Chapter 20

3.8K 128 20
                                    

GERARD's POV

"I can't. I just can't."

Kanina pa kaming dalawa ni Aria dito sa loob ng kotse sa tapat ng bahay nila. Iyak siya ng iyak. Ayaw niyang bumaba kasi baka raw siya mapagalitan ng Mommy niya kapag nalaman na nag-sine kasama ako. Willing naman akong magpakilala sa Mama niya, ayaw niya lang.

"Ang hirap mag-move on. Ang ganda nung movie." iyak niya.

Muli ko siyang dahan-dahan na niyakap. Hindi siya pumalag kaya inilagay ko ang ulo niya sa may dibdib ko.

"Grabe naman 'yun, ang iyakin mo pala. Tahan na ikaw." sabi ko.

"Nakaka-iyak kaya! Namatay si Hazel Grace. Ayokong mangyari sa akin 'yun." iyak pa niya.

"Bakit naman mangyayari sa'yo iyon? May sakit ka ba? May cancer ka rin?" tanong ko.

"Wala." sagot niya.

"Oh, eh di hindi mangyayari sa'yo 'yun. Sige na, baba na. Napapasarap ka." biro ko sa kaniya.

Napansin siguro niya na nakayakap ako sa kaniya. Bigla siyang tumahan at umayos ng upo.

"Bye. Thank you sa dress, sa shoes, sa movie at sa dinner. Ingat ka." sabi niya at bumaba ng kotse.

HAHAHA! Bakit ba siya nagagalit. Totoo naman ahh, napapasarap siya sa yakap ko. Ang huggable kasi niya. Chubby tapos ang liit na maputi, parang marshmallow.

Sinigurado ko muna na nakapasok na siya sa bahay nila bago ako umalis, mahirap na, baka mamaya tumakas 'to at makipagkita dun sa G.

-----

"Saan ka galing?" tanong ni Jethro pagdating ko sa Elite.

Elite, ito 'yung lugar ng Death Pool namin.
Nandito na ako ngayon sa isang kwarto kasama silang apat habang si Hans ay may laban.

"Wala." sagot ko.

"Sus! May date ka ano?" sabi ni Kyle.

"Wala! Sino namang idedate ko? Magfocus ng kayo sa laban. Ano na?" sabi ko.

Alam kong aasarin nila ako kapag nalaman nila. Kasi naman, nakaka-inis. Hindi pwedeng may ibang lalaki na kasama si Aria, ako lang, kasi ako ang master niya. Masaya rin naman pala siyang kasama, akala ko nman boring.

Pagkatapos ng laban ni Hans, naghanda na ako para sa laban ko. Malaki-laking pera nanaman 'to.

ARIA's POV

"Hi Mommy!" bati ko sa kaniya.

"Anak. Pwede ba tayong mag-usap?" sabi ni Mommy.

May problema ba?
Umupo ako sa sofa kung saan naka-upo si Mommy.

"Saan ka nanggaling?" tanong niya.

"Sa mall po. Nag-text po ako sa inyo, Ma. Hindi po ninyo natanggap?" tanong ko.

"Natanggap ko naman. Sino'ng kasama mo?" tanong ni Mommy.

"Si Gerard po 'yung classmate ko." bakit parang kinakabahan ako.

"Sino 'yun? Ano'ng ginawa ninyo sa mall?" mahinahon naman ang tanong ni Mommy sa akin pero kinakabahan pa rin ako.

"Classmate ko po 'yun, Mommy. Sinama niya lang po ako sa pag-shoshopping niya kasi may birthday party po siya na pupuntahan next week. Isasama niya raw po ako kasi wala siyang kasama."






Teka, bakit nga ba ako isasama nung lalaki na 'yun? For sure nandun ang Phantom Five at iba pang mayayaman sa school. Bakit kasama pa ako? Ngayon ko lang din naisip 'yun.






"Iyan ba ang mga pinamili ninyo?" tanong ni Mommy.

"Yes Mommy. Can I go to my room na po? Medyo inaantok na rin po ako eh." sabi ko at tumango si Mommy saka ako hinalikan sa noo at niyakap.

"I love you, My Princess!" sabi ni Mommy habang yakap-yakap ako.

"I love you too, Mommy!" sabi ko at niyakap din siya bago pumasok sa kwarto.






Ang weird sa pakiramdam or talagang pagod lang ako? Ay never mind.







GERARD's POV

Nakatitig si Aria ngayon sa mukha ko habang nagkla-klase ang teacher namin sa Math. First subject pa lang titig na titig na siya sa akin. Hindi ko siya tinitingnan, ang weird kaya, bakit ba siya naka---


"Ouch!" malakas kong sabi.

"Ay sorry." sabi niya habang humihingi ng pasensya sa akin at sa buong klase. Sandali siang tumingin sa amin pero nag resume din agad.

Baliw talaga itong marshmallow na 'to. Hinawakan ba naman 'yung pasa ko sa pisngi.








"Sorry." bulong niya. "Masakit ba talaga?" tanong niya.

"Hindi ba obvious?" hindi ko alam bakit ng hina ng boses ko kahit gustong gusto ko na siyang sigawan. Nakaka-inis eh.

"Ginamot mo ba ba 'yan? Tsk! Huwag ka na kasing sumali sa nga ganun. Baka mamaya mapaano ka pa run. Tingnan mo puro pasa ka na." sabi niya.








Worried siya?








"Oh, bakit ka naka-tingin ng ganiyan sa akin?" tanong niya kasi tinititigan ko siya. "Stop playing around. Bahala ka nga." sabi niya at tumingin sa teacher namin na nagdidiscuss.








Ngayon lang yata siya hindi nakinig sa teacher namin ahh. This time ako naman ang tumitig sa kaniya para mainis siya, pero sa halip na ganun ang mangyari, bakit parang ako ang naiinis sa sarili ko? Bakit bawat pagtitig ko sa kaniya may kakaibang bugso ng damdamin akong nararamdaman? Bumibilis ang tibok ng puso ko at hindi ko maialis sa mga mata ko ang mukha niya.








"What?" tanong niya sa akin at para akong bumalik sa classroom sa pagtitig sa kaniya.

"Ha?" tanong ko.

"Hoy, ano nanamang ginawa mo ha? Bakit ka nakatitig ha?" tanong niya at hinawak-hawakan pa ang mukha niya.

"Wala ha! OA nito, hindi ng kita pinapaki-alman diyan." sagot ko.

"Sus, Gerardo, ikaw ang tipo ng tao na gagawa at gagawa ng kalokohan." sagot niya.

"Ganun ba talaga ako?" tanong ko sa kaniya.

"Ha?" tanong niya habang nakaharap na ulit sa unahan at may kinokopya na notes.

"Ganun ba talaga ang pagkakakilala mo sa akin?" tanong ko.

"Alin 'yun?" tanong niya habang nagkokopya pa rin.

"Ako ba talaga 'yung tipo ng tao na gagawa at gagawa ng kasalanan? Tipong walang nagagawa na mabuti?" tanong ko.

"Ha? Mabait ka kaya, ang dami ko ngang freebies galing sa'yo eh." sagot niya habang nagkokopya pa rin.








Medyo natawa ako sa sinabi niya. At least, may isang tao na naniniwala at nakakakita na may mabuti akong ginagawa. Okay na 'yun, kesa sa wala. HA! Mukha akong timang, tumatawa ako ng palihim. Ano bang nangyayari sa akin? Nakakahawa na talaga ang kabaliwan ng babae na ito.

The Five Bad Boys and IWhere stories live. Discover now