. Bring us a first aid kit and female clothes for Lexa?" Utos ko.



"Okay, i will ask the maids and salutaries to check and heal you." Sagot niya at tumalikod na.



THE SIGHTLESS LUNAWhere stories live. Discover now