Chapter 18: Stuck With Each Other

2.2K 21 0
                                    

Chapter 18: Stuck With Each Other

Bree's POV...

 

"Argh!" sambit ko habang pinupukol nang masamang tingin ang manibela ng kotse ko.

Kanina pa ako paikot-ikot sa lugar na ito pero hindi ko pa rin makita ang tamang daan!Bakit ba hindi ko na mahanap ang tamang location ng shooting namin?

Ayoko na, hilo na ako.Lumabas ako para magbakasakaling may makita akong ibang tao at mapagtanungan.

But unfortunately, all i could see is the vast land of rice fields and corn.

What the, walang farmer o kahit sino man sa paligid.

Wala ding mga bahay na pwede kong mapagtanungan man lang.

Patay na ako ngayon, ni hindi ko man lang mareplyan si Alex.

Buti pa siya nasa bagong bahay nila ni Andrew at nagpapahinga.

Masayang-masaya siya. Text ng text sa mga ginagawa nila.

Nainggit tuloy ako. Hayy, sana dumating si Ric.

Sana makita ko siya dito. Kaso malabo namang mangyari yun.

Shooting na ito ng pelikula, malamang na wla siya dito ngayon.

And speaking of shooting, nawawala na ako.

Walang signal dito para maipaalam ko kay Marco na nawawala ako.

Paano na niyan?

1..2..3.. umulan ng malakas.

Pag minalas nga naman, nawawala na nga ako naipit pa ako sa malakas na ulan.

Pwede bang magmura? Wag na lang.

Kalma lang dapat ako.

Hihintayin ko na lang na tumila ang ulan saka aalis kung kaya ko mang hanapin ang tamang daan.

Mga isang oras na din siguro akong naghihintay sa loob ng kotse sa pagtila ng ulan nang biglang..

Tok.tok..

May kumatok sa may bintana ko.

Isang taong nakapayong na itim.

Bigla akong kinabahan.

Pagbubuksan ko ba?

Nakakatakot kasi baka masamang tao ito at kung ano pa maisipang gawin sa akin.

Nakakatuwa din baka ito ang pagkakataon ko para makauwi na at makaalis sa lugar na ito.

Nagdasal muna ako bago ko napagdesisyunang buksan ang pinto ng kotse.

Pagkabukas ko ay sumilip ang taong nakapayong.

O.O   Oh my. Totoo ba ang nakikita ko?

Feeling ko nananaginip lang ako at hindi siya totoo.

Our Song (18+ Mature)Where stories live. Discover now