Chapter 2

7.2K 209 10
                                    

Feeling ko wala akong magiging kaibigan sa school na ito. Parang lahat sila galit sa akin dahil mukhang ako lang ang may kayang gawin ng mga nagawa ko kanina.
Una, ang bastos niya. Pangalawa, nasa mali siya. I really can't stand his rudeness. Porke't siya ang may-ari ng school pwede na ba niyang tapak-tapakan kaming lahat? No! This school belongs to his family, hindi sa kaniya. Wala siyang sariling pera niya kaya huwag siyang mayabang. Hindi sa kaniya ang yaman niya.

"Hey, Aria Santiago, right?" tanong nung babae na mahaba at kulot ang buhok. Medyo matangkad siya, maputi, makinis at sexy. Hubog na hubog ang katawan niya sa uniporme namin. "Can I sit here with you?" tanong niya.

"Sure." sagot ko at naka-tingin ako sa kaniya.

Ipinatong niya ang tray na hawak niya sa table. May lamang orange juice na nasa glass at sadwich na punong puno ng laman. Kinuha niya ang juice at uminom.

"I'm Colleen." pagpapakilala niya sa akin at nakipag-shake hands siya sa akin.

"Hi." sagot ko habang kumakain ng spaghetti for recess.

"Nakita ko iyong nangyari kanina and nakita ko nang ganito ang mangyayari sa'yo. And I think, wala ka pang friends dito." sabi niya sa akin.

"Wala pa." mahina kong sagot at ngumiti siya sa akin.

"It's okay. Ganito talaga dito sa school na ito. Akala nila empire nila ito. Puro payamanan saka payabangan dito." sabi ni Colleen sa akin.

"Sino ba kasi iyong mga lalaki na 'yun?" tanong ko sa kaniya habang kumakain kami.

"Sila?" turo ni Colleen at pinapababa ko ang daliri niya, baka ma-trouble nanaman ako eh. "They are called the Phantom Five."

"Phantom Five? What kind of name is that? Is that a joke?" natatawa kong tanong kay Colleen.

"Nope." natatawa ring sagot ni Colleen. "Kilala silang lima sa buong school at ganon din sa buong Province kasi may kaniya-kaniya silang expertise. Mukha silang mga gangster at mobster but believe me, they are great guys. They have the skills."

"Really?" tanong ko.

"Yup. That guy sitting at the table with a cute smile is called Kyle Martin. His family owns the largest and most prestigious hospital in the world. Remember when it was featured at Forbes?"

"San Lucas Medical Center?" gulat kong tanong.

"Yup. He came from a family of doctors and lawyers. May ari rin sila ng Thomas More Law Firm. The biggest law firm in the country." kwento ni Colleen. "Kaya naman, hindi mo siya masisisi kung bakit napaka-talino niya. Marami na siyang nasalihan na competition, national and international. Field ng Science, Math and Journalism. He is the class Valedictorian, so if gusto mo na maging Valedictorian, kilala mo na kung sino ang makaka-laban mo." sabi ni Colleen. "Ikaw ang top one dati dun sa Academy di ba?"

"Oo. Ako nga." medyo natatawa kong sagot.

"Kyle has 200 IQ Score. So, talagang gifted ang utak niya."

"200?" gulat kong tanong at tumango siya.






Samantalang ako nasa 150 lang yata ang IQ score ko. Paano ko tatalunin ang 200 ang IQ? Grabe namang talino nitong si Kyle.







"Samahan pa ng cute smile at mabait na pag-uugali, kaya ang daming nagkaka-gusto sa kaniya." sabi ni Colleen. "That is Jethro Gutierrez, ayun, iyong naka-upo sa kabilang side ng table. The ultimate playboy on the group." sabi ni Colleen. "He came from the family of Architects, Designers and Engineers. If si Kyle ay may utak sa academics, Jethro has the brain for arts.  He won several awards sa buong Asia, like sa pottery making. Iyong mga paintings niya mga matataas na opisyales at mga sikat na tao ang bumibili. He onced organized an auction para sa mga nasalanta ng lindol sa Haiti. Nagpa-auction siya ng paintings, sculptures at potteries niyang gawa. Nakapag-donate siya sa Haiti government ng halos $75,000.00 plus mayroon pa siyang mga relief goods na ipinamigay. Siya mismo ang nag-bigay doon. Sikat na fashion designer ang Nanay ni Jethro, si Ms. Cecile Gutierrez at sikat na Architect ang Tatay niya."

"Amando Gutierrez." sagot ko.

"Right." sagot ni Colleen na naka-ngiti. "Kaya maraming naaakit na girls."

"Woah. He is really something. E grabe naman pala ang profile nila eh."

"Yeah. I told you, hindi sila basta-basta."

"Teka, hindi ba lima sila kung Phantom Five? Bakit apat lang sila?"

"Oh, Ivan is missing. Ivan Vladimr. Kung si Jethro ay nanggaling sa pamilya ng artists, si Ivan naman ay sa pamilya ng musicians. But tragically, his parents died on a plane crash noong Grade 3 kami. Simula noon naging tahimik na siya, hindi na naging palakaibigan at palagi lang nagmumukmok. Sila Kyle lang ang kaibigan niya. Palagi lang siyang tumutugtog ng violin o kaya piano. Parehas na nasa orchestra ang parents ni Ivan, noong mamatay sila, grandparents na ni Ivan ang nagpa-laki sa kaniya. His grandfather is the former president, Jacinto Valenzuela."

"For real? Lolo niya ang dating presidente? Wow!"

"Yup. Sobrang tahimik ni Ivan, sila-sila lang ang nakakapakinig ng boses niya."








Ano kayang itsura niya? Kawawa naman pala siya kung ganun.







"That guy na naka-upo at may suot na varsity jacket na black is Hans Catly. Captain ball ng SBH. Maraming girls ang nagkaka-gusto sa kaniya dahil nga sa athletic style niya, pati pangangatawan niya. I kind of like him too." sabi ni Colleen.

"Crush mo siya?" tanong ko.

"Sssh, yeah. Wag kang maingay. Oo, crush ko si Hans. Pero secret lang natin ha. Nakakahiya kasi baka may maka-alam."

"Eh ano naman if malaman nila? Hindi ba marami naman talagang nagkaka-gusto sa kanila? So, hindi naman siguro big deal if may crush ka sa kanila?"








Kind of big deal, nagkaka-crush siya sa isang bully.








"It is big deal, for me." sabi ni Colleen. "You see." sabi niya at tumingin sa direksyon nila.







Nakita ko na may lumapit na babae kay Hans at biglang humalik sa pisngi niya.







"That's Scarlet." mahinang sabi ni Colleen at parang malungkot.

"His girlfriend?" tanong ko.

"Yeah. Kind of." kitang kita ko ang lungkot sa kaniya habang tinitingnan ang taong gusto niya kasama ang mahal niya. I touched her hand at napa-tingin siya sa akin kaya bumitaw ako.

"Colleen, honestly, I think you are nice and you are beautiful. Maganda ka at mabait. Hindi ka mahihirapang maka-hanap ng mag-mamahal sa iyo." sabi ko.

"Really? Thanks." sagot niya. "And yes, of course, si Gerard de Guzman."

"Iyon lang? Wala nang introduction sa kaniya? Huh, sabi na nga ba he is no good." sabi ko kay Colleen.

"Gusto kong ikaw mismo ang maka-discover ng lahat sa kaniya. Ayokong mag-salita eh." sabi ni Colleen.








Tumango na lang at at nag-akward smile. Hindi ko naman kasi naintindihan ang sinabi niya. Pagka-tapos niyang kumain ay tumayo siya at muling kumamay sa akin.








"I am Colleen Garcia. Not related to Mr. Garcia." natatawa niyang sabi. "You can approach me anytime you want. See you, later." sabi niya at saka umalis.








Sinundan ko ng tingin si Colleen. Nakita ko na lumapit siya kay Scarlet. Wait. Friends sila? Bakit parang ang saya-saya pa ni Colleen kasama si Scarlet? Wait, is this a trap?

The Five Bad Boys and IWhere stories live. Discover now