"Ma, sana inalam niyo po muna yung nang yari bago ninyo ako sigawan ng ganiyan. Si papa nga hindi ako pinagalitan eh". Depensa ko sa sarili ko. Ngayon inilipat naman ni mama ang atensyon niya kay papa at pinag masdan niya ito na tila ba nalilito siya, masyado kayong overreacting at saktong tumapat pa iyon na wala ako sa mood. "Kumalma ka, tama naman ang anak natin ngayon dahil principal mismo ang nag sabi saakin na laking pasasalamat niya sa anak natin". Kalmadong sambit ni papa kay mama. My jaw almost dropped off my mouth, for the first time and forever pinag tanggol ako ng promotor ng seremonyas.











Naka kain ata ng masarap na pag kain si papa ngayon o baka nabingi lang talaga ako, sinabi niyang tama ako ngayon at mukhang matutuwa pa siyang ginawa kong pang alikabok ang anak ni aling Nadya kahit hindi ko nga kilala kung sino yong babaeng yon o kung sino yung anak niya. Pakialam ko ba kung sino yon? May mapapala ba ako doon? Mukhang wala naman kaya bahala siya, wala akong pake kahit sino pang Poncho Pilato ang tatay niya o lolo niya sa tuhod.










Kahit si kuya Allard nag bago ang ekspresyon at tila kasama siya ni papa na naniniwalang wala akong ginawang masama ngayon, ginawa ko lang naman ang trabaho ng isang matino at responsableng pinuno lalo na't binastos nung hayop na iyon ang flag ceremony tapos pati mismong school at mga guro ay tila nadamay na rin. Mabait pa nga ako kase iyon lang ang inabot nung anak daw ni aling Nadya, isa pa mabuti na ako yung naka huli dahil kapag si Mino at Ryuu ang natiyambahan niya ay baka nasa ospital na sila ngayon pare–parehas.










Walang patawad ang mga lalaki na kasapi ng student council pati isa pa ipapaalala ko lang na una sa lahat anak mayaman din sila kaya kung gugustuhin nilang maka alis ay madali lang nilang magagawa iyon lalo na si Mino, pangalawa may kapit din sila may tita Tosia at pang huli saakin kase malakas ako sa tiyahin kong iyon. Maililigtas ko kaagad ang sino mang malalagay sa alanganin, atsaka hindi ko rin naman matitiis ang bwesit na Mino na iyon dahil tong puso ko masyadong assumera. Feeling niya mamahalin din siya non pabalik, hindi niya alam na abala na iyon doon kay Margaret.









"Alam ko naman iyon, masaya nga ako sa ginawa mo at tama lang na ipinakita mong Cortez ka". Biglang pag sangayon ni mama saakin. What the fuck? Kanina lang sintron nalang ang kulang atsaka bilao na may munggo tapos papaluhurin na niya ako para mag maka awa tapos ngayon? Ang weird ng mga tao dito, pag tapos manigaw bigla ka nalang kakampihan. "Ginawa ko lang naman po ang tama, pati sino po ba si aling Nadya? Kakilala po ba natin yon?". Nalilito kong tanong sa kanila. Tinawanan ako ni kuya Allard habang si ate Azalea bahagyang ngumisi rin, hindi ko naman kase talaga kilala yon atsaka sino ba anak non? Well doesn't matter, bahala na.









"Yung chismosang dikit ng dikit sa nanay ni Maximino? Ayun, siya yun". Tugon naman saakin ni mama. Ahhh, hindi ko talaga maalala, wala akong pakialam sa kaniya eh. Maraming ginang ang dikit ng dikit sa nanay non ni Mino, wala rin iyong pakialam kase alam naman niya kung bakit nila iyon ginagawa. Halos lahat ata ng mga nanay dito sa bayan namin eh tinitingala ang pamilya nila dahil prinsipeng tunay ang tatay nito ni Mino.









"Ma naman, marami sila kaya sino doon?". Muli kong pag tatanong para maiba ang usapan. Hindi lang naman ang mga kapatid ko na ipinanganak na matatalino atsaka maparaan, ito lang ata ang ugaling nakuha ko sa kanilang dalawa eh. "Yung taga kabilang kanto na nag bebenta ng double dead na baboy? Sila iyon". Muling tugon ni mama saakin. I was laughing the shit out of my beautiful ass kaso hindi ko pwedeng ilabas dito, gusto kong tumawa kaso baka maalala nila yung nang yari at baka maungkat nanaman ulit.









"Saan ka pala pupunta? Bakit dala dala mo yung mga uniporme mo?". Ate Azalea randomly asked. Tuluyan na nilang nakalimutan ang pinag uusapan namin kanina lang kaya kalmado na ako, kanina medyo let's say na kinakabahan talaga ako lalo na kay papa. Ikaw ba naman, imagine? Nakita mo siyang naka pamewang sayo tapos seryoso pa yung mukha niya, hindi ka ba makaka ramdam ng kaba o takot? Siyempre iba iba naman tayo, may takot pa rin naman ako sa kanila ni mama at kahit ganito ako ay wala akong balak na lumaban sa mga magulang ko.










Under The Twilight Sky (KOV #3) Where stories live. Discover now