Chapter 25

67 5 0
                                    

Rokia's pov

"Ihahatid mo ako bukas?" tanong ko kay Panget.

"Saan?"

"Sa school," sagot ko habang sinusuklay ang buhok, gumamit din ako ng blower para mas mabilis tumuyo.

Nagswimming kasi kami kanina. After kumain nagbihis ako, pati rin si Panget nagbihis para maligo kanina. Nakaupo siya ngayon at nakasandal sa headboard ng kama habang hawak ang cellphone niya.

"Dala mo gamit mo para bukas?" tanong niya.

"Hmmm, dala ko," at itinuro ang isang paper, nandoon bag ko na gagamitin ko bukas.

"Anong susuotin mo?"

"May black slocks ako diyan, white tshirt and black blazer. May dala din akong sandals."

"Hindi ka mag-uuniform?"

"Hindi."

"Okay."

Pinatay ko na ang blower. Medyo tuyo na ang buhok ko kaya ayos na. Pumunta ako sa tabi niya, tinaasan niya ako ng kilay.

"Ano? Bawal tumabi sa iyo?" tanong ko.

"H-Hindi naman, Boss."

"Sinagot lang kita, dami mo ng arte," at umirap ako.

"Sorry, Boss. Halika," sabay tapik sa gilid ng kinauupuan niya, agad akong lumapit.

"Anong ginagawa mo?"

"Nagfacebook lang."

Niyakap ko braso niya. Tiningnan niya ako, parang nagulat pa.

"Ano? Magrereklamo ka na naman?!"

Napatawa siya at umiling. Hinalikan niya ang noo ko at ngumiti. Ngumuso ako at tumingin sa cellphone niya.

"Hatid sundo mo ako this whole week, Panget?" tanong ko habang nakatingin sa screen ng cellphone niya, patuloy lang siya sa pagscroll.

"Of course, magpapaalam ako kay Lola."

"Are you still working for this whole week?"

Napatigil siya sa pagscroll at nilingon ako. Tiningnan ko siya at umiiling.

"Can we eat dinner together for the whole week, Panget?"

"Yes, Boss. Uh, bukas, ayos lang ba kung sa bahay tayo magdidinner?"

"Oo naman, ayos lang."

"Gusto ka makita nila Mama."

Namula ang pisngi ko, umiwas ako ng tingin. Teka—

"Panget, alam ba nila?" tanong ko habang tinitingnan siya, nakatingin siya sa phone niya.

"Ang alin?"

"Na ano.."

"Ano?" tiningnan niya ako.

"Tungkol sa atin!"

"Of course, they know I'm courting you. Bukas, sasabihin ko sakanila."

Napangiti ako at sumandal sakanya.

"Panget."

"Yes, Boss?"

"Anong oras flight mo?"

Nakita kong natigilan siya, sinulyapan ko siya. Napakagat siya sa ibabang labi niya.

"Let's not talk—"

"Gusto kong malaman."

"10am."

"Gusto kita ihatid sa airport."

You Are Still My BossWhere stories live. Discover now