Chapter 52

2.7K 80 0
                                    

First week ng December at next week Third Periodical Exams na. Grabe! Medyo nakaka-lugaw ng utak ang Ber months na ito. Halos magkasunod ang periodical exams at entrance exams. Sobrang daming requirements na ipapasa para sa output namin lalo na sa Physics at Advanced Chemistry.

Medyo malamig na ang panahon at panay pa ang ulan at bagyo. Ito ang unang beses na makikita ko ulit si Gerard, matapos ang lahat ng pangyayari. Hindi ako nagtatanong kay Hans, hindi rin naman siya nag-kwekwento.

Isang gabi, nasa kusina kami ni Hans para mag-review. Kahit papaano nahahatak ko siya na mag-aral kaya natutuwa ako.

"Aria, paturo nga." sabi ni Hans sa akin at ibinigay ang notebook niya sa Calculus.

"Ahh. Ganito lang 'yan..."

Taimtim na nakikinig si Hans sa akin. Mayamaya pa ay na-gets na niya ang pinag-aaralan.

"Ang talino mo noh." sabi niya.

"Huy hindi naman. Masipag lang." sagot ko.

"Asus pa-humble ka pa. Totoo naman." sabi ni Hans at tumawa.

Sinamahan niya akong magpuyat habang gumagawa ng Physics portfolio namin. Individual pero nagpatulong si Hans sa akin dahil wala siyang portfolio ni isang activity. Pasalamat na lang talaga at minsan kung saan-saan niya inilalagay ang gamit niya kaya natatabi ang ilang activities, pero kung hindi baka walang maipasa si Hans.

Nag-third periodical exams. Nagkikita kami ni Gerard pero pinipilit ko na ibaling ang focus sa exams. Mahirap, masakit na makita siya na kasama si Cassandra lalo pa at mukhang nagkaka-mabutihan na talaga sila. We made our choice. At ito ang tama.

Excited na ang lahat para sa Paskuhan 2014. Biggest event iyon sa school dahil may malakihang activities at kaniya-kaniyang Christmas party sa classrooms. Sa gabi naman ay mayroong Christmas concert at sisindihan na rin ang giant Christmas Tree sa school grounds.

Hindi na kami umuwi ni Hans kahit half-day lang naman iyong Christmas Party. Sa bahay nila Kyle kami tumambay kasi gusto ng Mama ni Kyle na doon na lang daw kami kesa kung saan-saan pa magtatambay. Nalaman ko na graduate pala ng Pharmacist si Ate Kendra at Medical Technologist naman si Kuya Kai dito sa Pilipinas. Pero dahil hindi naman iyon ang gusto talaga nila kaya nang makapunta sa abroad ay ginawa ang pangarap. Si Kim naman na kakambal ni Kyle ay balak mag-law. Ngayon ko rin lang napansin ang maraming diploma, medals at certificates na naka-display sa pader pag-akyat ng hagdan tapos may malaking malaking family picture sila doon.

"Hindi talaga ako makapaniwala na may kakambal ka." sabi ko kay Kyle habang naglalaro sila nila Hans, Jethro at Kim ng PS4.

"Sadly, may kahati ako sa kagwapuhan ko." sabi ni Kyle at saka tumawa silang kambal.

"Woah! Nakita na ninyo ito?" sabi ni Jethro at may ipinakita doon sa tatlo.

Nagbulungan pa sila at nag-ngingitian. Ayoko maki-usyoso baka mamaya kung ano'ng porno pa iyang pinaghahatian nilang apat.

Five pm bumalik kaming lahat sa school at kasama namin si Kim. As usual wala si Gerard at Cassandra. Ayokong magtanong at ayoko silang hanapin.

Naka-pila kami sa gate habang kinukuhanan ng ticket nang biglang may malamig na boses na bumulong mula sa likuran ko.

"Hi Aria." agad akong napa-tingin sa pamilyar na boses na iyon.

"Ivan." halos matigilan ako ng makita siya. Totoo ba ito? Nasa harap ko na ulit siya?

Ngumiti ako at ganun din siya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na yakapin siya. Niyakap din ako ni Ivan ng sobrang higpit. Halos buhatin na niya ako.

"I miss you." bulong niya sa akin.

The Five Bad Boys and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon