Chapter 37

68 7 4
                                    

Rokia's pov

"Kailan ka pa umuwi?! Hindi ka nagparamdam ng ilang buwan tapos ngayon—!"

"Secret kumalma ka, kalma," natatawang sabi ni Justine.

"Hindi ka kasi nagtext o tumawag na nandito ka sa kompanya!"

"Parang mabibingi na ata ako."

"Ewan ko sa'yo."

Hindi siya nagparamdam ng apat na buwan tapos malalaman kong nasa France siya para sa project nila tapos nandito na siya?!

"Pasalubong ko," pagclaclaim ko.

"E? Hindi ka man lang mangungumusta?!"

"Kumain ka na ba ng lunch?"

"Hindi pa, yayain sana kita—"

"Tara na, kumain tayo," yaya ko. "Marami tayong pag-uusapan!"

"Parang marami nga, balita ko SGC ang architectural group na kinuha mo."

"Mamaya na tayo mag-usap tungkol diyan. Magpareserve ako—"

"Mcdonald's nalang tayo, miss ko na ang mcdo."

"Walang mcdo sa France?"

"Fine dining restaurant kami palagi kumain."

Lumabas na kami sa office. Naabutan kong si Emma na parang binagsakan ng langit at lupa.

"Emma, aalis kami ni Justine, doon kami sa mcdo sa labas. Kumain ka na ba?"

"Hindi pa po," sagot niya.

"Kumain ka na, lunch na."

Tumango siya at umalis na kami ni Justine. Pagdating namin sa mcdo, ang daming tao! Naghintay ako kay Justine sa taas, siya na pumila. Dami kong ikukwento sakanya. Naging bestfriend ko si Justine, alam niya ang lahat ng nangyari sa amin ni Ace.

Matagal dumating si Justine sa table. Pagdating niya parang magpafiesta sa dami ng inorder. May burger, may fries, two piece chicken ang sakanya habang sa akin ay one piece chicken lang. May mcflurry at hot fudge sundae.

"May fiesta?"

"Miss ko ang mcdo, duh."

Nagsimula na kaming kumain. Ikinuwento niya ang tungkol sa trabaho niya sa France. Babalik siya doon sa susunod na mga buwan.

"Akala ko iniiwasan mo ang SGC, bakit sila naghahandle ng project mo ngayon?"

"Si Lolo kasi ang dahilan ng lahat, kinontak niya si Emma at sinabihan na ang SGC ang tatawagan kahit anong mangyari," sabi ko at uminom ng coke.

"Wala namang masama dun, well, sila ang best company naman."

"Nagkita kami."

"Ni?"

"Ace."

"Huh?"

"Nagkita kami ni Ace. Dalawang beses na."

"Oh, may comeback ba?" tanong niya at kumuha ng fries.

"Duh, walang magbabalikan 'no."

"Ah, nakamove on ka na?"

"Oo, nakamove on na ako."

"Wow, talaga? Noong huli nating pag-uusap diba, miss mo siya."

"Che! Over my dead body."

"So, anong nangyari, nag-usap kayo?"

"Malamang! Duh!"

"Aba, bakit ka nagagalit, parang hindi nakamove, ah."

You Are Still My BossNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ