Chapter 22 : No match

75.5K 2.4K 197
                                    

***

Na-survive ni Tonya ang tanghalian ng mapanakit na tinola, sadistang katotohanan, maingay na mga kuwento, at walang humpay na pisilan ng pisngi. Nakailang rolyo ng mata si Portia. Nakailang lunok siya para pigilan ang papatakas na luha.

Ito ang isa sa mga pagkakataon na nagpapasalamat siyang ipinanganak siyang mabagal ang andar ng isip. Naiiwasan niya kasi ang magpaliwanag pa kapag wala siyang komento o maiambag kahit na katiting sa anumang usapan.

Nang mailigpit ang hapag-kainan, nag-volunteer silang maghugas ng pinagkainan sa kabila ng pagtutol nina Noreen at Grey. Humarap siya sa lababo habang nagdadabog si Portia sa tabi niya.

"Kita mo, Ate? Masakit sa mata ang nakikita ko everyday! She's always trying to prove how well she knows my Kuya," nagkakandahaba ang nguso ni Portia sa pagsasalita habang nag-aabot sa kanya ng baso.

Nagsasabon siya ng mga pinagkainan habang pilit ang ngiting nakikinig. Gusto na niyang matapos sa ginagawa at makauwi. Hindi lang niya magawang magmadali dahil sa babae.

"Totoo naman na kilala niya ang Kuya mo. Hindi naman siya nagkukunwari lang," mahinahon niyang sabi kay Portia.

Isa pa, alam niyang kahit na ipagmaktol nila kung bakit at paanong ipinapakita ni Noreen na kilalang-kilala nito si Grey, wala rin naman silang magagawa sa huli. Anumang reklamo nila, hindi naman magbabago ang katotohanang iyon. Noreen and Grey have a history. Na mukhang magpapatuloy pa.

"Kahit na! That's not the point, Ate!" tutol nitong nagpapadyak. Dumulas sa kamay nito ang iaabot sanang baso.

Maingay ang nilikhang tunog ng pagkabasag. Mabilis ang hindi sinasadyang hakbang ni Portia sa mga basag na piraso. Napasigaw ito sa sakit nang tumagos ang talim ng bubog sa manipis na tsinelas pambahay nito. Nakisigaw rin yata siya at kasabay nitong namutla sa pagkagulat.

"What happened?" magkapanabay na tanong nina Noreen at Grey. Sabay ang mga itong bumungad sa kusina.

"You're bleeding, baby!" mataas ang tinig na sabi ni Noreen nang mapatingin sa paa ni Portia. Nakalapit ito agad. Tumalungko sa pag-aangat ng paa ng mas batang babae palayo sa bubog.

Natigilan naman si Tonya. Takot siya sa mga injury na may dugo. Sa huling aksidente kasing nakita niya, nawalan siya ng ama. Wala siyang magawa ngayon kundi ang manood.

"Move away!" inis na sabi ni Portia kay Noreen kahit nakangiwi sa sakit.

Hindi nagpatinag ang babaeng tinukoy. Bumaling ito kay Grey, "Let's move her to the living room. I'll take the med kit."

Tumingin pa muna sa kanya si Grey at kunot-noong nagtanong, "Are you okay? You look scared."

Napapalunok siyang tumango. Wala naman siyang sugat. Hindi siya ang dapat inaalala nito kundi–

"Si Portia..." halos bulong niya.

Binuhat ni Grey ang kapatid nito palabas ng kusina. Bumaling din sa kanya si Noreen bago lumabas, "Are you really okay? Are you hurt, too?"

Ang sagot ay 'Oo'. Nasasaktan siyang makita ang concern ng babae. Alam niyang hindi iyon maskara o pagkukunwari lang. Kung bruha ang nagtatanong o lantay na kontrabida, mas kaya niyang labanan ang panliliit. Siya kasi ang lalabas na may gintong kalooban. Pero ang makaribal ang isang tulad nito–magandang babaeng tunay na mabait? Wala siyang kapana-panalo.

"Hindi. Nagulat lang talaga ako," aniyang pinilit ngumiti.

"Sure?"

"Oo. Sorry. Umeksena pa 'ko."

The Late Bloomer (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon