Chapter 39: How Do You Sleep?

550 8 3
                                    


A year later

Drew's POV

Have you ever had the feeling of missing someone you lost a year ago yet it felt like it just happened yesterday? The wounds are still fresh and I intend to feel them as long as Alex is not here with me.
It's been a year since I last saw her, touched her, fuck I really miss my pretty babe.

The whole year had been nothing but pain and regrets. Pain of losing her and our baby. My baby. I bet by now he's one year old now. God.
Is it a he or a she? Mamamatay yata ako sa kakaisip sa mga posibilidad na lalaki ang anak namin. Pwede ring babae at kamukha ni Alex.

God. Paano na ba ito? Buong taon akong nagtiis sa pangungulila sa kanilang dalawa. Sa pag-aalala na kung kumusta na ba silang dalawa?
Walang araw na hindi ko sila inisip at hinanap kahit na araw-araw din ang mga suntok at sipa na nakukuha ko mula kay Lawrence Olchondra, ang brother-in-law niya.

Hindi ko na siya nilalabanan dahil alam kong kasalanan ko naman kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin si Alex. Isang taon na siyang wala sa amin.
And I could never forgive myself if something bad happened to her and our baby. That would be my death.

Even my own parents disowned me and kicked me out of the house. Sa kumpanya na lamang ako welcome pero sa bahay hindi ako pwedeng pumasok.
May restraining order pa nga. Nawala na nga ako ng future happy family, pati pamilya pa. God damn life!

Parusa talaga itong nangyari sa akin. Naiisip ko nga na ito na ang karma ko. Sa lahat ng bagay na nagawa kong mali. My womanizing ways.
Ang paglalandi ko sa mga babae, pagkama sa kanila, at pagkatapos ay pag-iwan. It feels so unfair pero baka nga kulang pa ito sa
sakit at hirap na dinanas nila sa kamay ko.

Pero mas parusa ang araw-araw na pagbuntot sa akin ni Cheska. Magpa-hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umaalis sa buhay ko.
Kung noon ay once a month lang siya manggulo, ngayon ay araw-araw na.

She's playing wife to me. Dinadalhan ako ng lunch sa office na palagi ko namang ipinapakain sa secretary ko. Ayokong kainin ang anumang galing sa kanya.
Siya nga itong dahilan ng paghihiwalay namin ni Alex. Gusto ko siyang patayin. Sakalin at itapon sa dagat para pagpyestahan ng mga pating.
Pero hindi ko magawa dahil nawawalan na ako ng lakas na lumaban.

Hindi ako sumusuko sa isiping babalik si Alex. Na mahahanap ko siya at maaayos namin ito. Sinusukuan ko ang paglaban sa mga taong nananakit sa akin at ituon na lamang ang pansin
at oras sa mga bagay na importante ngayon.

"Putangina Cheska, lumayo ka!" Bulyaw ko sa kanya sabay piksi sa kamay niyang pumulupot sa braso ko.

Nakakadiri na dikit siya nang dikit sa akin. Hindi siya marunong makaintindi at makaramdam ng hiya. Nagtinginan ang mga empleyado na nasa lobby ng kompanya.

"Babe naman e, naglalambing lang ako." She pouted.

"Wag mo akong matawag na babe, Cheska kundi makaktikim ka talaga sa akin." Banta ko.

"Anong ipapatikim mo sa akin? Langit ba?" Ngumisi pa siya.

"Mag-asawang sampal, padyak, at sipa. Lumayas ka dito, bwisit ka sa buhay!" Singhal ko sabay senyas sa guard na i-escort siya palabas.

Agad namang tumalima ang guard at kinaladkad ang nagwawalang si Cheska. Napailing na lamang ako at napansing nagbubulungan ang mga empleyado.

"I will be on firing spree if all you won't get back to work. Now!" I threatened them.

Mabilis naman silang nagsialisan at bumalik sa trabaho.

"Tell the security to block Cheska from enetering this building. Any Yoshinori establishments. We don't welcome crazy bitches in the area."
I instructed the receptionist.

She nodded quickly and made calls.

I might as well file a restraining order. Hindi ko na talaga siya kaya pang matantya at mapagpasensyahan.

Putangina ka, Cheska.

"Issue a TRO to Cheska, attorney Sandejas. I hate seeing her around in close perimeter." I called my lawyer.

"No, make it a thousand miles if it's okay. Ayoko na siyang makita. Ni anino nabbwisit ako. Ginugulo niya ako." I sighed heavily.

"Okay. Thank you, attorney."

Goodbye, Cheska.

***

Nasa isang coffee shop ako at kasalukuyang gumagawa ng plano kung saang parte naman ako ng bansa maghahanap kay Alex. I filed a two-month leave so I could
focus on finding Alex with the team of investigators I hired.

Wala akong pakialam kahit mawalan ako ng ilang milyon kung kapalit naman niyon ay ang pretty babe ko at ang baby namin.
Ngayong araw din ako makikipagkita kay mommy. Sa wakas ay naisipan na niya akong kausapin.

Mabigat at masakit na kasi talaga. Lalo na at wala akong suporta na nakukuha sa mga taong mahal ko. Lahat sila ay tinalikuran ako.
Hindi nila ako dinadamayan sa pinakamabigat na yugto ng buhay ko.

Nabigla ako sa kalabit na ginawa sa akin kaya naman napatayo ako ng wala sa oras. Mas lalo akong nagulat nang makita ko si Cheska na
nakatayo sa harapan ko at ang lapad ng ngiti.

Putangina hindi ba niya natanggap ang restraining order?

"Ang kapal talaga ng mukha mo, Cheska. May TRO na lahat hindi ka pa rin tumitigil sa kalandian mo?" Singhal ko sa kanya.

Ngumisi lamang siya tsaka hinamplos ang mukha ko.

Tinabig ko iyon at itinulak siya.

"Sige, ipagtabuyan mo ako. Ipagtabuyan ang nag-iisang babaeng nagpapahalaga sa iyo. Andrew, ako iyon. Si Alex? Nakikipaglandian sa
iba." Sabi niya.

Naikuyom ko ang mga palad at nagpipigil na suntukin siya.

"Ikaw ang malandi, Cheska." Sagot ko.

"Andrew, one day, you will realize how fool you are for letting me go."

"Gago lang ang magmamahal sa iyo, Cheska."

"Gago ka naman Andrew, ibig bang sabihin ay mahal mo ako?" She asked sweetly.

"Fuck you!"

"I will spread my legs for you, darling." She chuckled.

"Umalis ka na Cheska bago pa kita masaktan."

"Easy. Ibibigay ko lang sa iyo ito." She waved a brown envelope to me and leaned closer.

"Alex got rid of the baby, Andrew. What a heartless bitch." She whispered.

She teared up and hugged me tightly. After that, she left hurriedly.

Naiwan akong nakatulala sa coffee shop habang hawak ang brown envelope na dala niya.

Nang buksan ko ito ay napaiyak ako sa nabasa ko.

Alex aborted the baby. Fuck. Ganoon na ba niya ako kinamumuhian at nagawa niya iyon sa baby namin?

Napaiyak ako at napayukyok sa mesa. Putangina.

"How do you sleep at night, Alex? Can you even sleep soundly at night?" I murmured.

Tama bang umasa pa akong magkakabalikan kami ni Alex? Tama bang hanapin ko pa siya at umasang maaayos kami?
Parang ayoko na. Suko na ako. Tama na. Ayoko na.

A/N: Sorry this came late and very short. I dunno how to continue the story even if I've already written the draft for every
succeeding chapters and ending. Hope this will be enough for now. Thought? Comments?

XOXO,
SERENDIPITY214

Our Song (18+ Mature)Where stories live. Discover now