Chapter 28: Words I couldn't Say

1.4K 21 0
                                    

Chapter 28: Words I couldn't Say

Andrew's POV..

Nagpaalam si Alex kaninang umaga para umalis. I insist on coming with her but she refused to go alone.

Kagabi pa siya tuliro at wala sa sarili. Sa tuwing titingnan ko siya ay napakalayo ng tingin niya at ang lalim nang iniisip.

Maging nung dinner ay ganoon siya. Napakatahimik niyang kumain. At hindi rin niya gaanong inubos ang nasa plato niya.

Hindi ko na alam kung tungkol pa ba ito sa mga intrigang kumakalat o ibang topic na. Gusto kong malaman kung ano ito.

Pero kilala ko si Alex, alam kong hinding hindi siya magsasalita. Itatago lang niya ito sa akin.

Kung sasabihin ko ba ang tungkol kay Cheska ay mahihikayat ko kaya siyang magsabi din sa akin? Ang kaso lang, baka naman lalo lang siyang magalit at madagdagan ng alalahanin?

Hindi ko na din alam ang gagawin ko. Gusto ko mang pawiin ang kung anumang sakit na nararamdaman niya ngayon ay hindi ko magawa.

Kahit na gustuhin ko mang burahin lahat ng alalahanin at pinoproblema niya ngayon ay hindi ko rin alam kung saan ko uumpisahan at kung ano ang mga iyon.

Kailngan naming mag-usap. Kailanagang magakalinawan na kami ni Alex. Hindi naman pwedeng ganito na lang kaming dalawa.

Mag-asawa na kami kaya dapat ay wala na kaming itinatago sa isa't-isa. Nagdadamayan ang mag-asawa sa hirap man o ginhawa.

Naalala ko din pala ang brooch, kailangan kong makasigurong na siya at ang estranghera ay iisa. Hindi naman ako pwedeng magkamali, ang brooch na suot ni Alex na nakita ko larawan ay kamukhangpkamukha nang brooch na naiwan ng estranghera nang gabing iyon.

Para makasiguro, uuwi na lang ako sa bahay namin at iche-check ko kung iyon nga ang brooch na nawawala ni Alex. Sabi kasi nang mommy niya ay nawawala daw ito sa glassed cabinet niya.

So malamang, sa kanya nga ang brooch na nasa kamay ko. Sana nga ay sa kanya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagkabukas ko nang drawer ko ay agad kong nakita ang hinahanap ko. Shit. Thank you, Lord!

Ito nga iyon, ito nga ang brooch na nawawala ni Alex. Siya at ang estranghera sa labyrinth ay iisa.

Nawalan na ako ng isang tinik sa dibdib. Kahit papaano'y gumaan na ang loob ko.

Sa wakas, hindi ko na magiging problema pa ang paghahanap sa estrangherang iyon. Dahil naririto na pala siya sa tabi ko at pinakasalan ko na ng di ko namamalayan.

Our Song (18+ Mature)Where stories live. Discover now