Chapter 40

80 3 4
                                    

Rokia's pov

Agad kong pinatawagan ni Emma si Ace, kailangan niyang malaman na isinugod sa hospital kapatid niya. Kami ni Emma ang nagbabantay kay Alvin ngayon.

Tinitigan ko si Emma na pinapatay ng konsensya niya habang nakatingin kay Alvin. Sinampal talaga niya si Alvin. Nagulat ako sa ginawa niya, hindi ko alam kung magagalit ba ako o ano.

"Miss Dizon," tawag ni Emma, tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Hindi naman siguro niya maalala na sinampal ko siya, 'no?"

"Malay ko."

"Magagalit kaya siya? Pero, hays, bakit ba kasi doon siya naglanding?" tanong ni Emma at napairap na tinitingnan si Alvin.

"Ayos lang ba sa'yo na bumalik sa kompanya para ayusin ang ibang papeles, Emma?" tanong ko.

"Opo, ayos lang. Kayo po?"

"Baka gusto mo bantayan crush mo."

"Yuck! Hindi ko siya crush 'no! Over my dead body!" sabi ni Emma habang umiiling.

"Parang ayaw mo ngang umalis, e," pang-aasar ko.

"Miss Dizon, kahit anong utos niyo, susundin ko basta kaya ko."

"Nevermind. Ikaw nalang magbantay kay Alvin. Babalik ako dito mamaya," tumayo ko at inayos ang damit ko.

"Hala, hala, hala, bakit?!" tinaasan ko siya ng kilay. "I mean, bakit po, Miss Dizon? Bakit?"

"Sinampal mo siya, ikaw na magbantay. Kailangan ko pa basahin ang report na hinatid niya."

"Pero—"

"Are you against my word, Emma?"

"H-Hindi po," nakayukong sambit.

"Tawagan mo ako kaagad kapag nagising na si Alvin."

Lumabas ako ng hospital room at bumalik na sa company. Agad kong binasa ang report. Mabuti naman at mabilis ang progress. Pupuntahan ko ang site bukas. Kumain ako ng lunch, nagpadeliver ako.

Tumunog ang cellphone ko, nagtext si Emma. Gising na raw si Alvin. Agad akong nagpahatid sa hospital. Naabutan ko silang nagbabanggayan, aba, walang label, LQ agad. Napayuko si Alvin ng makita ako.

"Pasensya na po, Miss Rokia."

Tiningnan ko si Emma na namumula sa hiya.

"Emma, kumain ka na ba?"

"Hindi pa, po."

"Kumain ka na. Ako muna ang magbabantay kay Alvin."

"Sigurado po kayo?" tanong ni Emma, tumango lang ako.

"Okay po, Miss Dizon," at lumabas na ng room.

Umupo ako sa kinauupuan ko kanina. Tiningnan ko si Alvin na medyo maayos na ang itsura niya kontra kanina.

"How are you feeling?"

"Maayos—"

"Nah, sinabi mong maayos ka kanina, e nahitamay ka paglabas sa opisina. Over fatigue at may lagnat ka pa. Masyado kang masipag, Engineer."

"Miss Rokia, naman," nahihiya pa siya ng tinawag ko siyang engineer.

"Tinawagan ni Emma ang Kuya mo, baka mamaya pa siya makadating dito. Tinawagan din namin ang SGC."

"Ganun po ba, salamat po. Baka may trabaho pa kayo. Baka nakaabala ako sa inyo."

"Wala akong trabaho ngayon. Tapos ko ng basahin ang report kanina."

You Are Still My BossWhere stories live. Discover now