Chapter 42 : To do what is right

Magsimula sa umpisa
                                    

"Grey... ano'ng problema?"

Lumagok siya ng vodka. He has to stop making her worry. May mga problema pa sa Pilipinas dahil sa hindi tumitigil na mga balita. Kung dadagdag pa siya, mauubos na ang kahihiyan niya. Baka mawalan na siya ng karapatang mahalin si Tonya.

"There's none... Don't worry about it."

Tahimik sa kabilang linya. She has to believe him because he doesn't want her insecure.

"I have to go, slowpoke," matamlay na sabi niya. "I'm sorry..."

"Okay... Mag-ingat ka diyan, ha?"

Ngumiti siya. He felt a little less damned because of her voice.

"At kung may problema diyan... umuwi ka na lang sa 'kin."

Mahina siyang natawa. Bakit parehas sila ng iniisip?

"That's what I really want to do."

"Pero hindi pa puwede?" Her voice hinted sadness.

"Yeah. Pero... hindi pa puwede."

"Hold on, Grey."

Pinaglapat niya ang panga sa sinabi nito. He loves this girl so much. Every word she says means a lot to him. Kaya paano niyang ibibigay ang hinihingi ni Noreen sa kanya?

Hold on, Grey.

Will there be miracles if he waited and held on? O mas lalong magiging magulo ang lahat?

Huminga siya nang malalim.

"Bye. I love you, Tonica."

Pumikit siya at pinakinggang mabuti ang huling mga salitang sasabihin nito.

"Bye, Goryo."

As soon as the call ended, he wanted to hear her voice again. But that's too pathetic of him. Mag-aalala ito. She could feel him crying, kahit na hindi siya nakikita. Hindi niya ito dapat na pagpasanin ng sakit na nararamdaman niya.

Lumagok siya ng vodka.

How did she get into his skin so deeply that he needs her every time? He thinks of her everytime. Wants her every time. Paanong nangyari iyon? He doesn't have the slightest idea how he could need someone that much. Or love and think of someone that much. Milagro 'yon. Even with Noreen's request, he just couldn't say yes. He could give Noreen everything else, but not his heart. Not a big chunk of his time. Yeah, Tonica's father is right.

Love is absolute.

He could almost hear Tonya's voice saying those words. Napangiti siya. He wished he could have met his father and asked him what to do.

Naiipit siya sa dalawang babaeng minamahal niya. Nagsakripisyo na si Noreen para sa kanya nang paulit-ulit. Nasaktan na para sa kanya nang paulit-ulit.

Pero ibig bang sabihin niyon ay dapat niya itong piliin? Hindi ba't kung pipiliin niya si Noreen para sa pagsisisi, para sa katahimikan ni Tonya, at para sa karera niya, magsisinungaling lang siya sa sarili at sa kaibigan? Sasaktan lang niya itong uli. Sasayangin ang oras nito. Ang nararapat ay tumigil na ang mga sakripisyo ni Noreen at makalaya ito.

Those sacrifices should not decide for him. Gustuhin man niyang ibalik ang puso kay Noreen, wala na. Huli na. Ang konsensiya niya, ang lohika, ang damdamin, kumakampi sa pagmamahal niya kay Tonya.

Uminom siya ng vodka hanggang makatulog sa counter.

***

Kinabukasan, nagising si Grey sa hotel room ni Noreen. Napaupo siya sa kama na sapo ang masakit na ulo. Nang bumagsak sa kandungan niya ang makapal na kumot, nahantad ang kawalan niya ng saplot sa katawan.

The Late Bloomer (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon