Chapter 43

73 5 2
                                    

Emma's pov

"Emma," napatingin ako sa may pinto. Si Van, younger brother ko. Ano naman kailngan nito?

"What? Busy ako."

"Dami mong alam, if I know stinastalk mo na naman mga crush mo. Duh!"

Susugurin ko sana siya ng tumakbo siya palayo at sumigaw na handa na ang hapunan. Bumaba na ako para kumain. Naabutan ko si Kuya Erickson na nagluluto, tinutulungan siya ni Mama.

"Mama, nangstastalk na naman si Ate."

"Hindi, ah!"

"Emma, may boyfriend ka na ba?" tanong ni Kuya Erickson.

"Wala pang boyfriend si Emma, Erickson," sabi naman ni Mama.

Tumulong ako sa paghanda sa mesa. Kumuha ako ng mga kutsara at tinidor. Si Van naman ang kumuha ng mga baso.

"Walang manliligaw kay Ate dahil panget siya, hahahaha," pang-aasar ni Van.

"Kapag ako nagkaboyfriend, lagot ka sakin."

"As if may manliligaw sa'yo."

"Patay sa akin ang boyfriend mo kapag niligawan ka niya sa aming likuran," banta ni Kuya Erickson, tiningnan ko siya, nakangisi lang na parang baliw.

"Hah! Bugbugin namin ni Kuya manliligaw mo kapag palihim siyang nanligaw sa'yo. Dapat makilala namin siya!"

"Tumahimik nga kayo, wala ngang nanliligaw sa akin!"

"Wag niyo na asarin si Emma, baka umiyak pa 'yan," sabi ni Mama.

Tinawanan lang ako nila Kuya at Van. Psh. Talagang pinagtutulungan nila akong asarin! Pagkatapos ng hapunan ay nagkulong ako sa kwarto ko.

"Emma, alamin mo kung may girlfriend ba si Architect Alonzo."

Hays! Bakit ba ako pumayag?! Parang may choic naman ako, e wala naman. Tataas kaya sahod ko nito? Paano ko ba malaman 'yon?

Mukhang girlfriend naman ni Architect Alonzo  ang babaeng 'yon. Kitang-kita naman sa mukha niya ang concern ng makita niya na sinampal ni Miss Dizon si Architect Alonzo.

Sino ba ang mga close ni Architect? Hays. Magkapagfacebook nga muna. Nang malaman ko na si Hermes ay ang nakakabatang kapatid ni Architect Alonzo, ayoko na. Maghanap nalang ako ng ibang e stastalk.

Teka, kung tanungin ko kaya si Hermes tungkol sa Kuya niya? Psh, baka isipin niya papansin ako? Time is gold pa naman motto ng taong 'yon. Wag na lang, I'll find the answer on my own. Hindi ako hihingi ng tulong, lalong-lalo na sa lalaking 'yon.

E, stalk ko muna kaya si Architect Alonzo?

Ace Hayate Alonzo

Architect

Iyon lang nakalagay sa bio niya. Halos wala siyang post. Madalas tagged photos lang, mukhang noong nag-aaral pa si Architect nito. Wait! Ito yung girl! Yung sa hospital, yung kaaway ni Miss Dizon.

Happy birthday Hayate-kun 😘 more birthdays to come 🤗 wishing you all the best! I love you 😘💓

Girlfriend nga ni Architect 'yon! Ma-stalk nga.

Stephanie Cortez

Aba, architect din. Classmates pala sila ni Architect Alonzo. Hmmmm, konti lang post niya, madalas mga selfie, kung hindi picture na kasama si Architect Alonzo. Meron din silang kasamang dalawa pang lalaki.

Missing the times we are hanging out together, see you soon boys 😘

Hmmm, ang mga sumusunod na larawan ay mga stolen pictures ni Architect Alonzo. Baka sila nga, kawawa naman si Miss Dizon. Nasesense ko pa naman na gusto pabniya si Architect, tsaka, mas bet ko si Miss Dizon kaysa sa babaeng 'to, Stephanie Cortez? Hmmm.

You Are Still My BossTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang