Chapter 19

3.9K 118 14
                                    

GERARD's POV

June 20, 2014
Friday before Danielle's birthday

Sunod din naman siya sa akin eh.
Sinabihan ko kasi si Aria na huwag na siyang pumasok. Hindi ko alam kung ano'ng paraan ang ginawa niya pero mabilis siyang naka-punta rito. Akala ko pa naman aabutin ako ng syam-syam. Not bad. Buti naman, hindi niya ako pinaghintay.

-----
"ARE YOU OUT OF YOUR MIND?" malakas niyang tanong sa akin habang nasa loob kami ng boutique sa isang mall. Sila Danielle ang may-ari ng mall na ito. Sila Jethro naman ang may-ari nitong boutique.

"Ang ingay mo nakakahiya. Bahala ka na nga. Pumili ka na diyan ng mga gusto mong damit." sabi ko sa kaniya.



Tumingin siya sa akin saka tumingin sa mga damit. Iimik pa sana siya pero agad kong siningitan.

"I will pay for all the expenses basta sasama ka sa akin sa birthday party ng kaibigan ko." sabi ko.

Naupo na muna ako since may nag-aassist naman sa kaniya. Sa totoo lang kaya ko siya dinala rito para maiwasan niyang makipag-kita sa kung sino namanng G na 'yun. Pero siguradong hindi ako 'yun.

Ang daming kinuha nung sales lady na babagay kay Aria. Sa totoo lang, maganda naman siya pero parang may mali lang talaga sa kaniya. Hindi lang parang, marami talaga! Wahahaha!

Nakikinig lang ako ng music sa phone nang tumapat siya sa akin dala-dala ang mga damit. Tinanggal ko ang isang earphones ko at tiningnan siya.






"Oh?" tanong ko.

"Samahan mo ako, magfifit." sabi niya.







Tumayo ako at lumipat kami sa fitting area. Ang daming damit na sinusukat niya. Ina-assist naman siya nung sales lady. Tinitingnan ko bawat damit na sinusuot niya. Iba't ibang kulay. Iba't ibang style.








"Nope. Masyadong labas ang cleavage." sabi ko.





Tiningnan niya ako at tinakpan ang dibdib niya saka pumasok sa fitting room.

After 10 minutes, lumabas siya. Suot niya ang long gown na peach and white. Unti-unti akong napatingin sa kaniya. Naka-tayo siya sa platform at unti-unti kong nilapitan.

[Song Playing: Please Be Careful With My Heart]


dum
dum

dum
dum

dum
dum








Lumalakas ang tibok ng puso ko. Napako na rin ang tingin ko sa kaniya. Kakaiba ang itsura ngayon ni Aria. Ano 'tong nararamdaman ko? Bakit ganito sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko maalis ang mga mata ko sa pagtitig sa kaniya.





"Hm, okay. 'Yan na lang para terno tayo." sagot ko at agad na nag-punta ng counter para bayaran 'yung dress.


Nag-bihis si Aria at lumabas kami ng boutique. Dala-dala niya ang gown na binili namin. Ano pa bang kailangan niya? Teka, ano'ng oras na? Kailangan magkaroon ako ng dahilan para hindi siya makipagkita dun sa G na 'yun, kung sino man'yun.

Hindi ko alam, pero nairita ako nung nalaman 'yung note na 'yun. Sino ba 'yun? May nagkakagusto sa babae na 'to? Ke bago-bago may nagkaka-gusto agad sa kaniya. Sabi ko nga hindi naman siya ganun kaganda. Hindi siya 'yung ganda na mapapalingon pero kapag naayusan at natitigan, maganda rin naman siya. Simpleng simple lang kasi, walang mga kolorete sa mukha kaya siguro nakuha niya rin ang atensyon ko.


"Uy, Gerard, thank you ahh." sabi niya at ngumiti. Bakit ba siya ngumingiti sa akin? "Saan pa tayo?" tanong niya nang mapansin siguro na lakad lang kami ng lakad sa mall.

"Ano bang palabas ngayon?" tanong ko.

"Saan?" tanong niya.

"Sa sine." sagot ko.

"Sine? Mag-sisine tayo? Wala akong pera." tanong niya.


Hindi ko siya sinagot. Obvious ba? Akala ko ba matalino to? Pasunod-sunod lang siya sa akin hanggang sa makarating kami sa 4th floor. Nagtingin kami ng mga pwedeng panuorin. Wala naman talaga akong hilig sa mga ganito, kailangan ko lang talaga na maiiwas siyang makipagkita dun sa G na 'yun. Potek, sino ba kasi 'yun?


"Shocks! If I Stay or The Fault?" sabi niya.

"Ikaw bahala, anything would do." sagot ko.

"I can't decide. Huwag na kaya tayong manuod? Nagtitipid din kasi ako eh." sabi niya.

"Ako ang bahala. Ano? Ano'ng papanuorin natin?" tanong ko.

"Wait lang, I can't decide." sagot niya.

"Movie lang hindi ka pa makapag-decide? Paano na sa kakainin natin?" tanong ko.

"Fries... large. Iced tea, large din and corndogs. Oh, barbecue flavor sa fries. Thank you!" sagot niya habang naka-tingin sa movie schedule.

"Bibili lang akong pagkain natin, bumili kang ticket." sabi ko at binigyan siya ng one thousand pesos.


Tumango siya at umalis na ako papunta sa bilihan ng pagkain. Mayamaya ay nasa tabi ko na siya at may dalang ticket. Ibinalik niya sa akin ang sukli at kinuha ang pagkain niya sa akin.


"Shocks! Hihihi!" sabi niya at tuwang tuwa na naka-ngiti habang naka-tingin sa corndog niya.

"Para kang bata." sagot ko at nag-smirk. Cute.


Nag-pout siya at saka kumain ng corndog. Hahaha! Para talaga siyang bata. Ang tambok pa ng pisngi niya. Pagpasok sa sinehan agad kaming pwumesto sa medyo dulo, para maayos naming mapanuod 'yung movie. The Fault in Our Stars ang title. Kwinekwento ni Aria na nabasa na niya 'yung book, saka iyong isang movie na pinamimilian niya kanina. Gusto niya raw itong mapanuod para makita kung talagang nasunod 'yung sa book.


"Gusto mo?" alok ko sa kaniya ng cheese pop corn.

"Thank you!" sagot niya. Kumuha siya at kumain.


Nag-simula na ang movie. May commercial pa na horror movie at kita kong nakapikit si Aria. Takot siya? Hahaha! Ang cute!


"Hoy!" sabi ko sa kaniya at kitang kita ang gulat sa reaction niya kaya ako natawa.

"Baliw ka?" tanong niya at inirapan ako.


Natatawa talaga ako sa reaction niya. Takot pala siya sa mga horror films ah. Mayamaya ay nagsimula na talaga ang movie. Tahimik lang kami na nanunuod ng movie, medyo hindi ko bet kasi Young Adult Fiction saka hindi talaga ako palanuod ng movie. Nag-open ako ng phone para i-check kung may message na sila sa akin.


Hans Christian Andersen Catly
Young Master, san ka na?

Jethro Gutierrez
Nandito na kami sa Elite.

Kyle Martin
Coming ugh!

Gerard de Guzman
Wait ninyo ako d'yan.

Hans Christian Andersen Catly
Saan ka ba?

Gerard de Guzman
Basta.


Ni-lock ko ang cellphone ko at inilagay sa bulsa. Tumatawag kasi si Hans, ayoko na malaman nila magkasama kami ni Aria, baka kung ano pa ang isipin nila. 'Pag tingin ko sa katabi ko, kinakain na niya iyong popcorn na binili ko habang titig na titig sa pinapanuod niya.

Medyo kinukusot niya ang balat niya. Nilalamig ba siya? Kung sabagay, medyo malamig nga dito sa pwesto namin. Dahan-dahan kong inilagay ang kamay ko sa likuran ng upuan niya at dahan-dahan na inakbayan siya. Pinakikiramdaman ko siya pero wala siyang reaksyon.

The Five Bad Boys and IWhere stories live. Discover now