Chapter 48

71 2 0
                                    

Emma's pov

"Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong ni Hermes sa akin habang kumakain.

Sino ba ang makakatulog ng maayos, huh? Parang hindi nga ako makatulog dahil sa ginawa niya kagabi.

"Sa tingin mo?"

"I guess so, hindi ka na umimik after I did that thing."

"Heh!"

"Pagkatapos natin kumain ay puntahan na natin sila."

"Hmmm," uminom ako ng tubig.

"Pader, hindi sila kumain ng hapunan?"

"E, may pagkain naman sigurong dala si Architect kagabi."

(O,O)

Oh my ghad.

Nanlaki mata ko habang nakatingin kay Hermes.

"Nakalimutan ko... Hindi pala kumain si Miss Dizon kagabi."

"Bilisan mo diyan."

"Matatanggal kaya ako? Hermes! Kasalanan mo 'to!"

"Hindi ka matatanggal. Let's just go there quickly. Para makakain na sila ng breakfast."

Nagtext sa akin si Kuya Dante, nasa site raw siya. Pagdating namin doon, agad kaming tumakbo ni Hermes papunta sa stockroom. Habang binubuksan ni Hermes ang pinto kinakabahan ako.

Nang bumukas na ang pinto, binati sila ni Hermes. Ngumiti ako ng makita si Miss Dizon.

"Good Morning, Miss Dizon, Kamusta—"

Napahawak ako sa pisngi ko, ang hapdi. Tiningnan ko si Miss Dizon, hindi ko mabasa ang expression sa mukha niya, pero galit siya! Alam kong galit siya.

"Hey, bakit mo siya sinampal?" tanong  ni Achitect.

Nanlalabo ang mata ko dahil sa namumuong luha—ayokong mawalan ako ng trabaho!

"Mi--Mis-Miss Dizon—"

"That's for being one of the mastermind of this set up," malamig niyang sabi.

Naglakad palayo si Miss Dizon.

Wala na akong trabaho. Galit oa siya sa akin.

"Miss Rokia—" tawag ni Hermes pero hindi niya kami nilingon, sumakay siya kaagad sa kotse at umalis na ito.

"Kasalanan mo 'to!" inis kong sabi at tiningnan ng masama si Hermes.

Kainis, wala na akong trabaho!

Naramdaman kong niyakap niya ako. Mas lalo tuloy akong naiiyak. Gusto ko siyang suntukin!

"Ku-Kuya—"

"Mamaya na tayo mag-usap. Kakain muna ako. I need rest. Comfort your friend," rinig kong sabi ni Architect.

"I'm sorry, Pader, tahan na," tinulak ko siya.

"Sinabi ko na sa'yo, e! At hindi ka nakinig!"

"I'm sorry," at niyakap niya ako ulit.

"Damn, wala na akong trabaho, Hermes!"

"Hindi naman niya sinabing fired ka."

Lumayo ako sakanya at napailing nalang.

"Ewan ko sa'yo! Kasalanan mo 'to! Nakakainis ka!"

Iniwan ko siya doon, naramdaman kong sumunod siya. Pumara ako ng jeep at sumakay. Tinawag niya pa ako pero hindi ko siya pinansin.

Nakakainis. Wala na akong trabaho.

You Are Still My BossWhere stories live. Discover now