Chapter 10

4.5K 162 19
                                    

Hindi na ako umimik at ibinaba na yung call. Naramdaman ko ang pag-patak ng luha ko sa kanang mata ko. Bakit ako naluluha? Huminga ako ng malalim at saka bumuntong hininga. Dinama ko ang bawat hangin na pumapasok sa ilong ko. Payapa, maayos, masarap sa pakiramdam.




"Ilabas mo lang lahat. Nature has its own way of healing." may bigla na lang nag-salita mula sa likuran ko.

"What are you doing here?" You want me dead, remember?

"Come with me. Iuuwi na kita." sagot ni Ivan.

"No. I can go home alone." sagot ko.

"Huwag nang matigas ang ulo. Please."




Nagulat ako at hindi naka-kibo nang bigla niya akong yakapin. What the heck did he do? We stayed like that for seconds, a minute? I don't know. Nawalan ako ng sense of time. Oarang gusto ko siyang yakapin pabalik pero may humihila sa akin na huwag. Nakakahiya kaya!





"Ivan put me down! Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko nang bigla niya akong buhatin na tila nagbubuhat ng isang sakong bigas.





Hindi siya nakikinig at dirediretso lang na naglalakad. Ibinaba niya ako sa passenger's seat at nilagyan ng seatbelt. Tunitig siya sa mga mata ko. I can breath the air he is exhaling. Ganito kalapit ang mukha namin sa isa't isa. Iniwas ko ang tingin ko nang mapansin na sobrang lapit na niya. Wala na akong maatrasan. Napakapit pa ako sa upuan ko dahil sa sobrang kaba. I heard him chuckled. So ano? Pinagtritripan niya rin ako? Akala ko pa naman mabait din siya. Tsk!

Ang sabi niya ay iuuwi niya ako pero hindi naman siya nag-tanong ng direksyon sa akin pauwi sa bahay. Hindi ko alam saan kami pupunta, ang alam ko lang masarap 'yung hangin na humahampas sa mukha ko galing sa dagat. Napakapayapa sa lugar na ito, parang ayoko na tuloy bumalik sa bayan sa sobrang crowded at puro buildings pa. Saglit, nakalimutan ko ang problema ko. Nalimutan ko ang away namin ni Gerard, ang mga nangyari.

Pero hindi ko maintindihan ang isang ito. He seems concerned now kesa noong nangyar kagabi. Nag flashback tuloy sa utak ko kung paano niya sinabi na patayin nila ako kung gusto nila. It still gives me chills. Yes, I miss my Dad pero ayoko pang mamatay. Marami pa akong gustong gawin. Kagabi, I prayed so hard, hindi ko alam kung guardian angel ba itong ipinadala ni Lord or just a guardian. I wanted to ask him kaso sobrang awkward ng sitwasyon hindi ko magawa.

Nang malapit na sa City Proper, ipinasok ko ang ulo ko sa loob ng kotse at isinara ang bintana. Medyo nilaksan ni Ivan ang aircon at tahimik lang siya na nagdra-drive. Walang umiimik sa aming dalawa. Naka-tingin lang siya sa kalsada at ako naman at naka-tingin pa rin sa may bintana. Mayamaya pa ay tumigil kami sa tapat ng isang convinience store.

Bumaba si Ivan, hindi ko alam kung bababa rin ako kasi wala ako sa mood. Tatanungin ko sana siya kung pasaan siya pero ang bilis niyang kumilos, taliwas sa sobrang hindin at tahimik niyang personality. Ang hirap ding basahin ng tao na 'to eh, pero cute siya at saka magaling talagang mag-violin.

Pinagmasdan ko siya sa paglalakad papasok sa convinience store. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at nakita ang isang daang missed calls mula kay Gerard. Why is he calling me? Hindi ko alam kung gusto ko siyang maka-usap. Sobrang bayolente niya. Inaamin ko na medyo natakot ako. Sino ba naman ang hindi natatakot? I have seen him punching big guys sa arena, almost killing people without conscience. Sino ba ang hindi matatakot sa ganun? Sinara ko na lang ang phone ko at sumandal sa upuan habang hinihintay si Ivan.






GERARD's POV

Ugh! Bakit ba hindi sumasagot ang babae na 'yun? Kanina pa ako tawag ng tawag sa kaniya hindi siya sumasagot.

"Hey, hey, hey, Young Master, kanina ka pa diyan badtrip." sabi ni Kyle habang naglalaro silang tatlo ng poker.

"Nilayasan kasi siya ng chicks." biro ni Jethro.

"Iyon, chicks?" sabi naman ni Hans at nag-smirk.

"Shut up! Just play! Naiirita ako!" sabi ko sa kanila.

"Ha! Concern ka kay Aria ano?" sabi ni Kyle at tumingin siya sa akin.

"Concern? Bakit naman ako magkaka-concern sa babae na 'yun? Matapos niya akong tapunan ng cupcake sa sapatos at sungit-sungitan." sagot ko.

"Eh bakit ka nagkaka-ganyan? Hindi ka naman ganiyan dati." sabi pa ni Kyle.

"Ano'ng ganiyan?" tanong ko.

"Tuliro." sagot niya sabay tawa nilang tatlo.

"May nahanap nang ka-match si Young Master. Finally! May puso na si Young Master!" masayang sabi ni Kyle. "Ngayon ka lang nagka-ganyan, nang dahil sa babae." dagdag pa niya.






Mga bwisit! Ang gagaling mang-asar!
Hindi ko sila pinansin at sa halip ay umalis ako ng bahay at nag-drive. Saan nga ba ang bahay ng mga 'yun? Baka naman umuwi na 'yun. Mag-aalas siete na ng gabi, kaya siguro naman nga naka-uwi na 'yun. Pero paano ko malalaman ang bahay nung babae na 'yun? Nakaka-inis naman!

Nag-drive lang ako ng nag-drive. Nakaka-inis, ni address niya hindi ko alam. Taga-saan nga ba 'yun? Nalimutan ko na kasi 'yung cellphone number niya ang sinaulo ko galing dun sa profile niya na bigay ng SSG. Ayoko naman tawagan ni isa sa apat na 'yun, baka mamaya kung ano pa ang isipin nila.

Hindi ko rin alam sa sarili ko eh, kahit ako naguguluhan. Hindi ko alam kung bakit uminit agad ang ulo ko nang malaman 'yung sinabi ni Ivan. Nagkasagutan pa kami dahil pinabayaan ko raw si Aria. Pinabayaan? Umalis siya ng kaniya. Hindi niya ako hinintay. Eh kung hinintay niya ako, ihahatid ko naman siya. Hindi siya naka-hintay na matapos ang laro namin kaya nangyari sa kaniya 'yun.

Pero naaalala ko talaga ang takot na itsura niya kanina. More than that, may pagkamuhi rin akong nakita sa mukha niya. Is she mad at me? Galit siya kasi ipinag-higanti ko siya? Ang labo! Siya na nga itong ipinagtatanggol ko, siya pa ang galit.

The Five Bad Boys and IWhere stories live. Discover now