Chapter 44

92 5 4
                                    

Rokia's pov

Its Thursday today, ikinuwento sa akin ni Emma ang mga nangyari noong nakaraan. Sabi niya e chachat daw siya ni Alvin kapag kompermado na ang lahat.

Kakatapos lang ng meeting at nandito na ako sa mansion. Dumiretso na akong umuwi, afternoon aang meeting, tsaka wala naman akong gagawin sa company, e.

Naabutan kong nasa may garden si Tanda. Dadaanan ko muna siya bago pumasok sa mansion.

"Oh, andito ka na pala, Apo."

"Nagsnack na ba kayo? Uminom na ba kayo ng gamot?"

"Oo, uminom na ako. May plano ka ba bukas, Apo?"

"Bakit mo naman natanong?"

"Magbakasyon ka kaya?"

"E?! Bakit naman?"

"Parang stressed na stressed ka na, Apo. Magkakaroon ka ng wrinkles dahil diyan."

"Duh, edi pupunta ako sa derma. I don't need vacation. Tsaka, bukas bibisita ako sa site."

"Oh? Kamusta na ba ang site?"

"I can say mabilis ang kanilang galaw sa paggawa ng project. Pero, malayo pa talaga maybe it will take years. Iyon ang sabi ni Architect."

"Architect?"

"Alonzo," tss.

"Uh, si Ace?"

"Tanda!"

Tumawa lang siya, umirap lang ako. Heh, may gana pa talagang mang-asar.

"Baka magkabalikan kayo, Apo."

"Bakit ba boto na boto pa rin kayo sakanya? Niloko na nga ako ng tao!"

"Kalma lang, Apo, inaasar lang kita. Chill."

"Chill ka diyan. Magpapahinga na ako."

"Sige, Apo. Ipapatawag nalang kita kapag handa na hapunan."

Dumiretso ako sa kwarto ko at nagbihis ng pambahay. Humiga sa kama at pumikit, naramdaman ko nalang may yumugyog sa akin.

"Ano ba? Umalis ka nga!"

"Dinner is ready, Rokia," si Mayuki pala.

"Mamaya na inaantok pa ako."

"Nasa baba si Ace."

Agad akong napabangon at tiningnan siya ng masama. Mabilis siyang lumabas sa kwarto ko habang tumatawa. Kainis. Bakit ba nila ako inaasar sa lalaking 'yon?

"Miss Dizon! Emergency meeting daw!" nilingon ko si Emma na hinihingal.

"What?! Ano naman ang agenda?!"

Inaayos ko na ang damit ko dahil aalis kami papunta sa site. Kainis. Pumunta ako sa conference room, pinipigilan ko ang inis ko. Ano na naman ang pag-uusapan, huh?

"What's the agenda for this emergency meeting?" tanong ko ng makaupo sa upuan ko.

"What are you doing inside your office all day, Miss Dizon at hindi mo naagapan ang problema?" bato ng tanong Mrs. Delgado, tsk.

Hindi ko siya pinansin at tinanong ang ibang member ng board.

"There is a huge loss in our income from the last month at bumababa ang percentage, Miss Dizon."

"I knew it! It is because of the project!" sabi kaagad ni Mrs. Delgado.

At nagsimula na ang pagpapalitan ng mga salita. Napakunot ang noo ko dahil sa sinasabi nila. Bumababa ang income namin sa huling buwan?

You Are Still My BossWhere stories live. Discover now