Chapter 40: I Won't Give Up

416 5 1
                                    

Chapter 40: I Won't Give Up

Nate's POV

Isang buwan mula na noong mapagpasyahan ni Alex na mabuhay muli ng normal. Halos lumundag ako sa tuwa sa naging takbo ng buhay ko kasama siya.
Hindi man kami ay alam kong doon din ang tungo nito. 

Napapangiti na lamang ako sa tuwing masisilayan ko ang kanyang mga tipid na ngiti. Hindi ko alam kung ang nagpabago sa kanyang isip na bumalik
sa normal na takbo ng kanyang buhay ngunit wala na akong pakialam.

Basta ang mahalaga ay ayos na siya ngayon at mas magiging maayos pa siya sa susunod na mga araw at linggo. At sisiguruhin kong nasa tabi lang niya ako palagi.
Hindi ko na siya iiwan kagaya ng dati.

Kaya naman ginagawa ko lahat ng aking makakaya para mapasaya siya at tuluyan ng makalimutan ang kanyang mapait na nakaraan.
Ipinabura ko lahat ng balitang may patungkol sa Andrew Yoshinori na iyon.

Isa siyang malaking gago. Kamakailan lamang ay ibinalitang magiging ama na pala siya. May anak sila nung anak ng isang politiko. 
Cheska yata ang pangalan kung hindi ako nagkakamali. 

Kaya naman lahat ng may tungkol sa kanila ay ipina-block ko para hindi mabasa ni Alex. Ayoko nang makita pa siyang malungkot at umiiyak nang dahil sa dalawang iyon.
Mga wala silang puso na nilalang.

Lalo na ang Andrew na iyon. Matapos niya itong lokohin tungkol sa pekeng kasal nila ay binuntis na nga ang babaeng mahal ko ay ang lakas pa ng loob na mambuntis uli ng
panibagong babae. Hobby niya yata ang mambuntis.

What a piece of shit.

"Ano bang nakita ni Alex doon at minahal niya?" Bulong ko at sumimsim ng alak.

"Tanungin mo ang sarili mo. Di ba ikaw naman ang nang-iwan?" Tinapik-tapik ni Ric ang braso ko.

"Alam ko na I'm partly to blame for this chaos. Pero ang gago ni Andrew." Iiling-iling kong sagot.

"Pareho lang kayong gago. Ibang level lang ng gago si Andrew. Kumbaga expertise niya maging gago."

"Oo na. Gago na ako. Kakampi ba kita o ano?" Iritable kong tanong sa kanya.

"Whoa. Chill. Si Alex ang kinakampihan ko dito, okay? Bahala kayong magrambulan ni Andrew. Malalaki na kayo. Kaya niyo na yan." Paliwanag niya.

"Malaki na din si Alex."

"Alam ko, pero prinsesa natin siya di ba? Kaya aalagaan at poprotektahan pa rin natin siya." 

Tumango ako at tinapik ang balikat niya.
 
"Basta huwag mo munang ipagsabi na alam mo kung nasaan si Alex. Darating din ang araw na magpapakita siya sa mundo, sa pamilya niya, at lalo na sa Yoshinori na iyon."

"Ibang apelyido na ba ang dala-dala niya sa panahong iyon?" Pang-aasar niya.

Napangiti ako. 

"Alexandria Olchondra Lagdameo." Lalong lumapad ang ngiti ko.

"It suits her." Sabi ni Ric.

"Kami naman talaga ang para sa isa't-isa, Ric. Sadyang mapait lang ang kapalarang kailangan naming pagdaanan."

"Buti naman at ayos na ulit ang business niyo, Nate. Balita ko nga noon na halos itakwil kayo ng lolo mo."

"Tama iyon. Kaya naman mas pinili kong makipaghiwalay na muna kay Alex dahil alam kong pati siya ay idadamay ni lolo.
Hindi na nga niya kami tinulungan ay itinakwil niya pa kami. Mas masakit pala na kapag kapamilya mo mismo ang nagtraydor sa iyo." Naikuyom ko ang aking mga palad nang
maalala ulit ang mga mapapait na yugto ng buhay ko limang taon na ang nakakaraan.

Our Song (18+ Mature)Where stories live. Discover now