Chapter 32 : The World's a Judge

71.3K 2K 292
                                    


***

Maghahatinggabi. Ni hindi namalayan ni Tonya na hindi siya nakapaghapunan. Hindi niya naalala ang itinakdang pagpunta ni Grey o ang hindi pagkibo ng Mama niya. Busog na busog kasi siya sa mga nababasa sa internet. Pumatak ang oras nang hindi niya napansin.

Showbiz Bits: The Shaun Mercache dating a cougar?

May picture na kalakip ang news bit tungkol kay Shaun at sa kanya. Kinunan no'ng mukha siyang bangag na bagong panganak habang nag-aalmusal sila ng lalaki. Doon pa rin umiikot ang balita. Na cougar siya at idini-date ni Shaun. Na may nakieksena pang direktor sa kanila.

Pinutakte ng mga taong maraming oras humusga ang comment box.

          potatogirl: WHAT?! As in WTF? Si Baby Shaun, maloloko
          sa ganyang babae? Kailangan niya ng salamin!!! OMG!!! HELP!!!

          AnniPin: Nakaka-P.I. naman! Mas maganda pa nanay ko sa
          babaeng yan!!! Shaun!!! Don't be stupid! Akin ka na lang!

          MiniMimi: Baka joke lang tong balitang to. You know. Di ba, may
          movie sila? Baka publicity? Isa pa, kung maiinlab si Shaun, e di kay
          Lauren na lang sana. Bagay sila.

         JoSeRica: Ang haba ng buhok ni cougar, ang sarap sabunutan!!!
         Hahahaha. Joketime tong news!

         KeriBugs: Totoo ba to? Muntanga lang. Hahahahaha. #Imposible

         Misha: Gwapo nung direktor!!! Hot! Hot! Hot! Swangit yung girl! >_<

         HillaryDope: HAHAHAHAHA! The best joke!!!
        @potatogirl, hindi lang salamin ang kailangan ni Baby Shaun! Bulag
        na yata siya! Kailangan niyang eye donor!!!
        @AnniPin, nanay ko rin! Mas maganda pa nga loa ko!
        @AnniPin, *lola
        @Misha, yesh!!! Yummy ni Montero!!! *drools*

        GhostlyGirl: Wag naman tayong mag judge. Baka naman na
        misunderstood lang yung cougar at si Shaun. Baka friendly date lang.
        GF niya si Anisse. Parang imposible naman na ganyan lang idate niya.

        JellyBugs: Woot! Woot! Magugunaw na ang mundo! HAHAHAHAH

        MerryMary: Mabuhay ang Lechon! Cebu Lechon! Bwahahahaha!

        potatogirl: @MiniMimi, wrong publicity kung ganun! Hahaha. Nakaka
        walang gana manood ng movie nila kung ganito ka pangit ang taste
        nilang dalawa! Hahaha!

        KrungKrung: Ang sarap ingudngud ni cougar! Highblood! Hahahaha.
        Artista talaga ang type? Hindi man lang pumili ng ka level niya?

       YumiKorn: @KoalaBear @GemAndI Nabasa niyo na to?

       YumiKorn: Hindi nga? Si Shaun at Direk Grey??? WEH??? Hahahaha.
       Dumadami ang bulag sa mundo!!! Hahahaha. HAHAHAHA.
       BWAHAHAHAHAHAHAHA. :D

       AnniPin: @GhostlyGirl, follow this link! This is a follow-up news
       regarding Shaun dating a cougar! Binasted daw!!! Taray~                                TV7Entertainment.com.ph/newsbites/Iamdumped
         ShaunMercachenews16000356545790000&%
        @HillaryDope, naka-drugs yata si cougar! Haha. Bilhan nating salamin!
         Ilan na kaya anak niyan?
        @Krungkrung, KOREK! Grabe!

         KoalaBear: Tawa na lang tayo! Hahahaha!!!

        GemAndI: Haha! May pag-asa na magkalablayp ang mga OINK-OINK!
         HAHAHAHA. XD
         openmindedkaba: Gagi. May pag-asa na ko kay Papa Shaun at kay
         Montero! Hahahahaha.

The Late Bloomer (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon