Chapter 8

149 6 0
                                    

Rokia's pov

I found myself running outside the room. Narinig ko pang tinawag ako ni Bea. Pumasok ako kaagad sa elevator, pinindot ko ang ground floor. Nang bumukas na ang elevator lumabas ako kaagad.

Saan ba ang garden nila?

"Excuse me, saan po ba ang garden niyo?" tanong ko sa isang staff ng resort.

"Doon po, Ma'am. Pagdating niyo sa dulo ng hallway liko sa right at garden na po."

"Thank you."

Tumakbo ako kaagad papunta doon, kinakabahan ako, mas lumakas ang buhis ng ulan. Damn, papatayin talaga kitang panget ka kapag hindi ka sumilong.

Tiningnan ko ang cellphone ko, its already 10:34pm. Damn.

Pagdating ko sa garden, wala naamang tao doon. Tiningnan ko ang message ulit galing kay panget, garden daw. Wala naman atang tao dito. Don't tell me, may iba pang garden dito?!

Nilibot ko na ang garden, except sa area kung saan pwede akong mabasa sa ulan. Bullshit. Nasaan ba siya?!

To: Unknown number.
Bullshit, saang garden ka ba?!

Agad din ako nakatanggap ng reply.

From: Unknown number.
Rooftop.

Napabuntong hininga ako. Ayan mapapala ng mga taong hindi kompletong details ang ibibigay, bwiset. Tumakbo ako pabalik sa loob ng resort, nakita kong sumara ang elevator.

"Sandali!"

Nabuti nalang at bumukas ito ulit, pumasok na ako kaagad.

"Oh? Parang hinihingal."

Hindi ko siya pinansin, pinindot ko ang 7th floor. Sumara na ang elevator. Ang tagal naman nitong dumating sa 7th floor.

"Snobber."

"Shut up! Pwede tumahimik ka muna?!"

"Grabe siya."

Walang iba kung hindi ang chismosong lalaking 'to! Ang bagal naman ng elevator na 'to.

"Why are you still up?"

"Pakialam mo ba?!"

"Galit na galit."

"Bwiset."

Tiningnan ko ang oras.

10:42pm

Hay nako.

Biglang na off ang ilaw sa elevator, napahawak ako sa gilid. Huminto ang paggalaw ng elevator. Shit, don't tell me nasira siya?!

Ang dilim dito sa loob. Bullshit naman, oh! Inon ko kaagad ang flashlight ng cp ko, pati kay chismoso, inon din niya ang flashlight ng cp niya.

Pinindot ko ang button for emergencies dito sa elevator. May narinig kaming static, ilang saglit may nagsalita.

"Good evening, nasa loob ba kayo ng elevat—"

"Natural! Buksan niyo kaagad ang elevator na 'to!"

"We're so sorry, Ma'am. Inaasikaso na namin po. Kayo lang po ba ang nasa loob?"

"May kasama ako dito. Dalawa kami."

"Okay po, Ma'am."

"Ilang minutes ba bago bumukas 'to?!"

"We'll make it as soon as possible. We're really sorry for the inconvenience."

Hindi na ako ulit nagsalita. Kasalanan naman niya kung bakit hindi niya sinabi na sa rooftop pala. Tiningnan ko ang cellphone ko para e text siya, kaso walang signal! Napasigaw ako sa inis.

You Are Still My BossOnde histórias criam vida. Descubra agora