Chapter 39

87 4 4
                                    

Alvin's pov

"Ma, nandito na sina Henrick at Hayate!" annunsyo ni Ate Helia.

Kararating lang namin galing sa SGC. Inilagay ko ang bag ko sa sofa at umupo. Hays, parang magkakalagnat ako.

"Gutom ako. Ma, may pagkain ba diyan?" tanong ni Kuya at pumunta sa kusina.

Gusto kong matulog ng maaga. Pumunta na ako sa kwarto ko para magbihis. Its been a month ng huli kong makita ang pader na 'yon. Ano bang nagustuhan ni Joel nun?

"Al! Kakain na!" tawag ni Kuya.

Bumaba na ako at pumunta sa kusina. Kumain na kami. Habang kumakain kami nagkwentuhan sila si Kuya at Mama tungkol sa trabaho, sumali rin si Ate Helia.

"Ang tahimik mo naman, Al. May problema ba?" tanong ni Kuya.

"Inaantok ako. Marami kasi kaming ginawa kanina."

"Bilisan mong tapusin ang hapunan mo para makapagpahinga ka na," sabi ni Mama.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat ako sa kwarto at humiga na sa kama. Ay, yung document! Bumangon ako at inilabas ang laptop ko, kailangan ko pa 'to e check. Kailangan 'to nila Creazia bukas.

Nakapatay na ilaw sa sala, bumaba ako para umihi. Agad akong pumunta sa banyo, pagkatapos ay pinatay ko ang ilaw. Pagkalabas ko nakita ko si Kuya na napaubo, parang nagulat ng makita ako na lumabas sa banyo.

"Hindi ka man lang nagsabi na nandiyan ka," sabi niya at nakahawak sa dibdib niya habang inilapag ang baso ng tubig. Kumuha siya ng basahan para punasan ang tubig na lumabas galing sa bibig niya.

Napatingin ako sa nasa harapan niya. Kulay puti na bote, bote ata ng gamot.

"Ano 'yan?" tanong ko at ngumuso sa direksyon sa bote.

Agad niyang tinago ito at ngumiti.

"Vitamins."

"May vitamins ba na iniinom kapag gabi?"

"Nakalimutan kong inumin kaninang umaga."

"Una na ako sa'yo."

"Goodnight!"

Kinabukasan, medyo masakit ang ulo ko. Heto ako sa cubicle ko at may inaayos na mga papeles. Ibibigay ko ito mamaya sa head ng department. Ibinigay ko na rin kina Creazia ang document na binasa ko kagabi.

"Alvin! Pinapatawag ka ni Sir Diaz," sabi ni Creazia, mukhang kakagaling niya sa canteen, may dala siyang kape.

"Salamat, pupuntahan ko mamaya."

"Maayos ba tulog mo kagabi?" tanong niya.

Magkatabi lang kami ng cubicle.

"May concern, oh, Engineer Alonzo. Sagutin mo na kasi si Engineer Hemeldez," pang-aasar ni Berto habang nakangising nakatayo sa harapan ko.

"May babygirl na 'yang si Alvin, kaya Crea, wala ka ng pag-asa niyan," sabi naman ni Dusk, yung lalaking tinawag na baby girl ang pader na 'yon.

"Tss. Shut up."

Tumayo na ako at iniwan silang tatlo doon. Dumiretso ako sa elevator at nagtungo sa opisina ni Kuya Henderson. Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok.

"Good morning, Sir Diaz."

"Good morning Alvin, ayos lang ba sa'yo na ikaw ang maghatid nito sa DBC?" sabay angat ng folder. "This is the report for the whole month sa progress ng project."

"Okay, po."

"Parang may problema sa'yo ngayong araw."

"I'm good, Sir Diaz. Una na po ako."

You Are Still My BossWhere stories live. Discover now