Chapter 9

138 3 0
                                    

Rokia Dizon

Maaga akong nagising ngayon, I found myself preparing. Nanghilamos na rin ako at toothbrush, natutulog pa sina Yuki. Naligo na ako at nagbihis, bakit ba kasi ang aga kong nagising?

Bakit, Rokia? May date ba kayo ni Panget? Wala naman, duh!

Tsk.

Rokia, wag ka nang mainis, baka bumalik 'yang Panget sa America iiyak ka na naman. Psh.

"Oh, aga natin ah, morning," bati ni Cath na kakagising lang.

"Morning," bati ko sakanya.

"Naligo ka na?"

"Tapos na."

Inaayos ko ang buhok ko dito sa sala, naligo na rin si Cath. Its 7:42am, ginising ko na sina Mayuki.

"Mamaya na," sabay tago sa ilalim ng kumot.

"May lakad daw kayo ni Nate."

Tingnan natin kung hindi 'yan babangon!

"Huh?!" sabay bangon at takbo sa papunta sa banyo.

"Teka, wala kaming lakad!" sigaw niya ng marealize niyang wala pala talaga.

"Duh, I just said that para bumangon ka na."

"Its too early, Rokia."

"Ano bang plano niyo ngayong araw?"

"I think pupunta tayo sa waterfalls nila dito," lumapit siya kay Bea at ginising ito.

"Pupunta tayo sa waterfalls nila dito?"

"Hmmm.. Yes, yes, yes. Bakit?"

"Anong oras tayo pupunta?" tanong ko.

"Mamaya pang 11am tayo pupunta doon."

"Si Rokia maaga ng gising."

"Well, walang problema diyan, kakain muna tayo ng breakfast sa baba."

Pagkatapos nilang mag-ayos, lumabas na kami sa room at kinatok ang boys, saktong bumukas ito at bumungad sa amin ang inaantok pa na si Ace. Naka-black sando siya at stripe pajamas, ang gulo ng buhok niya.

"Good morning," bati ko.

"Good morning din, Boss. May lakad kayo?"

"Tsk, breakfast."

"Tulog pa sila."

"Masyado ba akong maagang nagising?" tanong ko kina Mayuki.

"Higa muna kami," sabi nila Mayuki.

Naiwan kaming dalawa ni Ace dito, tiningnan ko siya, parang hinihintay na bumalik ako sa room.

"Ligo muna ako, gigisingin ko na rin sila."

"Okay."

"Hindi ka nakatulog, no?"

"Bakit naman?"

"Kakaisip sa akin."

"Noong hindi ka pa umuwi."

"Oh," sabay ngiti. "E, ngayon?"

"Alam kong nandiyan ka sa malapit, e."

"Yieeee! Ang love birds naglambingan, awat muna, maliligo muna prince charming mo, Miss Rokia," sabi ni Elric, bagong gising pa.

"Balik muna ako sa room."

Tinalikuran ko na silang dalawa at pumasok na sa kwarto. Naabutan kong inaayos no Cath ang gamit niya.

You Are Still My BossWhere stories live. Discover now