Chapter 33

66 7 7
                                    

Rokia's pov

Oh my gosh, what the actual fuck just happened? Napapikit ako sa inis, I'm clutching my fist under the table, I'm holding my anger. Hindi ko alam kung sino ang uunahin ko, si Emma ba o ang walang hiyang lalaking 'to? Huminga ako ng malalim at tiningnan siya

After five years, ngayon kami ulit nagkita. Mas tumaas lalo ang buhok niya. May mga nagbago ng konti sa features niya, but still the same. Tch. Pakialam ko ba sa itsura niya.

"Excuse me, I will speak with my secretary for a moment," sabi ko at tumayo na, humanda ka sa akin Emma!

Mabilis akong pumasok sa comfort room, walang tao, bakante ang tatlong cubicle except sa pinakahuli. Yumuko ako at sinilip ang sapatos, just as I thought. Umayos ako ng tayo at huminga ng malalim.

"Lalabas ka diyan o bubuhusan kita ng tubig, Emma?"

"Miss Dizon, talagang kanina pa ako natatae! Ouch, ang sakit ng tiyan ko. Huhuhu," pagdradrama niya.

"Mukhang kailangan ko na ng bagong secretary," pagbabanta ko.

Bumukas ang cubicle at inuluwa nun si Emma, tinaasan ko siya ng kilay. She just gave me a smile, isang hilaw na ngiti. Pinagpapawisan pa siya, hays.

"Magpapaliwanag ka o hindi?"

"Ito naman si Miss Dizon, chill lang po kayo, magpapaliwanag ako—"

"Bilis."

Huminga siya ng malalim at pinunasan ang pawis sa noo gamit ang panyo.

"Ano, kasi Miss Dizon, sabi mo best company diba? Ang FA&EC ay pangalawa lang po lamang, ang number one ay ang Santos Group of Companies kaya, ayun, sila ang tinawagan ko—"

"What kind of bullshit is that, Emma?!"

"Si Sir Dizon po ang nagsabi na kahit anong sasabihin mo ay ang Santos Group of Companies ang maghahandle sa project. Sabi niya na kahit anong mangyari, kahit hindi ang Santos Group of Companies ang piliin mo dapat sila pa rin ang tatawagan ko kaya, heto, nandito na tayo, Miss Dizon. Hehehe," paliwanag niya.

Did I heard her right? Si Lolo?! Ang matandang 'yon?! Akala ko ako ang bahala, bakit niya ginawa 'to?! Shit!

"Tsaka, may point naman ako kanina Miss Dizon, hehehe, ang gwapo ng representative nila 'no? Ay, Architect pala, may facebook kaya 'yon?" sinulyapan ko si Emma habang may tinatype sa cellphone niya.

"Don't you dare!" napatalon siya dahil sa gulat.

"A-A--A-Alin po?"

"Wag mo siyang e search."

"H-Huh?"

"Wag mo siyang e search sa kahit ano sa social media! Wag mo siyang e add friend sa facebook, or follow sa instagram or whatever! Wag!"

"Uh, Miss Dizon, may rereplyan lang po, ako," sabi niya at nakaturo sa cellphone. "Nagtext kasi Mama ko," sabay harap ng cellphone.

From: Motherdear.
Babygirl, anong oras ka uuwi? Ngayon ang uwi ng kuya mo.

Napabuntong-hininga ako, bwisit! Nakakahiya! Ano ba 'yon?! Oh my gosh, bakit ko ba sinabi 'yon?! Parang tumataas ang pressure ng dugo ko. I shouted because of my frustration.

"Mi-Miss Di--Dizon?"

"I'll deal with you later, pasalamat ka sa ugali mo at natutuwa ako sa'yo," sabi ko at inayos ang damit bago lumabas.

Pagbalik ko sa table namin, naabutan kong umiinom ng chocolate shake si Ace. Tss. Oh my gosh, poise, poise, poise!

Umupo na ako, uminom ako ng konting juice bago nagsalita.

You Are Still My BossWhere stories live. Discover now