Chapter 39 : To brave a storm

65.7K 2K 279
                                    


***

Tanghalian. Magkaharap sina Tonya at Korina sa hapag-kainan at nagsasalo sa pinakbet at pritong isda. Tumunog ang cellphone ng ginang na nakapatong sa mesa. Sandaling napasulyap si Tonya sa ina nang kunin nito ang cellphone para basahin ang mensahe.

Kumunot ang noo ng Mama niya habang nagbabasa. Malalaki ang lagok nito nang uminom ng tubig. Tumagilid at bumulong-bulong. Nakasimangot na nang humarap uli sa kanya.

"May text ang maarte mong nobyo," mataray na sabi nito.

Pinigilan niya ang sariling mangiti. Mukhang hindi pa nakaka-move on ang Mama niya sa nabuko nitong taktika ni Grey para lang makapasok sa bahay nila. Naalala niya ang pag-iingay ng Mama niya sa hapag-kainan nang kumain sila ng hapunan. Nang magpaalmusal kinabukasan at mag-usisa sa lagnat ng lalaki ay nag-aalburoto ito. Nagtalak hanggang sa makaalis ang nobyo.

Pero hindi naman siya sinabunutan. Hindi rin inginudngod si Grey.

"Ano po'ng sabi?" usisa niya.

Dalawang araw nang sa cellphone ng Mama niya nagte-text ng kung anu-ano si Grey dahil hindi pa rin siya pinapayagang gumamit ng cellphone. Hindi iyon ipinababasa ng ina sa kanya.

Uminom uli ito ng tubig.

"Itong sabi." Naglinis ito ng lalamunan. " 'Hi, Madame. Kumain na po ba si Tonya?' "

Pinigilan niya ang kilig na nagbabantang pasabunutan siya sa ina.

"Iyon lang po, Ma?"

May angil ang pagsasalita ng Mama niya. "Hindi. Mayro'n pa."

"Ano pa po?"

"Ginagawa akong mensahero nitong nobyo mo! 'Pag nakita ko uli ito ay lulumpuhin ko para hindi makapag-inarte!" mataas ang boses na sabi nito.

Nangiti siya sa hina-highblood na reaksyon ng ina. Ano kaya'ng sinabi ni Grey sa text nito? Hindi siya makapangahas na magtanong.

"I love you raw," masama ang loob na sabi ng ginang.

Hindi niya napigilan ang ngiti. Itinikom niya lang dahil sa matalas na tingin ni Mama Korina.

Tumunog uli ang hawak nito.

"May message uli, Ma," excited na sabi niya.

Masama ang hilatsa ng mukha nito pero binasa pa rin ang mensahe.

"Ewan ko sa inyo!" sabi nitong nanggigigil. "Sandali! Ire-reply ko itong tarantadong ito! Namimihasa na eh!"

Nakatawa lang siya sa ina habang nagta-type. Nag-reply ito nang ilang ulit bago tumunog nang sunod-sunod ang cellphone. Sandaling nagbasa ang Mama niya bago inihagis sa kanya ang gadget.

"Ikaw na ang magbasa! Nawalan na ako ng ganang kumain!" sabi nitong nagdadabog na tumayo at iniwan siya sa mesa.

Kinuha naman niya ang cellphone at binuksan ang mensahe ni Grey.

Received 12:31:05 p.m.
Good afternoon, Madame. Kumain na po ba si Tonya?
Makikisuyo po. Please tell your daughter, I love her. J

Reply
Manahimik ka diyan, Gregorio!

Received 12: 33: 48 p.m.
Makikisuyo po uli.
For Tonya:
Hi slowpoke. I'm with Adam at the airport. We're boarding
the flight to Berlin in a few minutes. Did you get the flowers
I sent you? Did you like them? Do you miss me? Are you eating?
I miss you.

Reply

MAHIYA KANG LALAKI KA. WAG MO AKONG GAWING
MENSAHERO NINYONG DALAWA!

The Late Bloomer (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon