Chapter 12

115 3 0
                                    

Rokia

"Ayos lang ba kayo ni Ace?" tanong kaagad ni Bea pagkapasok ko sa kwarto.

Hindi pa sila natutulog, mukhang inaabangan nila ang kuwento. Hays. Umupo ako sa kama ko at tiningnan sila.

"Kaklase lang daw niya 'yon."

"Oh?"

"Naiinis ako. Bahala siya. Hindi ko siya kakausapin bukas."

"Grabe ang drama natin, ah. For sure bukas babawiin mo lahat ng sinasabi mo," sabi ni Bea.

"Nakakainis yung babaeng 'yon."

"Wag mo na isipin. Maniwala ka kay Ace. Alam naman nating lahat na ikaw lang ang gusto niya," sabi ni Cath.

Pagkatapos bitawan ni Cath ang mga salitang 'yon, nakapagdecision na kami na matulog.

———

Papunta na kaming lahat sa resto nila to have breakfast, sabi nila Bea at Cath maghiking daw kami doon sa isa sa mga sikat na bundok dito sa lugar nila. Katabi ko si Panget ngayon, binati niya ako ng 'Good morning' kanina, tinanguan ko lang siya bilang sagot. Tahimik lang siya ngayon, bahala siya ayaw kong makipag-usap sakanya.

"Boss," tawag niya. Bahala ka diyan.

Bigla niyang hinawakan ang braso ko at iniharap niya ako sakanya. Tinaasan ko siya ng kilay. Nakita kong nakapout siya. Hmp, hindi naman cute.

"Kausapin mo naman ako."

"Wala naman tayong dapat pag-uusapan."

"Rokia naman eh, galit ka pa rin ba sa akin?"

"Tanungin mo sarili mo. Diyan ka na nga."

Umuna na ako sakanya, medyo kinilig ako ng magpout siya. Ang cute. Hihihi. Umupo na ako sa upuan ko, katabi ko si Mayuki. Umupo sa harapan namin si Panget. Kinuha ko ang menu at binasa 'yon.

Lumapit ang waiter sa amin at kinuha na orders namin. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa hiking.

"Talagang pinagplanuhan mo talaga ang bakasyon natin na ito, no?" nakangising sabi ni Elric kay Bea.

"Of course! Ako pa," sabi naman ni Bea.

"So, for today maghiking tayo!"

"Eh? Saan naman?" tanong ni Jhake.

"Ako bahala, pagkatapos nating kumain pupunta na tayo doon."

"Anong susuotin mo, Mayuki?" tanong ni Nate.

"Natural, hiking attire."

"Wag kang mag short, ah."

"Yes, Sir."

Dumating na orders namin. Nagsimula na akong kumain, sinulyapan ko si Ace. Napaubo ako ng makita ko siyang nakatingin sa akin, inabutan niya ako ng tubig, ininom ko 'yon kaagad.

"Ayos ka lang ba, Rokz?" tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot.

"Nagtatampo pa rin 'yan si Miss Rokia, Ace kaya suyuin mo," sabi ni Elric.

"Ayaw niya akong pansinin. Masakit dito oh," sabay turo sa part kung nasaan ang puso.

Che!

"Bahala ka diyan."

"Rokz naman eh."

Magsasalita sana ako ng may tumawag kay Panget galing sa likod namin.

"Hayate-kun!"

Tiningnan ako ni Panget, tinaasan ko siya ng kilay. Tiningnan niya yung bwiset na babae na nakatayo sa gilid niya.

"Oy, Stephanie," bati naman ng Panget na 'to.

You Are Still My BossWhere stories live. Discover now