16th Death: Sorry

Start from the beginning
                                    

"Tss. Parating pa lang kayo, alam na namin."

"Ow, I'm shocked." sarkastikong wika niya. "Pero hindi naman talaga 'yon ang sasabihin ko."

"Tss. Are you a girl? You talk like one, asshole. Why don't you just fucking go straight to the fucking point and fucking stop chatting with me coz you're not fucking here to have fucking chitchat with me." dire-diretsong wika ko at sinubukang makawala sa pagkakakontrol niya sa katawan ko.

"Among the three of you, ikaw ang may pinakabastos na bunganga. Pero pare-pareho kayong matitigas ang ulo."

"Why? Are you fucking expecting us to be your fucking dog? Staying by your fucking side and fucking helping you to fucking dominate the fucking world? Dream on, boy. We're not born to follow anyone, especially those evil bitches and jerks like you. We are the master of ourselves." Napaangil ako dahil ang hirap makawala sa kanya. Para akong naipit ng isang mabigat na bagay na kahit anong tulak ko ay walang kwenta.

Makawala lang talaga ako sa tanginang kapangyarihan ng gagong 'to, babasagin ko ang punyetang salamin na 'yan.

"Aw, you really have a sharp tongue, Shacyne. Anyway, I'll unleash some of our you know..." He trailed off then laughed like the devil that he is.

"G-go. I'm not fucking afraid."

"If you say so. Entertain me, Shacyne. Ikumusta mo na lang ako---" He was interrupted by a static. "---anak."

Nang maputol iyon ay nakawala na rin ako sa kontrol niya. Agad kong sinuntok ang salamin nang paulit-ulit. Gusto kong magwala sa galit pero hindi pwede. Masyadong delikado para sa akin at para sa mga taong nandirito.

Tanginang tadhana 'to. Nakakagago.

"Okay na 'ko." walang ganang wika ko at iniiwas ang ulo sa kanya.

"Cyne---"

"Stop. Stop calling me that name. Umalis ka na lang." Pinipilit kong magpakahinahon kahit gusto ko na siyang sigawan at awayin. "Sige na. Umalis ka na."

"Sorry."

Hindi ko siya nilingon at pinakinggan na lang ang pagbukas at pagsara ng pinto bago marahas na bumuntong-hininga.

Napakagaling. Napakagaling talaga.

"SHANE." tawag ni Tyrone kaya nilingon ko siya.

Nasa kusina kami at ako ay nakatayo sa upuan dahil may kinukuha ako sa itaas ng cabinet.

"Bakit?"

Kahit papaano ay maayos ko na silang pinakitutunguhan maliban lang talaga kay Alliah. Sa tuwing nakikita ko siya ay kumukulo ang dugo ko.

"May nagawa yata akong problema." Ngumiwi siya at nagbaba ng tingin.

Nagsalubong ang kilay ko at bumaba sa upuan dala ang isang may kabigatang bakal. Ibinigay ko sa kanya iyon. "Ikaw ang magdala nito. Tara na roon."

Naglakad na kami palabas ng kusina. Nakita ko si Lailanie na inaasikaso ang mga bote, si Rasharzi na tinutulungan siya at si Jeremy na pinapanood sila. Napatingin sila sa amin.

"Ate Shane, saan kayo pupunta?"

"Sa lugar kung saan wala ka." pabalang na sagot ko na ikinanguso niya. Isip-bata talaga. "Bawal ang bata roon."

"Shane, tara na. Mas lalo lang akong kinakabahan kapag tumatagal e." kinakabahang wika ni Tyrone at hinawakan ako sa pulsuhan. "Mamaya na lang, guys. May aasikasuhin lang kami."

Hinila na niya ako palabas. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin. Ramdam ko ang panginginig niya. Anong katangahan kaya ang nagawa ng mokong na 'to?

Pumasok kami roon at dinala niya ako kung saan namin tinutunaw ang bakal. Kitang-kita ko ang malakas na pagsirit ng tubig mula sa sirang pader at mukhang nabali ng kung ano ang tubo para sumirit ito ng ganito. Dahil doon ay basang-basa ang buong lugar.

"Sorry."

"May nagawa ka naman?"  tanong ko at pinagmasdan ang paligid.

"Oo, pero baka hindi ka makuntento."

"Tss. Ipakita mo sa akin." Lumabas ako roon at sumunod naman siya sa akin.

"Ito. Limang espada lang 'to."

"Okay na 'yan." wika ko at ipinatong ang kamay sa ulo niya. Nag-angat siya ng tingin kaya napangiti ako. "Never apologize for something that's not your fault."

But sometimes we have to if we didn't know whose fault it is.

CIEATHWhere stories live. Discover now