Chapter 8

4.6K 157 14
                                    

Why I didn't think about it? Of course gagawa at gagawa siya ng paraan para lang mapahirapan ako. Wala na akong magagawa, he bought me on that neophyte. Hindi ba pwedeng umapela? According to Curt and George, no. I'm sure there are ground rules here kaya noong recess pumunta ako sa SSG Office.






"Aria? What are you doing here? Do you have any concerns?" tanong ni Colleen.

"Hi. Hmmm, dito ka?" tanong ko and she smiled.

"I am the external Vice-President of SSG. What can we do for you?" tanong niya.

"Hmmm, about sa neophyte. Hindi ba pwedeng mag-back out dun?" tanong ko and she smiled again.

"Hindi ka ba masaya about that?" tanong ni Colleeen.







Hindi ako umimik and I guess she knew what is happening. Of course she knew. Ako ba naman ang sigawan kanina ni Gerard ng 'you're mine.' Nakaka-kilabot talaga. Sino ba naman ang hindi makaka-alam nun ang dami kaya niyang CCTV everywhere; para siyang celebrity sa school na 'to.






"Right. Hmmm, here are the rules, nandito sa board, basahin mo na lang." lumabas kami to show me the bulletin board sa tabi ng office. "Good luck and I hope you find a way to enjoy it." sabi ni Colleen bago niya ako iwan sa labas at pumasok sa loob ng SSG Office.






Napa-buntong hininga na lang ako habang naka-tingin sa rules. And while reading it mukha namang may laban ako kay Gerard once na pinahirapan niya ako but the last one really made me ugh!!! HINDI MAPIPIRMAHAN ANG CLEARANCE KO NG SSG FOR THE FIRST PERIODICAL KAPAG HINDI KO SINUNOD LAHAT NG UTOS NI GERARD!

This is my last year in high school, please make it fun, Lord! Grabe talaga itong mga nangyayari sa akin. Bakit ba kasi kailangan na makilala ko pa 'yung tao na 'yun? Anyways, sige, subukan niya lang akong saktan and I will fight back. OA niya nang dahil lang sa cupcake at sa sapatos niya. Ugh!






GERARD's POV

Buong araw lang siyang naka-simangot. Ha! For sure kinikilabutan na 'to sa takot. May nakakita pa sa kaniya sa SSG Office kanina para magreklamo raw kay Colleen. Akala ba niya madadala niya ako sa ganun niya? She is mine now. I bought her. Ang saya talaga kapag may nagagawa ang pera. I am thinking of something fun, something that will blow her mind and made her guilty about what she did to me.





"Ano'ng tinitingin- tingin mo diyan?" masungit niyang tanong sa akin.

"Nothing, Baby Girl." I saw her face turned red pero hindi niya ako hinarap. Hahaha! Don't tell me affected siya sa ganun? Now I know how can I ruin her senior year.







Pagka-bell pa lang mabilis kong kinuha ang gamit niya at binitbit iyon. Dirediretso ako palabas ng classroom. Wala siyang magawa kung hindi ang habulin ako at pulutin ang mga gamit niya habang nalalaglag ito mula sa bag niya. Hindi siya magka-intindihan sa pag-habol sa akin. Walang sinoman ang may gusto na tumulong sa kaniya. Lahat sila takot, alam nila kung ano ang pwede kong gawin sa kanila once na naki-alam sila. Nakarating kami ng parking lot at agad kong inilagay ang bag niya sa loob ng kotse dahilan para pumasok siya sa loob. Ini-lock ko ang sasakyan nang makapasok na siya sa loob. Halata ang takot sa mga mata niya.







"Saan mo ako dadalhin?" tanong niya.

"Just shut up, slave." sabi ko.

"Gerard pwede ba wala akong panahon para makipagbiruan sa'yo." sabi niya.

"Am I joking?" tanong ko at tiningnan siya ng masama.







She shut her mouth and get her phone inside her bag. Paminsan minsan akong tumitingin sa ginagawa niya at mukhang may tinetext siya.








"Give me that." sabi ko at inihagis sa likuran ng sasakyan ang cellphone niya.

"What the hell?!" sigaw niya sabay hampas ng bag sa akin.

"Sige saktan mo ako nang masagasaan tayo."

"Can you please stop this, now, Gerard! Now!" sigaw niya.








Tiningnan ko lang siya at ibinalik ang tingin sa daan. Pinaspasan ko ang patakbo sa sasakyan kaya tumahimik siya. After 20 minutes of ride, nakarating na kami sa bahay. Halos sabay-sabay lang kaming lima na dumating. Tahimik pa rin si Aria at nagmamasid sa paligid.








ARIA's POV

This is kidnapping! He won't get away from this!

Nasa isang mansyon kami ngayon. Kanino bang bahay ito? Bakit nandito rin iyong nga kaibigan ni Gerard? Ano bang ginagawa namin dito? Oh shocks! Hindi ko alam pero... hindi ba ganito iyong sa mga films na pinagsasamantalahan 'yung girl tapos papatayin. NO!!! Kailangan kong makatakas dito.

Bumaba ng kotse si Gerard kaya madali rin akong bumaba. Susundan ko sana siya kaso naiwan ko ang cellphone ko sa likuran ng kotse niya dahil tinapon niya. Napaka-bastos talaga! Humihingi lang naman ako ng tulong kay Mommy ah.

Kinuha ko ang cellphone sa likod at halos mapatalon ako sa gulat nang makita si Gerard sa unahan ko. Baka kung ano nang ginagawa niya kanina sa likod ko ah.








"Bakit ka nandyan?" tanong niya.

"Ay kinuha ko 'yung phone ko. Tinapon mo kanina 'di ba? Napaka-bright!" inis kong sagot sa kaniya at inirapan siya.







Bigla niya akong hinila sa kamay at napasunod naman ako sa kaniya papasok sa malaking mansyon. Sino ba naman kasi ang nakatira rito? Bakit ba kami naandito? Nauunang naglakad ang apat nalalaki kasunod kami ni Gerard. Pag tayo namin sa pasamano, parang automatic na nag-bukas ang pinto. Binuksan ito ang dalawang lalaki na naka-black suit. Tapos may hile-hilera na maids na baka black and white uniform ang nagba-bow sa tuwing dadaan kami.








"Good Afternoon, Young Master." bati nila kay Gerard. So bahay nila ito?







Bakit ganito ang bahay nila? Sobrang laki tapos pangmayaman talaga. Saka bakit ba sila nagba-bow? Bakit Young Master ang tawag nila kay Gerard? Young Pork Tocino, oo, pero Master? Ew!

Dumiretso kami sa itaas at sa dulong pinto binuksan ni Kyle ang pintuang pinto. May kama at malaking bintana. Don't tell me, ito ang kwarto ni Gerard? May malaking picture din siya sa ulunan ng kama niya. Naka-topless siya at hubog na hubog ang muscles niya. Medyo labas pa 'yung labi ng garter ng underwear niya na may nakasulat na Calvin Klein.







"That was wayback 2012 when Gerard was a model for Calvin Klein." bulong ni Kyle sa akin.








Seryoso?! Tumingin ako kay Kyle pero naka-ngiti lang siya. Nagkakaroon na ako ng trust issues sa kanila. Hindi ko na alam kung totoo ba ang sinasabi nila or hindi. Pero mukhang legit. Mukha talaga siyang model diyan sa shoot tapos iba rin itsura niya... ang gwapo niya run. EW! Ano bang iniisip ko. Si Gerard? Gwapo? Eh mortal enemy ko iyan eh! Pero oo na... iba ang itsura niya talaga dito sa picture na malaki. Gwapo siya, oo na. Shiz!

The Five Bad Boys and IWhere stories live. Discover now