Chapter 38

69 3 2
                                    

Mayuki's pov

Few months from now graduation na. Hays, pwede bang magbakasyon muna? Kakatapos lang ng exams pero heto na naman, panibagong pag-aaralan. Hays.

Kinuha ko cellphone ko. Free kaya si Nate bukas? Gusto ko lang pumasyal or something. Nakakapagod mag-aral, I want to unwind!

To: Nate.
Psst

From: Nate.
What?

Bilis magreply, ah. Architect na siya sa company ng Lolo nila. Nakakaproud, syempre, as a bestfriend. Proud ako sa lahat ng achievements niya. Nagmature na rin siya, well, he jokes around to make me laugh pero mas naging seryoso siya.

Its been five years mula ng mangyari ang lahat ng iyon. Noong panahon na critical ang kondisyon ni Lolo, nandiyan siya. He keep me company everytime. Pinapasaya niya ako kapag nalulungkot ako.

Swerte talaga ng magiging girlfriend niya. Architect, tapos gwapo, matalino pa. Mabait din! Masipag, package na lahat. Malambot din ang lips—napailing ako. Parang bumalik sa isipan ko ang nangyari noon sa bar.

Talagang ako pa ang humalik sakanya. Ang tanga ko noong panahon na 'yon. But, I was drunk. Tapos, he kissed me naman. Pero, arghhh! Bakit ko ba 'to iniisip? May part sa akin na nahihiya, nagsisisi, pero, may part sa akin na natuwa at naiinis ako dahil doon. Dahil sa panahon na 'yon, hindi ko pa tanggap na may feelings ako para kay Nate—

Biglang tumunog ang cellphone ko, may tumatawag. Si Nate, naku, nakalimutan kong magreply. Agad kong sinagot.

"Wala ka ng load?" bungad niya.

"May iniisip."

"Oh."

Nasaan kaya siya? Ano kaya ginagawa niya?

"What are you doing?"

"Driving."

"Eh?! Mamaya nalang tayo mag-usap—"

"Nakaconnect sa earphone ko ang tawag. Its fine."

Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Parang nakaabala pa ako.

"Mamaya nalang. Kinakabahan ako sa'yo, e. Hindi ka makapagconcentrate sa pagmaneho."

"I'll pull over."

"Huh?"

"I'll park the car."

"Saan ka papunta?"

"Pauwi na ako."

"Tumawag ka na lang pagdating mo sa mansion."

"I'm curious kung anong sasabihin mo. Mamaya na ako magdrive kapag nasabi mo na."

"Nate naman."

"Mayuki naman," panggagaya niya.

"I'm serious!"

"No, you're Mayuki."

Nasapo ko ang noo ko dahil sa sinabi niya. My gosh.

"Seryoso, umuwi ka na. Magtext ka na lang kapag nakarating ka na sa mansion."

"Fine."

"Teka!"

"Yes?"

Bakit ba kasi walang preno ang bibig ko?!

"I-Ingat," bakit ba ako nauutal ee palagi ko naman 'yon sinasabi sakanya?!

"Thank you. I'll call you later," kasabay nun ang pagbaba ng tawag.

Napabuntong-hininga nalang ako. Minsan naiisip ko ang kawawa ko dahil wala akong lovelife, pero si Nate wala rin kaya pareho kaming kawawa. Pero napansin kong ilang taon na siyang single. Alam kong nagkaroon siya ng ex noong highschool siya, 1 month lang sila ng girl na 'yon kasi boring daw si Nate, e?

You Are Still My BossWhere stories live. Discover now