Chapter 7

5.3K 174 17
                                    

"Sorry." sabi ko.

Ito na yata iyong sign na kailangan ko nang umalis. Bumaba ako ng roof top at pababa na sana ako ng Sky Way nang makasalubong ko naman si Gerard sa daan kasama sila Hans, Kyle at Jethro. Uhm...


"Santiago!" tawag ni Kyle sa akin.

Tumunghay ako at ngumiti sa kanila kasi naka-ngiti sila Jethro at Kyle sa akin. Kumakaway pa silang dalawa sa akin. Lumapit sila at agad akong inakbayan nung dalawa.



"Young Master, 'yung stalker mo oh." sabi ni Jethro habang naka-akbay sa akin at nakaturo ang isang kamay sa akin.



Agad siyang binatukan ni Kyle at kumalas sila sa akin once malapit na kami kila Hans at Gerard.




"Una na ako." sabi ko sa kanila at mabilis na bumaba ng Skay Way.




Buong maghapon lang kaming walang imikan ni Gerard. Hindi ko siya pagsasayangan ng laway. Even my saliva isn't worthy of him.





"Paano kaya kita magagantihan?" he told me.





Ay wait, ako ba ang kausap niya? Last period na at heto bigla na lang siyang umiimik.





"Ano bang ginawa ko sa'yo?" I asked him.





Okay. I ACIDENTALLY put some icing on his shoes. Duh! Ganun ka big deal? If he is rich, why can't he buy another one?





"That was made from a high class leather." sabi niya.

"Eh di ba mayaman ka? Bumili ka na lang ulit." sabi ko and he stared at me. Iyong tipong para niya akong papatayin sa evil glare niya.





I shut my mouth pero alam kong wala siyang maisagot, so I guess I win?

Natapos ang klase at kaagad nagsialisan ang mga kaklase ko. Grabe, ang bibilis nila para silang kisap-mata. Nag-aayos pa ako ng gamit at palabas na ng classroom nang mag-announce ang PRO ng Students' Body.






"Attention: All seniors and officers, you may now buy and bid for your neos at the SSG Office. All seniors and officers, you may now buy and bid for your neos at the SSG Office. Thank you!"





Neos? Ano 'yun?





GERARD's POV

"Attention: All seniors and officers, you may now buy and bid for your neos at the SSG Office. All seniors and officers, you may now buy and bid for your neos at the SSG Office. Thank you!"






Naglalakad kami papunta sa parking lot nang mag-announce ang PRO ng Students' Body. Parang nagkaroon ng light bulb bigla sa utak ko na umilaw at nag-madali ako papunta sa SSG Office. Sumunod na rin naman iyong apat sa akin. Medyo marami nang tao sa SSG Office. Everyone is there para bumili ng neos nila.

Neos or in other words, new.
Neo=new
Annual activity ng SSG Officers ang Neophyte every first week of the school year. Senior and officers can buy or bid sa mga gusto nilang neo. Kapag sinabing neo, sila iyong mga freshmen and transferees. This is my first time buying a neo... dahil una, ngayon lang ako nagkaroon ng interest sa mga pakulo nila at padalawa, I have something in mind. A perfect revenge.






"Yes, Young Master?" bati ni Migz, kaklase naming bading na Secretary ng SSG.

"Keep the change." sabi ko at inilapag ang isang libong piso sa lamesa, kinuha ko ang ballpen at walang anu-ano na hinanap ang pangalan ng babae na 'yun.






Ano nga bang pangalan nun?
Napakamot na lang ako sa ulo. Mabuti na lang at dumating si Jethro para bulungan ako.






"Santiago." sabi niya kaya hinanap ko sa mga letter 'S'. Bingo! Santiago, Aria Denesse Ferelli. IV-SSC A.






Kaagad akong pumirma sa blank space sa tapat ng pangalan ni Aria. No one will bid for her, I know, dahil takot sila sa maaari kong gawin once may gumalaw sa kaniya.





----------



"Ge, talaga bang magpapaka-obssessed ka sa babae na 'yan?" tanong ni Kyle.

"He bought her for a thousand pesos, e samantalang isang daan lang naman ang fee sa neos." natatawang sabi ni Jethro.

"There is an address and a contact number here, you might wanna come over." sabi ni Kyle.






Kinuha ko ang puting long folder sa kanilang dalawa ni Jethro para tingnan ang iba pang detalye tungkol sa babae na 'yun.





"Tawagin n'yo na lang ako kapag may balak na kayong kumain." sabi ni Hans at umakyat sa itaas sa kwarto niya.






Tinanguan ko lang siya at nagbasa ng detalye tungkol sa babae na 'yun. Matanda lang ako ng isang taon sa kaniya, kaya dapat gumalang siya sa akin. Over-achiever at dun pala siya sa sarado na school nagmula.







"Kopyahin mo na 'yung number oh." sabi ni Jethro.

"Sige." sabi ni Kyle at agad kinuha ang cellphone niya.







Tiningnan ko silang dalawa at nagsikuhan lang sila. Nagdadalawang isip ako na isave ang number niya sa cellphone ko kasi baka kung ano ang isipin ng dalawang ito. Ang lalakas pa naman nila mang-asar.






"So, ano'ng ipapagawa mo kay Aria?" tanong ni Kyle.

"Wala pa akong naiisip pero gusto ko iyong susuko siya at magmamaka-awa. Iyong luluhod siya sa harapan ko." sagot ko.

"And she'll say... choke me, Daddy." sabi ni Jethro at nagtawanan sila ni Kyle.

"Ulol! Gago! Hindi! Gusto ko iyong mahihirapan siya ng sobra na magsisisi siya na tayo ang binangga niya." sabi ko at natahimik ang dalawa.






ARIA's POV

"Huy nakabili ka na ba ng neo mo?"

"Balita ko may new cute guy from first year."

"Hala, meron na yata sa kaniyang nakabili."

"Ang gwapo niya talaga."

"Pre, nakita mo ba 'yung transferee na second year?"







Pag pasok ko pa lang ng gate pulos ganyan na ang napapakinggan ko sa mga usap-usapan. Ano ba kasi iyang neos-neos na iyan? Aanhin ba 'yan? Kailangan ba lahat bumili?

Sa hindi kalayuan ay nakita ko sila Curt at George, agad naming nilapitan ang isa't isa at sabay-sabay na nagyakapan.








"Girl, we are so excited sa Neophyte." sabi ni Curt na mukhang excited nga dahil sa tono at pitch ng boses niya.

"Curt, ano ba 'yung Neophyte na 'yan? Mukhang event iyan dito sa school ah." tanong ko.

"Girl, neophyte, ito iyong annual activity ng SSG every first week of the school. Seniors and officers can buy ir bid their chosen neophyte. Sila iyong nga freshies and people like us, the tranferees." paliwanag ni Curt.

"Yes and nakaka-excite kasi we will be like having a lot of friends hindi lang sa seniors kundi na rin sa ibang year levels di ba? Gosh! Grabe! Na-eexcite ako. Sino kaya ang nakakuha sa akin?" sabi naman ni George.








Ahh okay. So seniors at officers lang ang pwedeng--- ay shocks! Seniors? Ibig sabihin kasli si...








"Santiago!"





Isang malakas na sigaw ang napakinggan ko mula sa likuran ko habang nasa tapat kami ng Gutierrez Building. Naglalakad siya papalapit sa akin at nagbuo siya ng baril-barilan gamit ang kamay saka kunwaring binaril ako mula sa malayo.







"You're mine!"

The Five Bad Boys and IWhere stories live. Discover now