Chapter 34

61 5 3
                                    

Nate's pov

Its been a months mula ng graduation namin. I'm currently working at Santos Group of Companies, binigyan kasi ako Kuya Henderson ng offer. I grabbed the opportunity, bahala ng magkita kami ni Lorenzo.

Pagpasok ko sa mansion nakita ko kaagad si Alvin na nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv. Binati ko siya.

"Tito!" nakita ko si Eman na tumatakbo patungo sa akin.

"Oh, nandito ka pala, Eman. Nandito mama at papa mo?"

"Nasa dinning area. Let's go! Tito Ace is here."

"A-Ace?"

"Hmmm," sabay tango.

"Kararating lang ni Kuya galing America," sabi ni Alvin dahilan para mapatingin ako sakanya, tumayo siya at lumapit sa amin.

"Pwede bang mag-usap muna tayo, Kuya Nate?"

"Sige," tiningnan ko si Eman. "Susunod kami ni Tito Alvin mo."

"Okay po," at bumalik na sa loob ng dinning area.

"Kailan pa sila naghiwalay ni Miss Rokia?" diretsong tanong niya, halatang may inis sa boses.

"December noong nakaraang taon pa. Bakit?"

"Tss, its been a year at hindi man lang niya sinabi sa amin. Ano bang nangyari sa kanilang dalawa? Hindi ba kayo nagka-usap?"

"Its complicated, Al. Kakausapin ko pa siya mamaya tungkol diyan. Hindi ko siya makontak noong nakaraan."

Nabalot ng inis ang mukha ni Alvin. Napabuntong-hininga lang siya.

"Tara na, kumain na tayo ng dinner," yaya ko sakanya.

Naglakad na kami papunta sa dinning area. Nandoon silang lahat, nandito si Ate Helia at Aunty Hannah. Lumapit ako para magmano. Hinalikan ko si Mama sa pisngi, nagmano rin ako kay Lola Cass.

"Nakauwi ka na pala," sabi ko kay Ace.

"Hmmm, medyo natagalan nga. Sa SGC daw ka nagtratrabaho."

"Hmmm, nag-offer kasi si Kuya Henderson kaya kinuha ko. Kapag may enough experience na ako ay gagawa ako ng sarili kong kompanya."

"Doon ka na rin mag-apply, Ace. Just for the mean time," sabi ni Lola.

"Good idea, para magkasama kayo ni Nate. Sabayan mo na rin si Alvin sa pag-apply," sabi naman ni Ate Helia habang kumukuha ng pagkain.

"Tss," napatingin ako kay Alvin na nasa tabi ko.

Nagkwentuhan lang kami. Tumambay ako sa may garden, meron akong nilagay na duyan doon. Maganda ang langit ngayon, puno ng mga bituin.

From: Mayuki.
Nate! Nakauwi na si Ace?

Paano niya nalaman? Agad akong nagtype ng mareply.

To: Mayuki.
Yep. Kakausapin ko pa siya.

From: Mayuki.
Kumain ka na ba?

Ayan na naman ang linyang pa-fall. No, matagal na akong na-fall kay Mayuki. Alam kong hindi pa siya handa at focus muna siya sa pag-aaral. Ayoko maging hadlang sa pag-aaral niya. Ayos lang sa akin na ang ganito, at least I can go near her.

Ilang taon ba akong naghintay? Apat? Lima? Its fine. Alam ko naman kung sinong mga nagsusubok na manligaw sakanya at agad niyang binubusted ang mga ito. Kaya natatakot din akong umamin sakanya. Tsaka, noong nagbakasyon kami noong nakaraang taon.

Hindi pa rin umaalis sa isipan ko ang pangyayaring iyon. Damn it. Ang tagal namin hindi kumikibo sa isa't-isa dahil doon. Nahihiya ako, ang kapal ng mukha ko noong panahon na iyon at medyo nagsisi ako nun, natakot ako baka layuan niya ako ng husto.

You Are Still My BossWhere stories live. Discover now