Chapter 13

124 7 1
                                    

Rokia's pov

Naramdaman kong may tumatapik sa balikat ko.

"Ano ba," saway ko.

"Rokz, nandito na tayo," rinig kong sabi ni Yuki.

Iminulat ko ang mata ko at napansin na hindi na umaandar ang van. Kami nalang apat ni Justine, Yuki at Nate ang nasa loob.

"Baba na tayo," yaya ko.

Unang bumaba sila Mayuki, tiningnan ko si Justine.

"Walang planong bumaba?" tanong ko.

"Alam mo kanina, noong natulog ka, kulang nalang patayin ako ng katabi ko."

"Oh, really? Ano naman ginagawa ng mahal na prinsesa?"

"Nagkwekwento lang 'yon. Hindi naman interesado ang kausap dahil nakatingin sa atin—"

"Kung hindi kayo bababa sana hindi nalang kayo sumama," napatingin kami sa nagsalita sa may pinto, si Panget, halatang inis.

Bumaba na kami, agad kaming lumapit kina Bea. Kinalabit naman ako ni Cath.

"Bakit?"

"Kanina pa 'yan badtrip si Ace," bulong niya.

"Paki ko kung badtrip siya," sabay ngiti ko, napafacepalm nalang siya dahil sa sinabi ko.

Kausap ni Bea ang tour guide na sasama sa amin. Hinihintay pa namin ang isa nilang kasamahan. Nagpipicture taking naman sila Jhake, may dalang camera si Panget. Yung mahal na prinsesa naman ay nagpipicture naman sa surroundings, ganyan niya kamahal ang nature.

"Oh, bakit ganyan mukha mo?" tanong ni Justine.

"Wala."

"Baka mamatay ka diyan sa selos," pang-aasar niya at tumawa.

"Tsk."

"Uh, Rokia, pwede mo ba kaming kunan ng picture ni Hayate-kun?" napalingon ako sa likuran namin ni Justine.

Inaabot ni Stephanie ang kanyang  camera sa akin. Tiningnan ko muna ang camera at tiningnan ko ulit siya. Nakahawak siya braso ni Panget, talagang kapit na kapit ka, girl. Tsk. Napasulyap ako kay Panget, nakapoker face lang siya.

"Sorry, Stephanie, busy kasi ako, e. May pinag-uusapan kasi kami ni Justine," at inakbayan ko si Justine, sabay ngiti.

"Ano naman ang pinag-uusapan niyo?" kunot noo na tanong ni Panget.

"Secreto na namin 'yon," sagot naman ni Justine.

"Tsk."

"Ganun ba, pasensya na sa disturbo," tiningnan niya si Panget. "Hayate-kun, tanungin nalang natin si Jhake, baka pwede siya kumuha ng litrato natin."

Hindi umimik si Panget, hinila lang siya ni Stephanie palayo. Nanlaki mata ko ng nahuli ko siyang inirapan ako.

"Kainis."

"Sinabi mo nalang kasi kay Stephanie na sa'yo lang yung si Ace," sabi ni Justine.

"Wala kaming label ni Panget."

"Pero, sasagutin mo naman siya kung manliligaw siya sa'yo, diba?"

Hindi ko nasagot si Justine dahil tinawag na kami ni Bea, magsisimula na kaming maghiking. Hindi naman mainit dahil sa matataas na puno, naririnig din namin ang huni ng mga ibon.

Nasa unahan sina Bea, nakasunod sina Mayuki, tapos kami, sina Panget at Cath. Naririnig ko na naman ang boses ni Stephanie na tuwang-tuwa sa mga nakikita niya. Kainis.

You Are Still My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon