Chapter 50

84 3 2
                                    

Rokia's pov

Hindi pa rin mawawala sa isip ko ang nangyari. Bakit ba kasi nangyari 'yon?! Argh! Nakakahiya! Bakit ba niya ako hinalikan sa pisngi?!

"Rokia, apo," napatingin ako kay Lolo na nakatayo sa may pinto ng kwarto ko.

"Bakit?"

"Hindi ka raw bumibisita sa site."

"Ayokong bumisita."

Umupo si Lolo sa upuan na nandito, bumangon ako at tiningnan siya.

"Gusto ko sana makita ang site, Apo. Kaso sabi nila baka mapagod daw ako."

"Hmmm."

"Bumisita ka sa site at kunan mo ng pictures. Sabi nila marami ang nagbago."

"Ayoko, si Kuya Dante nalang."

"Nakamove on ka na ba talaga, Apo?"

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ang layo naman ng tanong mo."

"Ayaw mo bang bumalik doon dahil sa nangyari sa stockroom?"

"Paano mo nalaman?"

"Isa ako sa mga mastermind," proud niyang sabi.

Teka..

"Ano?!"

"Actually, si Alvin talaga ang nakaisip ng plano. Humingi siya ng permiso sa akin kung pwede ba niyang gawin. Pumayag ako, alam nga ni Dante ang tungkol doon."

Napapikit ako dahil sa inis. Damn it, pinagkaisahan nila ako!

"Pumayag ako dahil alam kong kailangan mo iyon. Its much better kung mag-usap kayo to clear things up. Nag-usap ba kayo?"

"Oo! Duh!" hindi ko mapigilan na umirap.

"Anong plano mo, Apo? Kung sakali ligawan ka niya," napailing nalang ako, naalala ko naman sinabi niya kanina.

"I'll court you again. I'll not stop until I make you say 'yes'."

"Tss."

"I'll make fall for me again."

"Tss. Ayoko sakanya!"

"Hmmm. Iyon ba sinasabi ng puso mo?"

"Lolo, ayoko kay Ace. Ayoko sakanya."

"Dahil sa nangyari noon? Hindi ba siya nagpaliwanag?"

"Tanda, humingi siya ng tawad at hindi niya raw sinadya pero hindi pa rin magbabago ang isip ko."

"Mahal ka pa rin niya, 'no. Ilang taon na ba nagdaan?"

"Psh."

"Apo, baka magsisisi ka niyan."

"Tanda, I can handle myself. Ayoko na talaga kay Ace. May humalik sakanya na iba habang kami pa!"

"Ginusto niya ba 'yon?"

"Hindi."

"Sinadya niya ba 'yon?"

"Hindi raw. Ewan ko!"

"Hay nako, Apo," sabay iling. "Noong kami ng Lola niyo, sus, mas malalaking bagay ang hinarap namin na mga problema."

"Tanda, hindi mo kasi naiintindihan."

"Sige, e kuwento mo nga."

Ikinuwento ko kay Tanda ang lahat. Tahimik lang siyang nakikinig. Huminga ako ng malalim pagkatapos magkuwento.

You Are Still My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon