Chapter 7

138 7 0
                                    

Rokia's pov

"Wag magtampo? Really, Bea?"

Hindi siya nakaimik, yumuko lang siya. Alam kong naiiyak na 'yan, pero sorry, Bea. Inis, galit halos naghalo na lahat ng emotion ko dahil sa mga nangyayari.

"Alam mo ba kung anong nararamdaman ko kanina? I felt betrayed again. Alam kong alam mo ang nangyari sa akin noon, noong trinaydor ako ni Shawn at Meshel tapos ngayon, ewan ko sainyong lahat."

Bumalik ako sa paghahair drying, naiinis ako sakanila. Hindi magtampo, tsk.

"Rokia, we're sorry," rinig kong sabi ni Mayuki.

"Bahala kayo. Leave me alone. Ayaw ko kayong kausapin."

"Rokia.." pagmamakaawa ni Bea.

"What? Ayaw ko kayong kausapin. Galit ako sainyo. Naiinis ako sainyo. Bago pa ako makapagsalita ng masama leave me alone."

"Gusto ka lang namin e surprise."

"Well, you already surprised me. Matagal na pala kayong may contact kay Ace."

"No, bago lang kami may contact sakanya," paliwanag niya.

"Wag na kayong magexplain, matagal o bago pa, itatago niyo naman sa akin dahil gusto niyo ako e surprise, bahala kayo sa mga buhay niyo. Magsama kayo."

Tumayo ako at umalis sa banyo, iniwan ko silang nakatulala doon. I'm so pissed off! Pumasok na ako sa kwarto at humiga na sa kama ko.

———

"Should we wake her up?" rinig kong tanong ni Cath.

"Its 7:24am," sabi naman ni Yuki.

"Rokia," tawag ni Bea sa akin.

Nakatalikod ako sa kanila, kakagising ko lang dahil sa ingay nila. Ayoko pa rin silang makausap.

"Rokia, breakfast tayo sa baba," yaya ni Bea, I can still feel the guilt in her voice, maybe because of what happened last night.

"Kayo nalang, ayokong sumabay sa inyo. I'm not hungry."

"Please."

Nagtalukbong ako ng kumot. Bahala kayo diyan. Narinig kong bumuntong hininga sila.

"Let's go," yaya ni Bea.

"Rokia, tawagin mo kami kapag may kailangan ka," sabi ni Yuki.

Umalis na sila. Bumangon ako, inaantok pa ako, medyo nagugutom ako. Pero, ayaw kong sumabay sa kanila!

Naligo muna ako bago umalis sa kwarto, ni lock ko 'yon, nasa kanila naman ang susi. Pupunta ako sa restaurant nila dito. Pagkapasok ko sa elevator, nanlaki mata ko nang makita kung sino.

"Oh! Good morning, Miss Sungit!" nakangiti niyang bati.

"What's good in the morning? Duh," inirapan ko siya. Pumasok na ako sa elevator, papunta rin pala siya sa ground floor.

"How's your sleep?"

"Paki mo ba."

"Sungit."

"Whatever."

"Nagbreakfast ka na?"

"Hindi pa."

"Sabay na tayo."

"Wala ka bang kasama dito magbakasyon?"

"Hmm, supposedly meron, pero, wala na."

"Oh," siguro, ex-girlfriend niya ang ibig niyang sabihin.

You Are Still My BossWhere stories live. Discover now