Chapter 56

60 6 2
                                    

Emma's pov

Nakakahiya talaga ang suot ko ngayon! Sobrang lalim ng v-cut ng dress na 'to. Well, may strap naman kaya hindi mahuhulog, pero kahit na! Nakakahiya!

Oo, maganda ang dress, elegant tingnan pero dahil suot ko. Pakiramdam ko ang panget ko! Si Miss Bea ang umayos ng buhok ko, may ilang strands na iniwan siya sa gilid, well, messy bun. Sana hindi ako nagmumukhang nakadrugs nito.

Si Miss Cath ang nag-apply sa akin ng make-up. Magselfie ako mamaya pagkatapos nito, kahit nakakahiya ang suot ko. Hindi ko naman ipopost! Remembrance lang.

Pagkatapos ay naghanda na kaming umalis, tapos na rin akong nagselfie sa loob ng banyo. Napansin kong malamig ang likuran ko.

(O.O)

"Miss Dizon! Bakit backless 'to?!"

Tinawanan nila ako.

"Emma, you look good in that dress. Trust me, marami kang baby boys na makuha ngayong gabi!" natutuwang sabi ni Miss Bea.

"E, nakakahiya ang likod ko."

"Iinom mo nalang 'yan at mawawala lahat ng hiya mo!"

Wala na akong nagawa. Gusto kong magsuot ng jacket. Ang lamig kaya! Maikli pa ang damit na 'to. Bakit ba kasi sumama pa ako?!

Pagdating namin sa baba agad nagreklamo si Sir Elric sa suot ni Miss Bea. Napansin kong nagpipigil ng tawa si Alvin. His wearing a white tshirt with black longsleeves na nakatupi hanggang siko and black jeans. Sana all simple!

Inirapan ko siya, tinalikuran niya ako at humagikik.

"Nababaliw ka na ba diyan, Hermes?"

"Hindi ako nagexpect na ganyan susuotin mo, Pader," at tumawa.

Ewan ko ba kung matutuwa ako o hindi. May kalokohan na naman na pumasok sa isip niya.

"Tss, napilitan lang akong suotin 'to," at tinalikuran siya.

Naglakad na kasi sila palabas ng lobby kaya sumunod na ako. Sumunod din si Hermes.

"Nag-improve ka na pala ngayon, Pader. You're not just a wall. Hanger ka na rin pala."

Tiningnan ko siya ng masama.

"Ano naman ngayon?!"

"Parang nakasabit lang ang damit sa'yo. Like a hanger."

"Ano naman kung hanger? Maganda naman likod ko."

Duh! Pakapalan nalang ng mukha! Sabi naman nila kahit anong damit na isusuot mo, kung marunong kang dalhin ito, you can slay. Charot.

"Which one? Front or back?" natatawang tanong.

"Both," sabay behlat sakanya at nauna ng maglakad.

Pagdating namin sa bar, teka, ang daming sumasayaw. Ang ingay pa ng music, club ata 'to. Daming tao, ang iba grabe makatingin sa akin, no, sa amin. Feeler ko naman, ayaw kong maraming nakatingin sa akin.

Naghanap kami ng table. Umorder din sila ng drinks, ganito pala sa club? May mga sumasayaw, as in grabe, twerking? At kung ano pang dance moves! My eyes!

(O,O)

Speaking of outfits, may mas worst pa sa akin, napailing nalang ako.

"Emma, here's a cocktail for you," sabay abot ni Miss Mayuki sa akin ng glass.

Ang ganda tingnan, inilabas ko cellphone ko at kumuha ng litrato.

"Psh."

Tiningnan ko si Hermes na nakaupo sa tabi ko.

You Are Still My BossWhere stories live. Discover now