Chapter 36

58 3 2
                                    

Emma's pov

"Emma, ikaw na ang maghatid niyan sa SGC," sabi kaagad ni Miss Dizon pagkatapos basahin ang papeles.

"Okay po, Miss Dizon."

"Magpasama ka na kay Kuya," sabi ni Miss Rokia habang nakatingin sa computer, alam kong naglalaro lang siya ng tetris.

"Okay po, alis na po ako."

Kinuha ko ang folder na nasa mesa niya at lumabas na ng office. Bumaba na ako at hinanap ang driver, magpapahatid ako sa SGC. Yung stinalk ko ng nakaraan, gwapo sana pero nay girlfriend kaya malaking ekis.

"Dito nalang kita hintayin, Emma."

"Sige po, Kuya, salamat."

Bumaba na ako at pumasok na sa building kaso hinarang ako ng guard, tinanong kung anong kailangan ko, kaya nagpaliwanag ako na nandito ako para maghatid sa mga papeles tungkol sa financial budget.

"Okay po, Miss. Pumunta lang kayo sa 5th floor. Sila na ang bahala sa'yo."

"Thank you, po."

Pumasok na ako sa building at sumakay na sa elevator. Ang bait ni Manong guard. Pinindot ko na ang 5th floor. May gwapo kaya dito? Marami namang gwapo sa kompanya ni Miss Dizon, pero ewan ko ba, ayoko sakanila, hahahaha.

Tumunog na ang elevator, ibig sabihin nandito na ako sa fifth floor. Pagkalabas ko may naramdaman akong bumangga sa akin.

"Ouch! Ouch! Shit!"

Agad kong hinubad ang blazer ko. Shit ang init ng kape! My gosh! Hindi ba siya tumitingin sa dinadaanan niya?!

"Sorry."

Tiningnan ko ang folder, mabuti nalang at hindi nabasa. Naku, kung nabasa ito patay ako kay Miss Dizon, siguradong wala na akong trabaho kapag ganun. Tiningnan ko ang lalaking bumangga sa akin at tiningnan ko siya ng masama. Teka...

"Is your arm fine, Miss?"

"Duh, ikaw kaya matapunan ng mainit na kape?" hindi ko mapigilan na umirap.

"What do you want? Do you want me to call an ambulance?" sarkastiko niyang sabi.

Napanganga ako sa sinabi niya, grabe ang oa naman! Tapos makaenglish, wagas! Hello, nasa Philippines tayo. Gwapo siya, pero, nakakainis!

"Labhan mo 'tong blazer ko," sabay abot ng blazer ko.

Damn it, bakit ba kasi nagkabanggaan kami?! Bakit niya ako binangga?!

"Tss, you're not even an employee here, how can I return it. Bibilhan nalang kita ng bago, tss," sabay ayos ng buhok. Psh, marunong naman pala magtagalog. "I think you have important business here. Anong folder 'yan?"

Napatingin ako sa folder. Hala! My gosh! Late na ako, naku!

"Hala, patay, ano, alam mo ba kung nasaan ang office ng head Architect?"

"Samahan na kita. Baka maligaw ka," at umuna sa paglakad.

Sumunod ako sakanya. Familiar ang mukha niya, saan ko ba siya nakita? Siya kaya ang napapaginipan kong forever? Charot, pero seryoso, familiar.

Tumigil kami sa harapan ng isang pinto. Tiningnan niya ako.

"From what company are you?"

"Uh, Dizon Buildings Coorporation."

Kumatok siya ng tatlong beses bago pumasok.

"Sir Henderson, an employee from DBC is here."

"Papasukin mo."

You Are Still My BossWhere stories live. Discover now