Chapter 55

3.3K 94 2
                                    

ARIA's POV

Noong nasa venue na kami, inalalayan ako ni Hans sa paglalakad. Alam niyang hindi ako sanay ng naka-heels. Ang taas pa naman nitong binili ni Mommy sa akin. Wala naman talaga akong balak umattend ng prom. Nagkataon lang na napilit ako nila Mommt at ni Hans. Speaking of Hans, tinuturuan pa niya ako na huwag daw kumuba at smile lang. Two sections lang per year level kaya medyo marami rin ang naandito.

Pag-pasok namin ni Hans agad kong hinanap iyong tatlo at siya ay naman kinontak sila Kyle.

"Aria!" may tumawag sa pangalan ko. Pag-lingon ko si Colleen pala.

"Wow you really look gorgeous!" sabi ko sa kaniya at ngumiti siya sa amin ni Hans.

"Total transformation naman iyong sa'yo girl!" sabi ni Colleen sa akin.

Naka-white dress na parang mga damit nang nasa Greek Mythology si Colleen. Tapos may gold na linings sa may leeg para pa empasize at magkaroon ng volume. Kulot ang buhok niya na medyo maliit pero maninipis at naka-flower crown siya ng gold. Ang ganda niya kahit sa simpleng effort niya lang.

Si Colleen kasi ang nasa registration area. More like, attendance area kasama ang isa pang SSG Officer na second year.

Mayamaya pa dumating na iyong dalawa. Akala namin late na kami, mas late pala iyong dalawa. Agad silang pinag-tinginan ng mga tao. Naka-maroon na tux si Jethro at naka-grey naman si Kyle. Todo picture at kaniya-kaniyang tilian ang mga girls at gays habang naglalakad sila papunta sa table kung nasaan kami ni Hans. Bago pa man makarating ang dalawa sa amin ang dami nang nakapagpa-picture sa kanila.

"Ang taas ng araw ah." biro ni Hans kay Jethro kasi naka-vintage sunglasses pa siya.

Hinubad niya ang sunglasses na suot dahilan para mawala sa wisyo ang mga kababaihan at kabaklaan. Maya't maya ay may nalapit sa kanila para magpa-picture lalo na kay Jethro.

Nag-simula na ang program proper. Nag-dasal, nag-flag ceremony at saka pa nag-speech ang aming principal.

"The dance floor is now open." announce ng principal namin sa dulo ng speech niya.

Agad tumayo ang dalawa at may naisayaw na sila kaagad. Ako at si Hans naman naka-upo pa rin. Mukhang walang kabalak-balak ang isang ito.

"Huwag mo na siyang hanapin." sabi ni Hans sa akin. "He might not come." dagdag pa niya.

"Ha?" napalingon ako sa kaniya. Obvious ba na hinahanap ko si Gerard?

"Last Saturday, nag-announce ang parents ni Gerard about his inheritance. Ililipat na sa kaniya ang inheritance since magpapakasal na sila ni Cassandra. May kasulatan na sila." paliwanag ni Hans. "I wanted to tell you kaso hindi ko alam kung paano. Alam kong busy ka sa Harvard application mo at gusto ko na mag-focus ka doon kaya hindi ko sinabi kaagad sa iyo." sabi niya.

Tumango ako kay Hans.

"He is in US, itinu-turn over sa kaniya ang lahat ng properties nila doon." sabi pa ni Hans.

Hindi ako umimik at tumango lang ulit sa kaniya.

Play Music---> Can I Have This Dance

"Can I?"

Inilahad ni Hans ang kamay niya sa akin. Kumapit ako sa kamay niya at ngumiti. Tumayo ako at inalalayan niya papunta sa gitna. May mga balloons na naka-kalat sa sahig kaya pinong-pino ang galaw ko. Baka kasi may maapakan ako at pumutok pa.

"You really look beautiful tonight." sabi ni Hans sa akin habang naka-tingin sa mga mata ko.

"Tonight lang?" biro ko.

"Alaways. Every second." ngumiti kami sa isa't isa. "Paano ba iyan, malapit na tayong grumaduate, mag-aaral ka na sa abroad." sabi ni Hans.

"Kinakabahan ako sa totoo lang. Parang na-ooverwhelm ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko sa abroad lalo na kung mag-isa lang ako. Parang iniisip ko ngayon nagkakaron ako ng anxieties." sagot ko.

"Hey! Hey! Look at me." sabi ni Hans at iniharap ang tingin ko sa kaniya. "You can achieve whatever you wanted. Okay?" sabi niya at ngumiti sa akin. "Sounds familiar?" sabi niya.

"Thank you!" sabi ko.

"Pero sa totoo lang noong nag-email ang Harvard, masaya ako kasi pangarap mo iyon pero at the same time parang nakaramdam ako ng lungkot." sabi ni Hans.

"Ha? Bakit naman?" tanong ko.

"Kasi siguro nasanay ako na palagi kang naandiyan. Konting problema ko lang dumadating ka agad. Ikaw palagi ang kakampi ko. Kaya kapag nawala ka parang ang hirap." sabi ni Hans.

"Alam mo pwede naman kayong pumunta ng Boston, hindi ba?" sabi ko.

"Oo nga. Pero syempre iba pa rin iyong palagi kang naandito. Mamimiss talaga kita." sabi ni Hans.

Natapos ang kanta na nasa ganoongbposisyon lang kami. After ng kanta isinayaw naman ako nila Kyle at Jethro pati na rin ng iba naming kaklase na lalaki. Ganon din si Will na boyfriend ni George, kaklase niya si William.

Kinahulihan ng JS Prom, Discovery of the Night ang nakuha kong award at sila Colleen at si Hans naman ang naging King and Queen JS Prom. Nag-sayaw silang dalawa sa gitna.

Matapos nilang mag-sayaw. Agad na lumapit si Scarlet kay Colleen at kinuha ang korona niya at sash para mag-picture na siya ang naging Prom Queen. As a Queen Bee, medyo sampal iyon kay Scarlet na kaibigan niya ang naging Prom Queen at hindi siya. Naka-dress siyang pula at fitted sa kaniya kaya shape na shape ang sexy na hubog ng katawan niya. Nilapitan sila agad ni Hans.

"I believe that belongs to someone." sabi ni Hans at agad ibinalik ni Scarlet ang korona at sash kay Colleen.

"Miss me?" tanong ni Scarlet kay Hans habang nasa likod ako ni Hans.

Hindi siya pinansin ni Hans at naglakad na palayo. Ngumiti ako kay Colleen and mouthed Congratulations!

The Five Bad Boys and IWhere stories live. Discover now