Chapter 49

71 5 0
                                    

Rokia's pov

"Miss Dizon, hindi po ba kayo bibisita sa site ngayon?" tanong ni Emma.

"Hindi. Baka ikulong niyo naman kami sa stockroom," malamig kong sagot.

"E, one time lang 'yon. Tsaka, nagsisisi kami ni Hermes, hehehe," sabi ni Emma habang nakahawak sa batok niya.

"Tss."

"Miss Dizon, nadamay lang po ako!"

"Whatever, Emma. Magpadeliver ka ng lunch. Nagugutom na ako."

Lumabas na siya ng office. Napasandal ako sa swivel chair ko. Its been 5 months at hindi na ako bumalik pa sa site.

Napabuntong-hininga ako ng pumunta si Alvin sa mansion at nagpaliwanag. Nagmakaawa na hindi tanggalin si Emma. Humingi suya ng tawad dahil sa plano niya, gusto niyang mag-usap kami ng Kuya niya.  Gaya ng sinabi ni Emma, closure.

Nahuli na namin noong nakaraang buwan ang magnanakaw dito sa kompanya. I filed a case against the thief. Sina Jerome na ang bahala doon.

"Miss Dizon!"

Inilapag ni Emma ang pagkain ko sa mesa.

"What?"

"Nagtext kasi si Architect."

"Oh? Bakit naman?"

"Hinahanap ka Miss Dizon. Oh," sabay lapag ng cellphone niya.

Kinuha ko iyon at tiningnan ang text.

From: Architect Alonzo.
Good noon, Miss Madrigal, hindi pupunta si Miss Dizon sa site ngayon?

Napakunot-noo ko dahil sa text at sinabi niya.

"Anong e rereply ko, Miss Dizon?"

"Hindi tayo pupunta sa site. I already told you kanina."

"Okay po, tinatanong lang. Baka kasi magbago isip mo," sabay kuha sa cellphone at nagreply.

Nagsimula na akong kumain. Biglang napatili si Emma.

"Hala, Miss Dizon! Tumatawag si Architect!"

"Sagutin mo. Duh!"

"Hello po, Architect," bati ni Emma pagkatapos sagutin ang tawag. "Si Miss Dizon? Kumakain po," tiningnan ako ni Emma.

"Miss Dizon, gusto kayong kausapin ni Architect."

Inilahad ko ang kamay ko at inilagay niya ang cellphone. Uminom ako ng tubig at nagsalita.

"What do you want, Architect?"

"I want you, Miss Dizon."

Napaubo ako sa sinabi niya. I heard him chuckled from the other line. Naramdaman kong uminit ang magkabilang pisngi ko. Baliw ba siya?!

"Baliw ka ba?! Excuse me!"

"I'm serious, Miss Dizon."

"I'm serious too, Architect. Nababaliw ka ba?!"

"Baliw na baliw sa iyo, yieee."

"Ano ba ang kailangan mo, huh?! Busy ako at nababaliw ka diyan!"

"Grabe ka naman Miss Dizon. Namimiss ka lang, e. Gusto kitang makita."

Pinatay ko ang tawag at inabot kay Emma ang cellphone niya. Baka mamaya matapon ko pa 'yon.

"Kumain ka na ng lunch. Wag mo ng replyan o sasagutin tawag ng lalaking 'yon."

"Okay po, Miss Dizon."

"May meetings ba ako mamayang hapon?"

"Wala po, pero may documents kayo na e rereview."

You Are Still My BossWhere stories live. Discover now