Chapter 41 : To trust blindly

65.6K 2.2K 734
                                    


***

Tahimik na pumasok si Tonya sa sariling silid at naupo sa kama. Nasa memorya niya ang mga letra ng balitang nasa diyaryo.

Renowned director Gregory Montero to marry his childhood sweetheart, the fashion expert, Noreen Garcia?

Nakikita niya ang kalakip na larawan sa isip. Magkayakap sina Grey at Noreen. May engagement ring ang babae. Pero ang pinakatumatak sa isip niya, bakit malungkot ang mukha ni Grey sa picture?

Nag-aalala siya. Ang huling usapan nila ni Grey ay nang sorpresa itong tumawag. Maging ang Mama niya, hindi naipagkait sa kanya ang phone call na 'yon.

"Hey... slowpoke. How are you?" mabigat ang boses ni Grey sa kabilang linya.

Napatingin siya sa orasan. Alas otso. Ibig sabihin, ala una nang madaling araw sa Berlin. Bakit hindi pa ito natutulog nang gano'ng oras? At bakit kahit na hindi abot ng proseso ng isip niya, ramdam niyang may problema?

"Grey!" napataas na tono niya bago alanganing nagtanong, "Ano'ng problema? Bakit ka... malungkot?"

Mahina itong tumawa. Walang sigla.

"I miss you."

"I miss you, too," halos bulong niya. Nawalan siya ng lakas na magtanong kahit na ramdam niyang may mali sa panig nito ng mundo. Gusto niyang hintayin na sabihin nito. "Bakit gising ka pa? One a.m. na diyan, 'di ba?"

"Yeah."

Naghintay siya sa maaaring sabihin pa nito pero nagtagal ang katahimikan.

"Grey?"

"I just... " nag-crack ang boses ng lalaki, "I really miss you."

Nakarinig siya ng mga pigil na singhot sa kabilang linya. Ng mabibigat na buntonghininga. Umiiyak ba ito?

"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.

"I don't know, slowpoke. But I really want to see you," sabi nito.

Mahina siyang tumawa. "Sandali ka lang naman diyan, 'di ba? Kararating mo pa nga lang eh..."

"Yeah. I'm sorry. But... don't worry about me. I just really want to call and hear your voice."

Nasa katahimikan ang lahat ng salitang dapat ay may boses. Hindi maintindihan ni Tonya. Wala siyang malalaman kung walang sasabihin sa kanya ang binata.

"Grey... ano'ng problema?"

Singhot. At lagok.

"There's none... Don't worry about it."

Gusto niyang pagalitan si Grey dahil ramdam niyang nagsisinungaling ito. Sa bawat salitang binibitiwan nito, may sumasabay na kirot sa dibdib niya. Habang naririnig niya ang malungkot na boses nito, may pumipiga sa puso niya.

"I have to go, slowpoke," matamlay pa ring sabi nito. "I'm sorry..."

"Okay. Mag-ingat ka diyan,ha?" Napalunok siya at nagbiro, "At kung may problema diyan... umuwi ka na lang sa 'kin."

"That's what I really want to do."

"Pero hindi pa puwede?" malungkot na dugtong niya.

"Yeah. Pero... hindi pa puwede."

"Hold on, Grey."

Malalim ang paghinga sa kabilang linya. She was almost sure he was crying.

The Late Bloomer (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon