Chapter 43: We Are Never Getting Back Together

453 8 0
                                    

Chapter 43: We Are Never Getting Back Together

Alex's POV

Nate and I went out to eat after work. Hindi na sana ako sasama dahl sobrang pagod na ako sa trabaho.
Ang dami kong inasikaso buong linggo at mas madami ngayong araw dahil sa akin ibinigay ni Lawrence yung isang project sa 
company ni dad.

Kailangan ko daw tumulong para naman daw malibang ako. Hindi ako nalilibang. Nabubuang na ako.
Sobrang nakakastress kaya.

Ilang kliyente at investors ang kinakausap ko over breakfast, dinner, at lunch. Kulang na lang pati midnight snack e.

"You seem tired. Wrong timing yata ang pag-aya ko." Nate scratched his neck.

I smiled at him, pretending to be okay.

"Uy no. Just a bit off. I need this time off." I smiled widely at him.

He eyed me from the glass of his wine.

"Yung totoo?" He asked.

I cannot lie to this man. Sige na nga.

"Yes, I am tired. Actually, gusto ko matulog maghapon bukas."

"I understand. Uwi na tayo agad after this. Sorry for keeping you so late." 

"It's okay. Two weeks na din naman tayong di nakakapag-dinner together." 

Two weeks na simula noong nabugbog siya ni kuya at makita ko si Andrew.

Mula noon ay hindi ko naman nakita si Andrew sa kung saan. Mabuti naman at umaayon ang tadhana sa gusto kong mangyari. 
Nakakainis.

Pero alam kong dapat ay makausap ko siya sa huling pagkakataon. We need closure. I need closure para bago kami magsimula ni Nate ay wala na akong kaugnayan sa nakaraan.
I want to start anew.

"Naiintindihan ko naman si Lawrence." Napahagikgik ako sa sagot niya.

Alam kasi niyang strategy lang ng kuya ko ang "libangin' ako sa paperworks para hindi kami magkita ni Nate. Hanggang ngayon kasi ay bwisit na bwisit pa rin siya sa fiance ko.
They were close before. Oh well before Nate chose to leave me.
Ayaw
"Immature talaga iyon. Pasensya na." He smiled at me and kissed my hand.

Looking at Nate, I recalled how we used to be the perfect lovers before. He never cheated. Hindi rin siya babaero.
Wala akong naging problema sa kanya noon. High school pa lang ay kami na. MU ganon.

Ang tanging ugat lang ng away namin ang pangangarera niya. Pero naresolba din namin iyon nang minsang isama niya ako.
Naintindihan ko kung bakit hindi niya mabitiwan.

Masarap makipagkarera.

"May dinner invite naman ako sa linggo." Tugon niya.

Oo nga pala. Inaya siya ni mommy na magdinner sa bahay. He's been a part of the family after all.

"Basta wag kang papasindak kina dad at Lawrence. Isumbong mo sila sa akin at kay mommy." He chuckled at my response.

"Hindi ako nagbibiro. Alam mo bang ikinasa ni dad lahat ng baril niya?" 

Nanlaki ang mga mata niya.

"Hindi iyon joke ha. Kaya huwag kang aalis sa tabi ko." Napahagikgik ako at natapon iyong wine sa cream office dress ko.

"Here." Abot niya sa panyo niya.

"Ladies room lang ako. Hindi ito matatanggal sa punas-punas lang."

Pagkarating ko sa banyo ay agad kong binasa ang panyo at inalis ang mantsa. Gahd. Mukha akong natagusan ng regla sa harapan.
Nakakahiya. Ang lagkit pa.

Our Song (18+ Mature)Where stories live. Discover now