Chapter 21

94 5 0
                                    

Rokia's pov

"All black na naman? Mag white ka kaya kahit ngayon lang?" tinaasan ko ng kilay si Mayuki dahil sa komento niya.

"Ano naman kung naka-all black?"

"Hindi ka ba maiinitan niyan?"

"Psh, fine. Magbibihis ako."

Lumabas siya ng kwarto. Binuksan ko ang cabinet ko at kinuha ang isang puti na halter top. Ewan ko ba, gusto ko ang mga ganitong desinyo. Sinuot ko ang black boots ko. Kinuha ko na rin ang shoulder bag ko.

Bumaba na ako para kumain ng almusal. Magpapaenroll kami ngayong araw. Malapit na ang pasukan, its the first week of enrollment. Maraming tao ngayon sa university, tsk.

Kumuha na ako ng bacon at eggs, konting rice. Tapos ng kumain si Mayuki, wala si Lolo. Nauna na sa amin.

Pagkatapos namin kumain at nagpahatid na kami papunta sa university. Sa cafeteria kami magkikita nila Bea, naabutan namin kumakain si Cath ng hotdog sandwich.

"Nasaan sila?" tanong ko.

"Wala pa sina Elric at Jhake, susunduin nila si Nate," sagot ni Cath.

"Nasiraan daw si Nate," sabi ni Yuki habang nakatingin sa cellphone niya.

"Sana parating na sila, tumataas na ang linya!" sabi Bea.

Naghintay kami ng isang oras sakanila. Tinext ko si Panget, alam niyang magpapaenroll kami ngayon, e.

To: Panget.
Kumain ka na?

From: Panget.
Hindi pa. Ikaw? Tapos na kayong magpaenroll?

To: Panget.
Hindi pa. Hinihintay namin sina Elric. Sinundo nila si Nate, nasiraan daw.

From: Panget.
May pinapaencode si Kuya Henderson. Tapusin ko muna 'to. Kumain ka na ;* ingat

To: Panget.
Ingat din <3

"Kumain na kayo?" napatingin kami sa nasa gilid ng table, kakarating lang nila Elric.

"Hindi pa, kumain nalang muna tayo ng lunch," sabi ni Bea.

Ang boys na ang bumili ng orders namin. Sila nalang pupunta sa counter baka magalit pa kami sakanila dahil matagal silang dumating.

Pagjatapos naming kumain ay pumunta kami sa mga department namin. Una namin pinuntahan department nila Mayuki dahil iyon ang pinakamalayo at pinakamatagal.

"Punta nalang kayo sa department niyo, mamaya pa ako matapos dito," sabi ni Yuki.

"Ang haba ng linya. Sigurado ka?" tanong ni Nate.

"Hmmm, magkita nalang tayo sa cafeteria."

Iniwan na namin siya doon sa linya, humiwalay sina Jhake at Nate sa amin. Magkatabi lang department nila, e. Malapit na kami sa building namin.

"Ako na maghahatid kay Cath, babalik din kami kaagad, madali lang naman sa department ko at sakanya," sabi ni Bea.

"Sige, ingat kayo," hinalikan ni Elric ang pisngi ni Bea bago sila umalis ni Cath.

Tiningnan ako ni Elric, tinaasan ko siya ng kilay. Napatawa siya.

"Sorry sa PDA, Miss Rokia."

"Whatever!"

Pumunta na kami sa department namin at nagpaenroll na. Medyo mahaba ang linya pero ayos lang. Lumipas ang dalawang oras bago kami natapos. Nandoon na sina Mayuki, Jhake at Nate sa cafeteria. Hinintay namin sina Bea para sabay-sabay na kaming pumunta sa cafeteria.

You Are Still My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon