Chapter 11

113 5 0
                                    

Ace's pov

[ a/n: Oh my gosh, Ace Hayate Alonzo, its been a long time! Enjoy your pov! Explain mo sakanila anong nangyayari! ]

Yes po, dear author.

Hello everyone. Kamusta?

Siguro naaalala niyo pa ako. I'm Ace Hayate Alonzo.

Yung babaeng tumawag sa akin kanina, si Stephanie 'yon. Wala, classmate ko lang 'yon sa university. Hinahabol ko ngayon si Rokia. Nasaan ba siya? Damn.

Bakit ba kasi wrong timing si Steph!

Kinuha ko cellphone ko at chinat sina Jhake. Oo, may gc kaming boys, hindi kasama ang girls.

Ace: Bumalik na ba diyan si Rokz?

Nate: No sign of her here.

Jhake: Hindi mo pa nahanap?

Elric: Tutulungan ka namin. Ang girls maghihintay sa resto, encase bumalik si Rokia doon.

Ang bilis tumakbo ni Rokia. Pumunta ako sa garden, wala tao doon. Pumunta ako sa pool area, wala rin. Bumalik ako sa resto, nakasalubong ko sina Elric at Jhake.

"Nasaan siya?" tanong ko.

"Wala naman siya doon malapit sa dagat," sagot ni Elric.

"Chineck ko na rin sa may lobby if dumaan ba siya doon kaso wala," sagot naman ni Jhake.

"Balik nalang tayo sa resto," yaya ko.

Pagbalik namin sa resto, wala pa rin si Rokia doon.

"Hindi bumalik si Rokia dito?" tanong ko kina Bea.

Umiiling lang sila bilang sagot.

"Try kong idial ang number niya," suggestion ni Mayuki at dinial na ang number.

"Pupunta kami ni Cath doon sa counter, ipapaging namin si Rokia sa buong resort," sabay tayo ni Bea at Cath.

"Nagriring lang. Mukhang wala planong sagutin," sabi ni Yuki.

Saan ba kasi siya nagpunta?

I'm gonna explain to her kung sino si Steph. Bakit ba kasi umalis pa siya... Hays.

"Nagseselos 'yon, Ace," sabi pa ni Elric.

"I know. Kaya kailangan ko ngang hanapin."

"Sino ba kasi 'yon?" tanong ni Jhake.

"Siya si Stephanie, kaklase ko siya sa university. Hindi ko nga alam kung bakit nandito siya. I thought doon lang siya magstay para sa vacation."

"Bakit Hayate-kun tawag niya sa'yo?" tanong ni Mayuki.

"Nung nalaman niya na may Hayate ang name ko, 'yon na palagi niyang tinatawag sa akin. Nasanay na rin ako, tsaka, mahilig 'yon sa anime kaya ganun."

"Tapos na namin pinapaging si Rokia," balita ni Bea at umupo na sa upuan niya.

"Na check niyo na ba sa rooftop or sa room?" tanong ni Nate.

Natahimik kami sa tanong niya. Bakit hindi ko naisip 'yon?

"Ako nalang ang pupunta doon, una na ako, chat ko lang kayo," tumayo na ako at umalis.

Sumakay na ako sa elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang rooms namin. Ewan ko ba bakit ang bagal ng elevator.

I tried dialling her number pero hindi niya sinasagot. Anong oras na ba? Hay nako, Rokia.

Bumaba ako sa floor namin at agad kong kinatok ang pinto ng kwarto ng girls. Walang nagrerespond, sinubukan kong buksan pero nakalock. Chinat ko sina Elric na lock ang kwarto ng girls.

You Are Still My BossWhere stories live. Discover now