Pictures In The Wall

Start from the beginning
                                    

Nag simula ito noong ika sampung taon ko, hindi ito alam nina mama at papa pati na ang mga kapatid ko dahil baka wala lang naman ito o naiimagine ko lang sa utak pero parang hindi ito coincidence dahil sa tuwing may matinding lungkot o galit akong nararamdaman ay kusa ko na lamang itong mapapanaginipan. Ngayon kasalukuyan akong grounded, madaling araw na sila natapos sa kakasermon saakin habang ako naman ay hindi makatulog dahil iniisip ko si Mino at kung ano ang magiging reaksyon niya kinabukasan.










I'm pretty much sure na magagalit siya kay Ryuu atsaka Rylan dahil sila ang nandoon at promotor ng lahat, pero baka it's another way around. Magaling din gumawa ng kwento si Margaret at most of the time siya ang pinaniniwalaan ng lahat kahit hindi naman siya yung nag sasabi ng totoo, she's a good story maker kaya baka balak niyang maging author ng isang libro dahil baka sumikat siya. Tutal magaling naman siyang mag iba ng storya, bakit hindi niya nalang panindigan ang pagiging manunulat hindi ba? She has a great potential, she should use it for good para hindi masayang.









Hihiga na sana ako sa kama ko kaso lang biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko muna ito para tingnan kung sino yung nag padala ng mensahe saakin, galing kay Ryuu tapos yung isa kay Rylan at tinatanong nila ako kung ayos lang daw ba ako o kung ano ang sinabi saakin. Seryoso pa talagang nag tanong sila? Ano pa bang bago doon? Edi inulan ako ng sermon! Isang pasa lang naman ang inabot ni Margaret saakin pero yung mga lalaki baka mas madami pa sa isa dahil sukat akalain mong magpa bugbog sila sa mga profesional fighters? Mabuti nga wala si Arc na isang MMA fighter eh kung nandoon din siya malamang mas lalo silang lasog-lasog, baka pare-parehas silang nasa ospital ngayon.








*Ryuu's calling*







Nagulat ako dahil biglang tumawag si gago saakin, mabuti nalang agad kong napindot yung silent button kaya nanahimik atsaka ko sinagot yung tawag niya. Malamang kapwa rin siya hindi maka tulog kaya nag hahanap ng maiistorbo, sakto namang ako rin hindi pa dinadalaw ng antok kaya makikipag chismisan muna siya saakin pampaantok lang.






Ryuu: Hindi ka rin maka tulog? Same same.








Ako: Alam mo ikaw gago ka, bigla kang tumawag ng walang pasabi.







Ryuu: Grounded ka rin no? Same same, pati si Rylan din eh.








Ako: Isa pang same same mo tatadyakan kita bukas.








Ryuu: Same same, Di joke lang. Bakit ka ba bumubulong? Gumagawa ka ba ng vlog? Asmr? Ano kinakain mo?







Ako: May dalawa ka kaagad saakin, pati hindi ako kumakain. Hindi lang ako nag iingay kase baka marinig nila ako, edi mas lalo akong malalagot hindi ba?








Ako: Nasa 7/11 na tayo kanina sana bumili ka na rin ng utak doon baka mayroon silang tinitinda.







Ryuu: Wala nga eh, bibilihan ko rin sana si Mino.







Ako: Ano namang pag chi-chismisan natin? Kung gaano ka kabobo? Nako mahaba habang usapan yon.









Narinig ko siyang tumawa kaya pati ako palihim na tumawa, eto talagang si tangkad hindi pumapalya sa pag papasaya saakin kahit kailan. Para siyang mas matinong version ni Mino, medyo malalang version kase si Arc eh. Literal na walang sinasanto yon at kapag naisipan niya ay talagang gagawin niya, mabuti na nga lang wala siya kanina. Ako na naaawa sa mga nabugbog namin kanina, imagine ang lalaki ng katawan nila tapos mas marami sila saakin pero kami yung nanalo?











Under The Twilight Sky (KOV #3) Where stories live. Discover now