Chapter 46

2.9K 98 8
                                    

HANS' POV

"May we also request the presence of his beloved mother for a very special announcement."

Nandito kami ngayong tatlo sa birthday party ni Gerard habang kasama sa table sila Kim at Kuya Kai.

"Good evening everyone. Thank you for coming to this very special night." sabi ni Tita. "I would like to call on Ms. Cassandra Montenegro here on stage."

Iba ang kutob ko sa birthday party na ito. Nagsimula na rin magbulong-bulungan ang mga tao.

"Hans, si Aria ba 'yun?" tanong ni Jethro sa akin.

"Nasaan?" tanong ko at sinundan ko ng tingin ang itinuturo niya.

Nasa likuran si Aria kasama ng mga crew ng catering service pero naka-hoody at pants siya at nasa dulo. Akala ko ba hindi siya pupunta? Shit! Hindi ko alam ang gagawin. Umaakyat na si Cassandra sa stage.

"Brod, teka lang ah." sabi ko sa kanila.

Pagtayo ko, marahan akong nag-lakad papalapit kay Aria pero agad akong natigilan nang biglang lumapit si Ate Gaile sa kaniya. Naka-ngiti si Aria at ganon din si Ate Gaile at saka sila tumingin sa stage.

"My son, Gerard, is now engaged to Ms. Cassandra Montenegro and I want to invite all of you to their wedding on June."

Sa malakas na palakpakan ng mga tao agad kong tiningnan si Aria. Wala na siya sa pwesto niya. Wala na rin si Ate Gaile kaya mabilis akong tumakbo palabas sa kung saan siya lumabas.

"Aria! Wait!" sigaw ni Ate Gaile.

Tumigil si Ate Gaile sa pagtakbo nang hindi na niya mahabol si Aria dahil sa naka-heels siya. Pagtingin niya sa likod ay nagulat siya na naandoon ako. Walang sabi-sabi akong tumakbo para habulin si Aria. Hindi ko na siya makita kaya kinuha ko ang sasakyan ko at agad na nag-drive para hanapin siya. Aria, nasaan ka na ba? Bakit ka pumuntang mag-isa? Nagkita kaya sila? Urgh! Naiirita ako. I tried to call her pero hindi siya sumasagot pero nag-riring. Saan ko hahanapin si Aria? Paano?

*phone ringing*

"Hello." agad kong sinagot ng tawag ni Jethro.

"Brod nasaan ka? Hinahanap ka nila Tita?" sabi ni Jethro.

"Pauwi na. May emergency. Tawag na lang ako, nagdradrive pa ako. Sige na." sagot ko.

"Sige. Mag-iingat ka." at pinatay na ni Jethro ang tawag.

Halos twenty minutes ko rin siyang hinanap dahil ultimong mga eskinita ay hinahanapan ko na, pero wala. Lahat ng convinience store na bukas pinasok ko, pero wala. Gusto kong ikalma ang sarili ko, pero paano? Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kaniya. Nagdesisyon ako na umuwi ng bahay.

"Kuya nakita ba ninyo si Aria? Iyong kasama ko sa bahay." sabi ko sa guard.

"Ahh. Opo, Sir. Si Ms. Santiago po? Naka-taxi po siya eh. Ayon po oh." sabi ng guard on duty. Tiningnan ko ang itinuturo niya at bago pa makaliko ang taxi ay nagpasalamat ako sa gwardya at agad na sinundan iyon.

Tumigil sa tapat ng bahay at lumabas si Aria. Agad akong bumaba ng sasakyan at mabilis siyang niyakap. Gulat na gulat ang reaksyon niya.

"Nakaka-inis ka! Akala ko ba hindi ka pupunta? Akala ko ba ayaw mo? Pero bakit naandoon ka?" lalong lumaki ang mga mata niya at gulat na gulat dahil nalaman kong pumunta siya. "Nakaka-inis si Gerard, ni wala man lang siyang nagawa o nasabi. Puppet na ba siya? Nakaka-inis silang lahat!" sigaw ko.

Hindi kumikibo o umiimik si Aria. Napa-iwas siya sa akin ng sumigaw ako, baka natakot ko siya. Agad ko siyang niyakap bago pa man niya makita ang pagtulo ng mga luha ko.

"Nakaka-inis sila." sabi ko sa kaniya habang yakap siya. Ramdam ko ang mga luha niya sa suot kong long sleeves.

Nakaka-inis sila dahil napaka-insensitive nila sa feelings ni Aria. Nakaka-inis ang sitwasyon dahil sinasaktan si Aria pero mas naiinis ako sa sarili ko para maramdaman ang ganito.

ARIA's POV

[ Play the song Sad Beautiful Tragic ]

Love requires sacrifice. Gasgas na pero totoo. Masakit din para sa akin na lumayo pero iyon ang dapat. We live in different worlds. It was like we met in our dreams, but now we have to go back in our real worlds. Masakit man, pero kailangang tanggapin na hanggang dito na nga lang talaga ang love story natin.

First day of classes after sem-break, absent si Gerard. Buong sembreak ko siyang hindi kinaka-usap. Ayoko ring makinig sa mga ikwekwento ni Hans pero nag-aalala ako kasi baka kung ano na naman ang ginagawa niya. Parehas sila ni Cassandra na wala, hindi ko alam kung ano ang meron. Pinipigilan ko ang sarili ko na malaman.

"Mrs. de Guzman okay ka lang ba?" tanong ni Kyle sa akin habang nasa classroom kami.

"Huh?" wala nanaman ako sa sarili ko.

"Kanina ka pa tulala saka pugto ang mga mata. Hindi pa rin ba kayo nag-uusap?" tanong pa niya.

Binigyan ko lang siya ng isang weak smile at iniiwasan ko ang mga tingin niya.

"Nakaka panibago ka, ang tahimik mo." sabi ni Kyle.

"Natural na naman akong tahimik ah." sagot ko at pinipilit na maging natural ang mga kikos at pag-sasalita.

"Yeah, we know pero para kang kinagat ng ipis." komento pa ni Kyle.

"Wala ito bak puyat lang ako para sa entrance exams. Malapit na kasi eh." pinipilit kong ngumiti kahit na nanginginig na ang luha ko sa gilid ng mga mata ko. "Miss, may I go out?" sabi ko sa techer namin at dumiretso sa CR para iiyak ang lahat.

Heto nanaman ang luha kong tumutulo. Naaalala ko pa rin ang mga nangyari noong gani ng birthday niya. Naalala ko rin ilyong mga panahon na kami pa at masaya. Mga panahon na niyayakap pa niya ako at sinasabihan ng babyloves. Corny pero kinikilig ako sa ruwing sasabihan niya ako nun dahil alam ko sa sarili ko na mahal ako ni Gerard. Yung mga mata niyang nangungusap, lahat sa kanya na mi-miss ko pati ang amoy niya.

"Aria?"isang boses ang napakinggan ko mula sa labas ng CR.

"Hans?" tawag ko.

"Nasaan ka? Anong cubicle ka? Okay ka lang ba?" tanong ni Hans sa akin.

"Oo okay lang ako." pa singhot-singhot ako at pinipilit na tumahan.

"Buksan mo 'to." kumatok siya at binuksan ko ang pinto ng cubicle.

"Tahan na." niyakap ako ni Hans at hinaplos-haplos ang buhok ko.

Sobrang naninikip ang dibdib ko. Parang may naipit na ugat, sa sobrang sakit. Parang pinipiga ang puso ko. Lumipas ang tatlong araw. Nagkita na kami ni Gerard. Halata pa rin ang pamumugto ng mga mata ko. Tuwing magkaka-salubong kami, umiiwas lang ako agad sa kaniya.

The Five Bad Boys and IWhere stories live. Discover now